Chapter Eight

0 0 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

"Anong sinabi ng dukesa?" Tanong ng ginoo habang nakatitig sa aking kamay.

Hinugasan ko lamang ito muli at saka pinahiran ng ointment. Hindi ko na ito binalutan ng telang manipis dahil sabi ni Diana ay hayaan ko lamang itong mahanginan.

"Ayan talaga una mong itatanong? Hindi kung kumusta ako?" I asked, with my eyebrow raised.

His eyes widen. Hindi niya siguro inaasahan ang pagsagot at pagtataray ko. Ang sasabihin talaga ni lola o lolo ang mahalaga sa kaniya. Sobra talagang seryoso siya sa kaniyang pagsisilbi sa kanila at sa akin.

"Baka kasi napagsabihan ka. Nag-aalala lang a-"

Bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay pinutol ko na 'yon. "Biro lang. Muntik na akong patigilin ni lola at lolo, pero nakumbinsi ko naman sila. Wala na silang magagawa."

"Paano naman ang iyong ama?"

"Si ama? Nag-alala rin ngunit hindi na niya ako pinigilan. Kilala niya ako, kapag sinimulan ko ay aking tatapusin," I said.

Sinabihan niya lamang akong mag-ingat at hangga't maaari ay huwag raw masugatan ngunit impossible naman ata 'yon.

"Kumusta ka?" Alanganing tanong nito. Natawa na lamang ako sa kaniya.

"Concerned?" Tumango siya.

Mabait din naman pala siya.

"Baka kasi ma-impeksyon ka. Mahal ko trabaho ko," he said.

I rolled my eyes. Bumalik na naman siya sa dati niyang ugali. Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa kamalig para sa mga baka.

"Anong ginawa mo, Lady Emilia, at tinuka ka ng manok?" Tanong nito.

Nainis kasi ako sa'yo. Sabi ko sa aking isip. Minsan akala mo seryoso na ang mga bibitawan niyang salita, ayon pala ay pang-aasar lang.

Bago sumagot ay binati ko muna ang isang manggagawa na sumalubong sa akin. May karga itong isang sako sa kaniyang balikat. "Maganda umaga rin po. Ingat kayo."

Matapos ay nilingon ko si Ginoong William. "Akala ko itlog nito ang nakuha ko. Paa pala ang aking nahawakan," sagot ko.

"Mag-iingat ka sa susunod, Lady Emilia," he said.

I nodded my head. "Yes yes."

Sometimes, I ask myself, is he really concern or is he concern because of his job and promise to my grandparents?

Nakarating kami sa kung saan maraming baka. Maggagatas kasi kami ngayon, hindi na namin nagawa kahapon dahil sa nangyari. He overreacted and said to continue all the work the next day.

Umupo ako sa isang maliit na upuan katabi ng ginoo. Kaharap namin ang isang bakang itim. May isang balde sa ilalim ng suso nito. Bago namin ito gatasan ay nagsuot kami ng gloves at lininisan muna namin ng basa at malinis na tela ang utong. Pagkatapos ay ipinakita niya sa akin ang gagawin.

"Hawakan 'yong utong, tapos pisilin at medyo hilain para lumabas ang gatas, tama?" I said. Tumango ang ginoo at sinabing pwede na ako magsimula.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon