10

307 5 0
                                    

"Tangina! Masyado mong nilakasan! Ang sakit ah!" Rinig kong sabi ng lalaki. Siya yung kanina! Anong ibig sabihin nito?

"Tangina mo! Para makatotohanan! Oh diba, kapanipaniwala! Tsaka kita mo rin iyong acting ni mama ko? Makatotohanan! May parte dapat ako diyan! Grabeng ganda nitong babaeng ito!" Rinig kong sabi ng isa pang lalaki sabay tawa.

Agad bumilis ang pag hinga ko.

I felt a hand holding my arm.

"Huwag! Huwag po! Maawa kayo sakin!" Iyak ko. Panay ang iling ko, naninikip ang dibdib. "Huwag huwag huwag! Huwag! Bitiwan niyo ako!"

"Neneg! Neneg! Neneng!" Naramdamam ko namang niyuyugyog ako.

I then opened my eyes. It was a dream! I looked around. I'm in a hospital.

"Neng you were having a dream."

I looked at her at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.

The lady hugged me. "Shh... tahan na. Safe na safe ka na."

"Thank you po." Sabi ko habang humahagulhol.

"She tapped my back ang caressed my hair. "Your family is on the way na neneng."

"Thank you po."

Nag ring naman ang phone ng lalaking kasama namin.

"Hello... opo... yes po..." Ani nito at tumayo. He turned to us. "Nandito na po ang family niya."

Ilang sandali, natanaw ko ang tito Solomon at si Sab. Nagulat naman ako nang makita kong kasama nila sina Hans at ang mama at papa nito.

Nang makita si mama, agad na bumuhos ang luha ko.

"Mama." Humahagulhol kong sabi.

Tumakbo agad si mama at niyakap ako.

"Shhh... tahan na... nandito na si mama." Umiiyak na sabi ni mama habang hinahaplos ang aking buhok.

She caressed my cheek. Panay parin ang hikbi ko. "Tahan na anak. Ligtas ka na."

Mama looked at the lady and her son. "Thank you. Thank you." She hugged the lady.

The lady then hugged her back and tapped mama's back.

"Salamat po talaga."

The lady nodded.

"Nasaan ang lalaki?" Galit na tanong ni tito.

"Ah nandito po sa kabilang bed." Sagot ng anak ng babae. "Bugbog sarado po. Wala pa po atang mala-" Agarang naglakad si tito, hindi na natapos ng lalaki ang sinasabi.

"Saan?"

"Papa." Tangkang pag awat ni Sab sa papa niya.

"Sol." Tawag ni mama.

Hindi niya iyon pinansin, diretso lamang siya sa kung saan nakaturo ang lalaki.

"Tarantado ka!" Sigaw ni tito.

Nagsigawan ang mga nurse doon.

Hinila ni tito ang lalaki at kinaladkad sa isle sa hospital. Naihiga ito sa tapat ng bed ko. Kitang kita ko naman ang pag bitaw ng suntok ni tito sa mukha niya. I'm satisfied with what I'm seeing.

"Sir! Huwag po!" Awat ng nurse. "Tumawag kayo ng guard! Tawagin niyo yung pulis kanina! Para maawat!"

"Papa!" Pag aawat ni Sab. "Papa!"

Nagsisisigaw naman sa sakit ang lalaki.

The guards, policemen, Hans, and his dad grabbed tito Solomon away from the guy.

Footprints In The SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon