07

180 5 0
                                    

"Uy! Nag-aral ka paano mag bake?" Tanong ni Sabrina. "Ang bango! Penge!"

"Hindi pwede!" Sabi ko.

"Grabe! Anong gagawin mo diyan, marami kang magagawa diyan!" Ani Sab.

"Sige, isang cupcake isang daan."

"Hoy! Grabe naman!" 

"Para kay Hans ito eh." Sabi ko.

"Grabe! Kapag ako, naniningil ka!" Reklamo ni Sabrina.

"Oo! Para makabawi sa pinang bili ko ng ingredients! Hindi din ganoon ka-mura ang rekados ah!"

Nanlaki ang mata ni Sabrina dahil sa sinabi ko. "Wow! Tapos si Hans, pinag be-bake mo! Sana all talaga!"

Natawa naman ako. 

"Oh, ayan," Inabot ko ang isa.

"Uy! Thank you!" Sabi ni Sab at kumagat doon. She nodded while chewing at binigyan ako ng thumbs up. "Ang sarap! Sure kang first time mo mag bake?"

I nodded. Tuwang tuwa naman ako na masarap ang unang gawa ko ng cupcake. 

Habang busy siyang kumakain, idinikit ko na ang sticky note kung saan naka sulat ang tanong ko kung pwede ko ba siyang maging escort sa prom.

Hi Hans!

I learned how to bake these! Sana magustuhan mo! 

Tapos, ano, ask ko lang sana kung puwede kitang maging escort sa prom? Parehas tayo ng time ng recess diba? Usap sana tayo sa gazebo mamayang break time! See you!

"Grabe effort ah." Sabi ni Sabrina habang umiinom ng tubig. I just smiled at my cousin.

I was walking at the school grounds habang dala dala ang isang box ng cupcakes na ibibigay ko kay Hans. 

Next month na ang prom, at nagbabakasakali akong siya ang maging escort ko sa prom. 

Nang nakita ko siya, agad akong nag punta sa kung nasaan siya.

"Uy si Miss campus!" Sabi ng isang kaklase niya. 

I waved at them. 

"Hello, Jez! Ano iyan?" Tanong ng isa sa kaklase niya. 

"Hulaan ko, para dito kay Hans iyan!" Pang-aasar ng isa. 

I was so expressive with my feelings to him na nalaman ng ibang students na gusto ko siya.

Hans looked at me at tipid na ngumiti. 

I gave him the red box with a red ribbon. 

"Ah para sa'yo! Enjoy!" Sabi ko. 

"Thanks." He said.

I excused my self, he nodded at me then turned to his notebook and continued writing on it, putting the box beside his things. 

Nang mag recess, nagpunta na ako sa gazebo. Buong recess period, naghintay ako doon pero walang Hansel na dumating. 

Nang papatayo ako, nakasalubong ko si ate Heather, kaklase ni Hans.

"Ate nakita mo po si Hans?" Tanong ko. Umiling naman siya. 

"Bakit?" She asked sweetly.

Umiling naman ako. "Wala po."

Pagkadating ko sa room, sinalubong ako ni Sabrina. 

"Ano?" Tanong niya.

"Wala siya eh. Hindi nagpunta."

"Ganoon?" Ani Sab. "Eh di, hindi ka pa nag recess?" Tanong niya. I nodded. 

"Halika na, may emergency meeting ang teachers kaya extended ang break time." Ani Sabrina at nagpunta na kami sa canteen. 

Footprints In The SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon