Chapter Ten

0 0 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

Nakarating na ako sa aking silid ngunit hindi pa rin ako tinitigilan ni Diana patungkol sa ipinahayag ko kanina.

"Sigurado kayo, binibini? Hindi niyo talaga siya gusto?" Humarap ako sa kaniya habang tinatanggal ang pang-itaas kong damit.

Tanging natira ay ang aking puting sando at korset.

Inabot ko iyon sa kaniya at kinuha niya naman iyon habang nakatingin sa akin na nag-aabang ng aking sagot.

"Hindi. Hindi ko siya gusto." I strongly said.

Impossible. Those weird feelings that arise whenever I am with him does not mean that I like him. They are just mere feelings. Normal reaction.

O baka may sakit talaga ako?

Nakita ko ang pagbuka ng bibig ni Diana na magsasalita pa, ngunit inunahan ko na siya. Ayokong makarinig ng mga kataga na may gusto ako sa aking maestro.

"Ihanda mo na ang aking pangligo." Tumango ito agad at pumunta sa banyo.

Nang makaalis ito ay pumunta ako sa aking lamesa. May sobreng puti roon na nakapukaw sa aking atensiyon. Tinignan ko ang nakasulat na detalye at nang makita ko ang ngalan ni nanay ay umupo agad ako.

Marie Carion-Lardizabal.

Halos mapunit na ang aking labi sa sobrang saya at pagkasabik na mabasa ang tugon nila, ni Tenecie, sa sulat na ipinadala ko, limang araw na ang nakakaraan.

"Diana, kailan dumating ang sulat?" Malakas na tanong ko at binuksan ito at binasa gamit ang aking mga mata.

"Kaninang ala una po," sagot niya.

Hindi na ako sumagot at binasa ang mahabang sulat sa kulay rosas na papel na hawak ko.

"Nagagalak ako patungkol sa pinagkakaabalahan mo, anak. Ngunit mag-iingat ka, kayo ng ama mo. Alagaan mo ang iyong sarili, kumain ka sa tamang oras, at huwag kang magpupuyat... Huwag mo na kaming alalahanin ni Tenecie rito, maayos kami." Halos pabulong kong binabasa 'yon.

Tumango pa ako nang mabasa ang bilin niya sa akin. Pareho sila ng namayapa kong ina, sobrang maalalahanin. Minsan nga ay iniisip ko na si nanay Josephina na mismo ang nagpadala kay nanay Marie para sa amin ni ama, upang hindi kami malungkot at mapabayaan.

Napakaswerte ko nga naman dahil may dalawa akong ina na nagmamahal sa akin.

"Ang kapatid mo ay maayos naman. Sabi niya ay masaya siya dahil wala muna siyang kaagaw sa tsokolate rito sa bahay. Ngunit alam at nararamdaman kong nalulumbay na siya." I chuckled with a hint of sadness.

I also miss my sister. We may not be sisters by blood, but we're sisters by heart.  We chose to be sisters and we also chose being friends. She is my first friend.

At saka sa sobrang dami naming pagkakapareho, sa gusto o itsura, ay talagang hindi sasagi sa isip ng mga tao na hindi kami magkadugo.

Anak siya ni nanay Marie sa una nitong asawa bago sumakabilang buhay. Namatay rin ito dahil sa sakit. Mas bata si Tenecie ng isang taon sa akin.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon