11

219 4 0
                                    

Weeks passed since that incident.

Nag rereview ako para sa exam nang makita ko ang naka ipit na ticket para sa music fest two days from now.

Kinuha ko iyon at lumabas para pumunta sa bahay nila.

"Oh, Jez!" Sabi ni tita Aireen nang makita niya ako habang may inaayos siya sa garage nila.

"Ah si Hans po?" Sabi ko. "May sasabihin lang po sana ako."

"Nasa loob... Hans! Nandito si Jez!" Ani tita. "Pasok ka muna."

Pumasok ako. Bumaba naman si Hans.

"Sige mag usap muna kayo, labas muna kami."

Umalis ang mommy at daddy niya.

"Ano iyon?" Tanong niya.

Dahan dahan kong pinakita ang tickets. "Uhm... invite sana kita sa music fest. Two days from now siya." Naka ngiti kong sabi.

Nangiti siya nang makita ang tickets.

"Kung free ka lang naman, kung ayaw mo. Ayos-"

"No, Jez. I'll be willing to go with you."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga?"

He nodded.

"Sabi mo yan ah! Oh eto!" Inabot ko ang ticket.

He laughed. Ang gwapo talaga.

"Sige, balik na ako sa bahay mag review pa ako!" Sabi ko.

Hinatid niya ako sa gate ng bahay.

"See you sa sabado!" Sabi ko.

"See you!"

Saturday came. I was so excited. Una dahil katatapos ng finals exams namin for the second semester meaning bakasyon na, pangalawa, dahil ay kasama ko ngayong gabi si Hans!

Cheers are everywhere as the music fest begins.

"Gusto mo foods and drinks?" He asked me.

I nodded.

"Sige, saglit lang bili lang ako."

He came back with different sorts of foods. Kumunot ang noo ko dahil mga paborito ko ang binili niya!

My heart pounded na parang makakalabas ito sa rib cage ko.

"Thanks!" Nakangiti kong sabi.

Kumain na kami ng mga binili niyang pagkain.

By the end of the fest, nag pa fireworks display sila sa pagtatapos ng music fest.

As I watched, I was astounded. The numerous fireworks that burst in the sky lit up the night sky.

"Ang ganda!" Sabi ko tumatalon talon.

When I turned to him. I saw that he was looking at me.

Hindi ako mahilig sa mga ganito, pero nang dahil kay Hans, nahumaling ako sa mga ganito. Ang saya palang maging crowd sa isang music fest!

"Nag enjoy ka?" Nakangiting tanong niya.

I nodded. "Sobra!"

Nagkatitigan kami.

He then leaned towards me. The next thing I knew, our lips met.

Halos kumawala sa tadyang ang aking puso dahil sa halik niya. Halos hindi ako makahinga, at tila may mga nagwawalang zoo animal sa loob ko ngayon!

Hans kissed me! It was my first kiss!

"Sorry." Sabi niya nang nakalayo siya.

He massaged his nape. "T-tara na?"

Footprints In The SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon