02

272 4 1
                                    

Weeks have passed, and now our teacher was busy looking for representatives for the pageant to be held on foundation day on October 18 to 23.

"Sino gusto niyong representative ng class natin for Mister and Miss High School Department?" Tanong ni ma'am.

"Ma'am si Jayden sa boys!" Suggestion ng kaklase ko. "Nag pageant na po siya noon ma'am!" Sabi pa nito.

It was then decided na si Jayden na ang representative sa boys.

"Ma'am sa girls si Jezreel!" I immediately looked at my cousin who volunteered me as the representative for the ladies.

"Ha?" I said while glaring at her.

All my classmates were agreeing with Sabrina. Panay ang sabi nila na ako raw ang mag represent. Panay naman ang tanggi ko.

"Miss Casas?" Tanong sa akin ni ma'am.

Agad akong umiling. "Ayoko Ma'am,"

"Ma'am nag pageant na yan noong elementary kami. Nanalo po siya!" Sabrina said.

I sighed as Sabrina disclosed that information. That was the pageant I joined when I was grade 5 na napilit lang ako.

"Sige na Jez," Pangungumbinsi sakin ng bakla naming kaklase. "Sure win kayo ni Jayden kapag! Yung brains niyo, plus the visuals, OMG sure win!"

Panay parin ang tanggi ko sa binabalak nila.

"Sige na Robyn!" My classmates said in unison.

"Miss Casas?" Our adviser asked again.

I looked around and all eyes were on me. They were giving me their hopeful eyes.

I heaved a sigh. "Sige po ma'am." I said, defeated.

My classmates then celebrated. Excited na daw sila sa paparating na foundation day.

"Pag natalo, walang sisihan ah," I said.

"Beh, hindi ka matatalo, mananalo ka I feel it!"

Moments later, our class was dismissed.

"Gaga ka, bakit mo naman sinabi na nag pageant na ako, mas nagatungan yung gusto nila na ako maging rep!" Sabi ko kay Sab habang naglalakad kami palabas sa school.

She then leaned towards me and whispered something. "Ayaw mo non, makikita ka ni Hans na dolled up, malay mo i-crush back ka na,"

I suddenly got excited.

Our adviser then submitted our names as our class representative, then days later, start na ng practice for the pageant.

Kinabahan naman ako bigla dahil kasali sila ate Shannon at ate Brooklyn.

We were at the auditorium getting briefed regarding the pageant, when a group of students holding boxes entered the auditorium.

Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang isang pamilyar na lalaki. Nanlaki din ang mata niya, nang makita ako.

"Sasali ka sa pageant?" He asked.

I nodded shyly.

He also nodded and smiled at me. "Best of luck! Eto snacks niyong mga candidates!"

Dumating ang araw ng pictorial namin para sa pageant.

Inaayusan na kami para sa pageant headshot pictorial.

"Next candidate po." Tawag ng make up artist. "Upo na dito."

Pumwesto na ako.

"Ay ang gandang bata!" Sabi ng baklang make up artist at hinawakan ang mukha ko.

Footprints In The SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon