Chapter Nine

1 0 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

Dalawang araw na ang nakalipas mula noong naggatas kami ng baka. Sa loob ng mga araw na iyon ay marami akong nagawa. Nagpaligo muli ng mga aso at kabayo, nanguha ng mga itlog ng manok na kung saan ay nakakatatlong basket na ako at 'di na gaano natutuka, nagpakain ng aso at mga baboy, at natuto rin akong magpastol ng tupa na halos kalahating araw ko nagawa sa ilalim ng araw.

Ngayon ay naglilinis kami ni Ginoong William ng isang kuwadra ng mga kabayo, kasama ng iba. Malawak kasi ito at hindi namin kakayaning dalawa.

"Napapansin ko, parang hindi ko nakikita si Diana, binibini," he said.

"Laging may iniuutos sa kaniya sa bayan o sa loob ng mansiyon kapag kasama na kita," sagot ko habang nagwawalis.

Sabi nga nila lola at Madam Gertrude na sapat na umano si Ginoong William para ako ay bantayan.

Inayos ko ang telang binalot ko sa kalahati ng aking mukha upang takpan ang aking ilong pangharang sa amoy ng dumi. Medyo nasasanay naman ako pero mayroon paring kaonting amoy na hindi ko kaya. Hindi ito mabaho, pero hindi rin kaaya-aya para sa akin.

"Ah, kaya pala," mahinang sagot niya ngunit narinig ko pa rin.

Hindi na nagsalita ang ginoo. Pasimple akong tumingin sa aking kanan kung nasaan siya. Nagwawalis lang din ito kagaya ko pero mayamaya ay nakikipagkulitan na siya sa mga lalaking trabahador na kasama namin.

Nag-iisip ako ng pwedeng maitanong ngunit walang pumasok sa aking isip. Nasanay na ako na lagi kaming nagtatanungan at nag-uusap. Hindi ko maipagkakaila na gusto ko kung paano siya mag-isip at kung gaano siya kagaan kausap para sa mga seryosong bagay.

Isa pa, gustong-gusto ko rin pinakikinggan ang mga sasabihin niya. Ang mga opinyon niya, at kung paano niya pahalagahan ang opinyon ko.

"Tubig muna kayo!" Nabalik ako sa reyalidad nang biglang may lalaking pumasok.

Medyo may katandaan na ito dahil sa puting buhok at medyo kulubot na mukha, ngunit kita pa rin ang lakas sa kaniya. Mayroon siyang malaking boteng hawak at isang babasaging baso.

"Mang Kanor!" Maraming bumati sa kaniya ng may ngiti.

Mukhang malapit din siya sa mga trabahador.

Mang Kanor's eyes widen when he saw me. Madali lang naman ako mamukhaan dahil sa buhok at mga mata ko. Kahit na mayroong takip ang kalahati ng aking mukha, kaya naman ay tinanggal ko ito.

I smiled, awkwardly. "Mang Kanor," I conformed as if I know him.

Iilan pa lang nakikilala ko sa hacienda. I doubt if I could even memorize all their names and faces. Pero gusto ko talagang makihalubilo sa kanila.

"Ano pong ginagawa niyo rito, binibini?" Gulat na tanong nito.

"U-Uhm, naglilinis po?" I answered, sabay pakita sa walis tingting na hawak ko.

Binaling niya ang tingin niya kay Ginoong William. "Totoo nga ang balita."

Simpleng tango at tipid na ngiti ang sinagot ni Ginoong William.

Patungkol siguro 'yon sa apo ng duke at dukesa na nakikisali sa ginagawa nila. Hindi naman araw-araw ay mayroong dugong bughaw ang gustong gumawa sa gawain nila. Parang wala pa nga akong nakita at nabalitaan.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon