05

189 5 0
                                    

Dumating ang araw ng pageant.

Kabadong kabado ako ngayon.

Nasa backstage kami, naghahanda sa pag-uumpisa ng pageant.

Ilang sandali ang lumipas, nag umpisa na ang pageant.

"Let us present you, our candidates for this year's Mister and Miss High School Campus Personality!" Sabay na sabi ng dalawang emcee.

Nag-umpisa na rumampa ang grade 7 representatives na sina Yasmin at Santino,

"Yasmin Sabado... Santino Paredes," Yasmin and Santino said respectively. "Grade seven representatives!" Sabay na sabi ng dalawa.

Grade 8 representatives, Hannah and Hector followed.

"Hannah Kalaw... Hector Halili... Grade eight representatives!"

Then it was our turn. Just how we practiced, rumampa ako patungo sa left side ng stage, did poses for a while then continued to walk towards the center where Jayden and I met bago kami rumampa paharap patungo sa kung nasaan ang mic.

"Jezreel Casas," Pagpapakilala ko sa sarili. "Jayden Palomares," Pagpapakilala rin ni Jayden sa kaniyang sarili "Grade nine representatives!" Sabay naming sabi. Kasunod noon ang madagundong na hiyawan ng section namin.

Malakas ang patugtog at sinasabayan pa ng nakakabining hiyawan ng mga nanonood. Ramdam ko ring halos manginig ang stage dahil doon.

Natawa ako habang nag-umpisa na kaming rumampa pabalik sa backstage nang may narinig na pinapaingay na kaldero! May isa kaming kaklase na nagdala ng kaldero! Nagtawanan ang mga nasa loob ng auditorium.

Grade 11 representatives followed.

"Brooklyn Ybarra... Kenneth Jacobe... Grade eleven representatives!"

Then the next, pagkatapak palang ng kambal sa stage, halos hindi na magkarinigan dahil sa sobrang lakas ng hiyawan.

"Shannon Lacsamana... Stephen Lacsamana... grade eleven representatives!" Dumagundong ang malakas na hiyawan, kasabay ng napakalakas na torotot para sa kambal.

After that, nag isang pasada pa kami sa pag rampa before we quickly changed to our uniforms.

"Now, let us all witness our candidates in their uniforms!"

Isa isa na kaming rumampa. Kabadong kabado parin ako pero nang makita ko ang pamilya ko, nabawasan kahit papaano ang kaba sa aking dibdib. Mama is smiling widely at me, ganoon din ang aking tito Ricardo at ang aking Lola Rosa.

"So, we will award the best in school uniform. The award will be given by our prefect of discipline, Mrs. Marina Acosta." Panimula ng isang emcee.

"The best in school uniform for the gentleman is, Stephen Lacsamana!"

Kuya Stephen went in front to claim his award.

"Let us proceed to the ladies. The best in school uniform is... Shannon Lacsamana!"

Ate Shan also went in front to claim her award.

The two took poses with the prefect before going back to their posts.

We then went backstage at nagpalit na para sa sports attire

Pang figure skating ang attire namin ni Jayden, na ginamitan namin ng in-line skates para sa paandar namin na tila nag skates kami sa yelo. Good thing, I know how to use in-line skates. 

Naka pang motocross riding attire ang grade 7 representatives, tennis naman ang sa grade 8, swimming naman ang kina ate Brooklyn, at archery naman ang kina ate Shannon. 

Footprints In The SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon