Chapter Five

7 1 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

One of the maids brought my white gloves and morning purple dress to the laundry, even though I have only wore it for a few hours.

I smiled at her, but she only bowed before leaving my room. I checked myself in the floor mirror while wearing a wood-colored, long-sleeved Indian cotton muslin dress, brown leather boots, and a cream lace cap covering my bunned hair, with a matching apron over the dress.

Itong aking kasuotan ay pinagawa pa ng dukesa sa isang kilalang sastre o tailor dito sa Prince Edward na nakapag-aral ng designing sa Europa. Sakto sa akin ang damit na kung saan hindi masikip at hindi rin gaanong maluwag. Sobrang kilalang-kila ako ni lola na pati ang aking sukat ay alam niya. And grandma truly asked the town's most renowned tailor to make me a maid dress so I can feel at ease while learning the skills I want. I know that she would never let me wear a mere maid dress for she cares about my skin, my health.

Ang wika niya ay dapat mga mamahaling mga tela lang dapat umano ang aking susuotin sapagkat baka raw mangati ang balak ko at magkasugat pa kung normal na tela ang ipasuot sa akin. Napakaganda raw ng aking porselanang kutis at kailangan nang lubos na pangangalaga. She really treats me like I am still a fragile, little one.

Mas lalo ring hindi ako no'n pagsusuotin ng pantalon para mas makagalaw nang maayos for she believes that it is forbidden to see women in a man's clothing. Well except when I am horseback riding, wala na siyang magagawa sapagkat 'yon ang mas mainam na suot, though there are dresses made for riding horses, but I am way more comfortable with pants.

"Napakaganda niyo pa rin po, Lady Emilia, kahit ganiyan ang inyong kasuotan." Muntik nang mawala sa aking isip na kasama ko pala sa aking silid si Diana.

Nagpasalamat ako sa matamis niyang papuri. Kaming dalawa ay nagkasalubong sa malaking pinto ng mansiyon nang ako ay pabalikin ng dukesa sa aking silid upang magpalit ng damit

Wala akong ideya sa kung ano ang gagawin ko ngayong araw kasama ang aking guro. Pero mukhang magiging masaya naman ang araw ko basta huwag lamang akong tuksuhin ng ginoo, pero mukhang impossible ata iyon mangyari sapagkat dumadaloy na ata sa dugo ng lalaki ang pagiging pilyo at tila yata hindi nakukumpleto ang araw niya kung hindi siya nagbibiro.

Napabuntong hininga ako. "Kaya ko naman siguro magtimpi ng isang buwan na kasama ang ginoo. Bahala na," bulong ko.

Agad lumapit si Diana sa aking tabi. "May iniuutos po kayo, Lady Emilia?"

Umiling ako sa kaniya at saka ngumiti. "Wala, Diana. Tara na, baka naghihintay na sa atin si Ginoong William."

Nakarating kami sa likod ng mansiyon na kung saan patag ang paligid, nagkalat ang mga baka, kambing, tupa, at manok. Masisilayan din ang tatlong, pulang mga kamalig, marahil para sa pag-iimbak ng mga ani at para sa tahanan ng mga munting nilalang.

Agad kaming nagtungo ni Diana kay Ginoong William na ngayon ay nakatayo malapit sa kaliwang bahagi ng isa sa mga kamalig, na kung saan mayroong mga bakal na mistulang bakod doon, poso, at hose. Hindi na siya nakatsinelas 'pagkat gaya ko ay nakasuot siya ng leather na bota.

Siya ay naiiba sa mga ginoong naninilbihan dito sa mansiyon. Sa pagtayo niya pa lang ay aakalain mong mayroon siyang mataas na katayuan sa lipunan. His posture, with his feet apart, chest out, and lifted chin, screams authority na tila panghihinaan ka ng tuhod. He also has strong facial features and a well-toned body, giving him the appearance of a Greek god who has been sent to earth to be worshipped.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon