14

154 4 0
                                    

Working at the kitchen is so inspiring these days.

"Inspired na inspired ka mag work sa kitchen ah!" Pang aasar sa akin ni Sab habang nandito kami sa pool side.

Day off naming dalawa at napag desisiyonan naming mag swimming muna.

"Aba oo naman! Super!"

She chucked and heaved a sigh. "Hanggang ngayon, gusto mo parin siya. Sis bilib din talaga ako sa'yo eh. Kahit kailan, pinapaiyak ka nan, pero tignan mo, hanggang ngayon, yang nararamdaman mo, ganon parin!"

"Hindi naman sa sinasabi kong tanga ka, pero parang ganoon na nga."

"Grabe ka naman sa akin." Sabi ko.

Natawa siya. "Cous, twenty-four ka na ngayon, ilang taon ka nag umpisa diyan sa pagkakagusto mo kay Hans? Eleven! Tapos ilang beses ka na niyang pinaiyak, pero hanggang ngayon gusto mo parin! Diba katangahan tawag diyan!"

I splashed pool water at her, ganoon din ang ginawa niya sa akin.

Habang nagtatawanan kami, napatingin ako sa gawing kabila ng pool. Nakita kong kumaway ang babaeng naka black bandeau and white cardigan.

Maligaya akong kumaway pabalik kay ate Shannon.

Tumakbo ako palapit sa kaniya.

"Ate!"

"Hi Jez! It's nice meeting you again!" Sabi ni ate habang niyayakap ako, with her little jumps.

"Hi Sabrina!" Sabi din nito kay Sab at niyakap din siya.

"Hi ate!" Si Sab.

Kumalas naman na siya sa pagkakayakap sa amin.

"Oh by the way here's my twin! Steph, do you remember them?" Tanong ni ate.

Kumunot naman ang noo ni kuya Stephen. "Of course Shan, what do you think of me?" Si kuya Stephen. "Hi Jezreel, Sabrina."

"Oh my gosh! It's been so long!"

"Si ate, going international na!" Si Sab.

Nangiti naman si ate Shannon. She recently won an international pageant and she's now on vacation before she officially starts her preparations for the pageant.

"Kinakabahan nga ako eh!"

"Don't be, ate!" Sabi ko.

She smiled.

"I heard you work here na."

"Yes ate, day off namin ngayon kaya ito, nag swimming kami ngayon!"

Ate Shan nodded.

"It's really nice... oh he's here!"

Napatingin kami sa kung saan siya nakatingin. Here's Hans walking towards us.

"Hansel." Bati nito kay Hans at yumakap.

"Shan... Stephen." Si Hans. "Kayo palang nandito? Wala pa iyong iba?"

"Wala pa. On the way palang, pero sabi nila kanina, malapit na sila."

Tumango naman si Hans.

Ilang sandali, nagsalita si kuya Stephen.

"Nandito na daw yung isang van." Sabi ni Kuya habang nakatingin sa phone niya.

Lumapit ang iilang taong hindi ko kakilala sa amin.

Nakipag batian sila sa kambal.

Among the crowd, I saw ate Heather. She smiled widely when she saw me.

Footprints In The SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon