Chapter Three

13 1 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

Ingay mula sa mga kubyertos at talakayan ni ama at lolo ang maririnig sa hapagkainan. Kasalukuyan kaming naghahapunang apat at hindi ko maipagkakailang masarap ang adobong manok at sopas ngayong gabi.

Maraming ibang pagkaing nakahain sa aking harapan, gaya na lamang ng pansit palabok, lechong baboy, camaro rebosado which is deep-fried battered shrimp, mga prutas, at tinapay. Ngunit adobong manok at sopas lamang ang tumatak sa aking dila.

Paborito ko kasi ang adobong manok, lalo na kung luto ni inay Marie, ngunit mukhang magtatampo si nanay sa akin kapag aking binalita sa kaniya na adobong manok ng hacienda dela Lardizabal ang bago kong paborito.

The sweetness and spicy taste complement each other. Also, I can taste how fresh the ingredients used to cook the dish. It tastes like home. Sa kabilang banda naman, ang sopas ay hindi napagkaitan sa mga sangkap at lasang-lasa ang matamis na krema nito.

Mukhang makakatulog ako nang mahimbing sa sarap at busog mula sa pagkain.

"When I went to the east side of the hacienda, I was amazed at how abundant the crop of onions and garlics are. Father, I wish to include them in my exports to Spain with your consent. You are aware of their love for spices." My father said. Tumango-tango si lolo, habang pinupunasan ang kaniyang labi gamit ang kremang serbiliyeta.

Kahit na nagtungo kami rito ni ama upang magbakasyon ay negosyo pa rin ang kaniyang iniisip. Kapag kami ay nasa West Calisota ay karaniwang wala siya ng bahay buong araw at makakasama lamang namin ng hapunan, ngunit kahit na ganoon ay lagi pa rin siyang naglalaan ng oras sa kaniyang pamilya. Sinisiguro niya na ang araw ng Linggo ay para sa Diyos at sa amin.

"That's a brilliant idea but allow me to consider. Let's discuss business at a later time," Lolo said, making my father plaster a smile on his lips.

Nangangahulugan kasi na interesado ang duke sa sinasabi ng kaniyang anak, ngunit kagaya ko ay nais niyang makapagpahinga ito mula sa trabaho. Sa wari ko ay pag-uusapan nila ang patungkol sa negosyo isang araw bago kami bumalik sa West Calisota ni ama.

Lolo turned his gaze at me, smiling. "Now, let's talk about you. How are you, darling?" I wiped my lips, using the table napkin, and then faced him.

Siya ang nakaupo sa pinakagitna ng lamesa, nasa kanan niya si lola at nasa kaliwang banda naman kami ni ama.

"I am perfectly fine, lolo. Thank you for asking."

"Are you enjoying your stay?" I showed him a smile and said yes.

"Diana is a wonderful companion as well. She is responding to all of my questions about this amazing place and is highly proficient in her duties." Lumingon ako kay Diana, na nasa aking likuran, at ngumiti nang matamis sa kaniya. She smiled back and bowed her head.

Labis akong nagpapasalamat na si Diana ang inatasang maging kasakasama ko habang narito sa Prince Edward. Hindi siya mahirap pakisamahan at sa totoo nga'y marami kaming pagkakasundo, gaya na lamang ng hilig namin sa pagbabasa ng mga libro.

Mukhang magiging matalik kaming magkaibigan.

"I'm happy to hear you're having a good time. Diana is one of our dedicated maids and fun to be with, and I must commend her for that." Lolo turned to face her, startling Diana, pero agad din naman siyang umayos at nagpasalamat sa sinabi ng duke.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon