Chapter Twelve

0 0 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

Napaupo ako sa bangko sa kubong pinuntahan namin. May mga baso roon at lalagyan ng mga tubig. Marahil dito nagpupunta ang mga trabahador mula sa taniman upang uminom at magpahinga saglit.

Agad kumuha ang ginoo ng dalawang baso at nagsalin doon ng tubig. Iniabot niya sa akin ang isa.

"Salamat," mahinang sabi ko at saka uminom.

Tumabi ito sa akin at pasimple akong umusog palayo sa kaniya. Inubos ko ang laman ng baso at saka ito inilapag sa mesa.

"Galit ka ba sa akin?" Napakunot ako ng noo at dahan-dahang lumingon sa kaniya.

Hawak niya ang baso, at hindi pa bawas ang laman nun, na nakapatong sa kaniyang mga hita habang nakatingin sa akin. Ang kaninang seryoso at kunot noong mukha ay umamo. Pati rin ang boses niya ay tila lumambing.

Umiling ako. "Hindi, ginoo." Ngumiti pa ako nang pilit, upang ipakita na hindi.

Hindi naman talaga ako galit. Wala naman siyang ginawang masama para magalit ako. Ako lang naman itong umiiwas sa kaniya. Nasa sa akin lang naman ang problema e.

"Patawad kung natagalan ako," paghihingi niya ng tawad.

Napakagat labi ako dahil ngayon ko lamang nakita ang ganito niyang ugali. Maamo, malambing, at nagpapakumbaba.

"May mga pinatulong pang mga bagay si Ali. Hindi ko siya maiwan" he added.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa kaniyang sinabi. Lalo na nang tawagin niya itong Ali na tila ba espesyal itong ngalan na siya lang ang tumatawag.

"Mabigat ang bitbit niya, ginoo. At dapat mo lang siyang tulungan," sabi ko na lang.

Bago pa siya makasagot ay tumayo na ako. "Tara na, baka naghihintay na sila."

Tinalikuran ko siya at naglakad na palayo.

Hindi ko na alam kung ilang araw ko ng iniiwasan ang ginoo, simula noong nasa manggahan kami. Nakikipag-usap pa rin naman ako pero hindi na gaya ng dati. Kakausapin ko lamang siya kapag may kailangan ako o kung nagtatanong siya sa akin. Alam kong nahahalata niya iyon ngunit wala akong pakialam. Ang mahalaga ay hindi na muli bumibilis ang pintig ng puso ko sa kaniya at hindi na rin ako namumula.

Ngunit hindi ko maipagkakaila na ako ay nakakaramdam ng pagkasabik at lungkot dahil hindi na kami nakakapagbiruan o nag-uusap ng sobrang lalim at mahaba patungkol sa iba't ibang bagay.

"Ang lalim po ng iniisip niyo, binibini," napaangat ako ng tingin kay Fredo, habang nagpapaligo ng isa sa mga kabayo.

"Inaantok lang," simpleng sagot ko at ngumiti.

Maaga akong nagising upang maiwasan si Ginoong William. Alas siyete ay nakaabang siya sa labas ng mansion upang sunduin ako, bilin din iyon sa kaniya, ngunit alas sais pa lang ay umalis na ako kasama si Diana. Hindi na ako nakapag-almusal nang maayos, tanging tinapay lamang ang aking kinain at gumayak na.

Sinamahan ako ng binibini na mangolekta ng mga itlog ng manok. Matapos ay dumeretso ako sa kuwadra at saktong naabutan ko sila Fredo na inilalabas ang mga kabayo upang paliguan sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon