Chapter Four

15 1 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

Grandma looked at me then held my hand na nakalagay sa kaniyang balikat. "I know someone who can teach you about the things you want to learn, I will only entrust you to this person." Tumango ako sa sinabi ng dukesa na hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi.

Ako ay nasasabik at hindi na makapaghintay sa aking mga aaralin. Sa wakas ay akin ring matututunan ang pagluluto ng iba't ibang putahe na pinapanood ko lamang gawin ng mga taga-luto sa amin. Matututo rin ako ng mga gawaing bahay gaya ng pagwawalis at paghuhugas ng mga pinagkainan. Ang iba't ibang hayop naman gaya ng kambing, manok, baka, pato, at baboy ay aking makikita sa malapitan at baka nga ay mahawakan ko pa. Bihira kasi ang mga gan'tong hayop na makita sa bakuran ng mga bahay-bahay sa lungsod ng West Calisota dahil sa palengke lamang sila nakikita, na kung saan ay patay na at karne na lang na ibinebenta.

"Si Madam Gertrude po ba?" Confirming if Madam Gertrude, ang mayordoma ng mansiyon, ang siyang magiging guro ko sa mga bagay na gusto kong matutunan.

Nabanggit sa akin ni Diana ang mayordoma noong inaayos niya ang aking buhok kaninang umaga. Wala kasi ang mayordoma noong dumating kami rito sa hacienda ni ama. Umuwi raw kasi ito sa kanilang probinsya upang bisitahin ang kaniyang apong mayroong malubhang sakit sa puso.

Kwento sa akin ni Diana, ang mayordoma raw ay masipag, magaling makisalamuha, responsible, at higit sa lahat ay masiyahin, malambing, at napakabait, kaya marami siyang kasundo sa mansiyon at siya rin ang taong lubusang pinagkakatiwalaan ng duke at dukesa. Ngunit nang makita ko sa personal ang mayordoma ay parang nagduda ako sa kwento niya.

Noong matapos kasi ang paglalakad namin ni Diana sa hardin ay pumasok na kami sa mansiyon at roon namin nakita ang mayordoma, magkasalubong ang kilay, mabigat ang awra, nakaitim pa na damit, at nakasimangot. Ngunit nang magkasalubong ang aming mga mata, ako ay binigyan niya ng isang ngiting napakatamis at saka ako binati.

Tunay ngang napakalambing niya, dahil sa boses niyang tila isang ina na nagpapatulog sa kaniyang anak sa gabi. Isa pa ay walang alinlangan niya akong binati at kinamusta, kahit na ang itsura ko ay kakaiba. Wala akong bahid ng panghuhusga na nakita sa kaniyang mga mata at nadama sa kaniyang kilos. Gumaan agad ang loob ko sa kaniya dahil doon.

Pakiramdam ko tuloy ay ina ko na rin siya.

Huli ko nang nalaman na ganoon lamang talaga ang itsura ng mayordoma kung nag-iisa at walang kausap, at saka mahilig lang umano siya sa kulay itim na mga damit. Hindi talaga dapat natin hinuhusgahan ang kapuwa base sa kung ano lamang ang nakikita ng mata.

Si Madam Gertrude ay isang matangkad na babae, marahil ay mayroong limang pulgada na lagpas sa akin. Hanggang balikat ang buhok niyang itim at may bahid ng puti-puti. Sakto lamang sa aking paningin ang kaniyang pangangatawan, hindi gaanong mataba at payat. Sabi ni Diana ay nasa apat na pu't dalawa ang kaniyang edad at matagal nang namayapa ang kaniyang asawa.

Umiling si lola sa akin at napalingon naman ako kay lolo nang magsalita siya. "Mukhang kilala ko ang gurong nais ng iyong lola. Hindi ito si Madam Gertrude sapagkat limitado lamang dito sa loob ng mansiyon ang kaniyang nalalaman."

"And who is this person, if I may ask?" tanong ni ama, pati ako ay nauusisa kung sino ang aking magiging guro.

Mukhang magaling ang taong ito sa iba't ibang bagay, lalo na sa mga gawain sa loob ng mansiyon at sa labas. At saka mukhang lubusang pinagkakatiwalaan nila lolo at lola dahil hindi nila ipagkakatiwala sa kung sinu-sino lamang ang paborito nilang apo.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon