16

174 4 1
                                    

On their sixth day, the group ordered cakes and cupcakes. Na-serve na ang orders nila.

Habang busy akong naglalagay ng frosting, narinig kong may nagsisisigaw.

Ilang sandali, tumatakbo ang waiter papunta sa kitchen.

"What is happening?" Natatarantang tanong ni sir Paulo sa waiter.

"Sir, may nakita pong ipis sa isang cupcake." 

Napakunot ang noo ko. Paano magkakaroon ng ipis doon?

"Need daw po makausap iyong patissier, pati po ang manager." Ani ng waiter.

Pumasok naman si sir Paulo.

"Another problem miss Casas."

"Sir, imposible pong magkaroon ng ipis doon."

"Tara let's see which costumer has a cockroach on their cupcake."

Nagpunta na kami.

Pagkarating namin, nakita ko ang cupcake na may hati, at kita ang maliliit na ipis na tila naka palaman doon.

"This is so disrespectful! Who the fuck baked this?!" Sigaw ni Esperanza

"Ma'am, ako po ang nag bake." Sabi ko.

"You?!" Malakas na sigaw nito. "Oh my God! Ang bastos mo ano? Why would you put cockroaches in my cupcake?!"

"Ma'am, wala po akong nilagay na ipis diyan-"

"Oh don't you deny! Edi ano iyang mga iyan?" Tinuro niya ang mga baby na ipis. "Yuck! They're moving pa!" Nandidiring sabi niya.

"Espie, it's impossible na magkaroon ng ipis diyan dahil same bread ang ginamit sa lahat. Kung may ipis ang inyo, dapat ang sa amin rin meron." Sabi ng isang lalaking kasama nila.

This week is hell. Ever since dumating sila dito, panay kamalasan ang nangyayari sa akin.

"Isa lang ang ibig sabihin nito. She!" Tinuro niya ako. "Nilagyan niya ng ipis ang cupcake ko!"

"Ma'am, hindi ko po magagawa iyon-"

"HUWAG KA NA MAG DENY! HULING HULI KA NA!"

"Ma'am, imposible ping magagawa iyon ng anak ko." Si mama.

"Oh you're her mother, of course you'd take her side! Huwag mo nang pagtakpan iyang anak mo!"

"Oh come on, Espie. Jez isn't that kind of person." Si kuya John.

"Will you guys please stop taking her side!" Sigaw nito. "This stupid, desperate bitch did this on purpose! Sinadya niya iyon dahil inggit siya sa akin!"

"Why would she be?" Si kuya Stephen.

"Simple! Because I'm Hans' future wife!"

"You are?" Si Kuya Stephen.

Espie rolled her eyes. "Whatever. I want this bitch to be punished. When will she be kicked out from her work?"

"Ma'am wala po ako talagang ginagawang masama. Hindi ko po alam paano nagka ipis diyan sa cupcake niyo."

She scoffed. "I just know you put cockroach on my cupcake!"

"Ma'am, are you sure? Because I know Jezreel won't do such a thing." Si sir Paulo. "She's been working here for two years, I know she won't do it."

"Absolutely." Si ate Shannon.

"Oh come on, don't be deceived by her porcelain doll features, she's faking her kindness, I'm sure. Sino lang naman ang may sama ng loob sakin? Siya lang! Dahil pinaluhod kita nung isang araw, right?"

Footprints In The SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon