Chapter Two

19 2 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

Twinkle, twinkle, little star

How I wonder what you are?

Up above the world so high,Like a diamond in the sky

Twinkle, twinkle, little star

How I wonder what you are?

Abala kong sinusuklayan ang aking hanggang bewang na niyebeng buhok habang hinihimig ang isa sa mga paborito kong pambatang kanta. Lagi kasi itong kinakanta sa akin ng tunay kong ina kapag sinusuklayaan niya ang aking buhok o kung hindi kaya ay para makatulog ako noong paslit pa lamang ako.

Pero noong ako'y tumungtong na sa edad na labing isa ay roon naman ang pagpanaw ni ina. Napakasakit ngunit ang makita siyang mahimbing nang maayos ay nagbigay sa akin ng ligaya, sa magandang dahilan.

Ang sakit niya sa puso ay nagdala sa kaniya ng sobrang hirap nang ilang taon. Kahit hindi ko na marinig ang tinig niya sa pagkanta ay ayos lamang sa akin. Ang mahalaga'y masaya siya kung nasaan man siya ngayon, at natatamasa nang lubos ang kapayapaan na kaniyang ninanais.

Sabi ni ama ay kapiling na niya ang Diyos kung saan walang paghihirap at puro lamang saya at ginhawa ang mararanasan sa piling ng may Maykapal. At saka hindi man namin kapiling si ina sa aming tabi, lagi naman niya kaming binabantayan at ginagabayan mula sa itaas na pawang mga tala.

Napatigil ako sa pagsusuklay at nilingon ang malaking bintana sa aking silid dito sa mansion. Isang ibon na kulay kayumanggi ang nakatayo sa isang sanga ng puno ng Evergreen, na tila sinasabayan ako sa pag-awit dahil sa huni niya. Isang napakagandang nilalang na tila nagkukulay ginto dahil sa sikat ng araw sa mga balahibo nito.

Nilapag ko ang puting suklay na aking hawak at saka naglakad papunta sa malaking bintana ng aking kwarto upang mas masilayan ko ang maliit na nilalang nang malapitan. Nang makita ako nito ay umatras siya nang kaonti.

"Good morning." Bati ko. Ang mga itim at bilog niyang mata ay nakatingin lamang sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi habang dahan-dahan kong inilalapit ang palad ko sa kaniya upang mahaplos siya. Ang liit niya ay maihahalintulad ko sa itlog ng isang manok.

"Ay!" Bahagya akong napatalon at lumaki ang aking mga mata sa gulat nang bigla itong lumipad papunta sa aking palad.

I paused and freeze for a moment to digest what just happened. Nang mapagtanto kong nakadapo nga ang munting ibon sa aking palad ay hindi ko mapigilan ang aking ngiti. Halos mapunit na ang aking labi sa magkabilang tenga kong ngiti.

Nagmumukha tuloy akong si Snow White. Isang prinsesa na malapit sa mga hayop. Nabasa ko lamang 'yon sa isang libro.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking palad sa aking mukha upang mas matignan pa nang mas malapit ang ibon. This is the first time I have had a close encounter with a bird. "Napakaganda mo." I giggled when it chirped back at me. Tila naintindihan niya ang aking sinabi.

"Lady Emilia," tawag sa akin ng isang babae.

Napalingon ako sa pinto. Marahil ay isang katulong na inutusan ni lola upang gisingin ako para sa agahan. Muli niyang tinawag ang aking ngalan, at kumatok nang tatlong beses.

"Teka lang, parating na," sagot ko at tumingin muli sa ibon upang magpaalam na.

Inilapit ko ang aking palad sa bintana. "Bye, little one," I said. The bird looked at me for the last time, then it flew away.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon