09

314 5 0
                                    

tw: attempted rape

We are reviewing for a long quiz nang naki upo samin si Sab, habang nag hihinatay mag start ang klase nila.

Binuklat niya isa kong libro.

Sa isang page, nakita niya ang dalawang music fest ticket na naka ipit.

Siniko niya ako, at pinakita ang ticket. Umiling naman ito, alam na agad kung para saan iyon.

After minutes of chatting, nagpaalam na si Sabrina sa amin.

"Sige alis na ako." Paalam niya. Bumulong naman ito. "Nandiyan crush mo."

Pagkaalis ni Sab, lumapit ang grupo nila Hans sa amin.

My classmates eyed Hans then looked at me. Nalaman nila na may gusto ako kay Hans, kahit ang mga instructors namin, nalaman nila dahil may isang ka batch ko noong high school, sinabi sa kanila. Lintek na Marion yan.

Marion faked cough. Kinurot ko naman ang tagiliran nito.

"Aray aray aray. Sorry na boss Jezreel."

"Hello!" Bati ni ate Hazel, kaklase ni Hans.

We greeted them back. She looked at the books na ni rereview namin.

"Fighting!" Sabi ni ate sa amin.

"Nakakaloka ate!" Sabi ni Mylene. "Ang daming need gawin! Pwede bang isalang nalang at huwag na yung exact measurements ganoon?"

Natawa siya.

She gave us motivational words para hindi kami sumuko sa pag rereview.

"Kaya niyo yan. Huwag kayong susuko. Susuka pero hindi susuko."

Nakita ko namang nasa may kiosk si Hans. Lumapit ako para ayahin siya sa music fest.

"Hans." Tawag ko.

"Bakit?"

"Uhm... ano..." I wasn't able to finish my sentence when one of his classmates called him.

"Dalian natin gagi nandoon na daw si ma'am!" Tumatakbong sabi nito.

Nataranta naman si Hans.

"Uhm... mamaya mo nalang sabihin sakin, need ko na pumunta sa lab, may long quiz kami eh. Sabay na din tayo umuwi mamaya."

"Okay!" Sabi ko. "Goodluck! Fighting!"

"Thanks!" Ani Hans at tumakbo na papunta sa classroom.

"Ikaw Jez, di ka pa uuwi?" Tanong ni Mylene.

Umiling ako. "Hindi pa, magsasabay kami ni Hans kasi."

She smirked and nodded. "Yieee."

My other classmates teased me.

I chuckled.

It was already dark when they finished their class. Nag extend sila.

Nakita ko naman siyang papunta sa faculty kasama si ate Hazel at ilang kaklase nila.

I went near them.

Napatingin naman sila sa akin. Ate Hazel smiled, and waved at me. Ganoon din si kuya Migo.

I smiled and waved back at them.

Hans is busy reading something on a bond paper.

Nag text naman ang mama.

Mama:
Anak, nasa school ka pa ba? Anong oras ka uuwi? May event dito sa resort eh, late ako makakauwi. Mga 10 na. Iluto mo nalang iyong manok na nasa ref

Footprints In The SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon