Chapter 1

7 6 0
                                    

“Tapos mo na ba ang research mo?” Ella, one of my classmates, asked me when I entered our classroom.

“Oo,” I answered her with my small voice.

“Buti pa sa ’yo, tapos mo na kahit mag-isa ka lang. Kami ng mga kagrupo ko, halos hindi na matapos-tapos ang Chapter 5. E, defense na sa susunod na linggo!” namomroblema nitong palatak.

“Uh…” I bit my lower lip. “Puwede ko kayong tulungan.”

Marahas siyang umiling habang namimilog ang mga matang nakatingin sa akin. “H-huy, huwag na! ’To naman, nasabi ko lang ’yon pero kaya na namin, ’no!”

I asked, with a hesitating voice, “Sure ka?” My brows furrowed s bit.

Tumango si Ella at mabait na ngumiti. Pinagmasdan ko siyang lumipat sa mga nag-uusap na kaklase namin at nakiusisa.
Pinili kong magsolo sa research dahil mas nakakapagpokus ako sa aking ginagawa kapag mag-isa. Hindi naman required ang pagkakaroon ng kagrupo kaya pinili kong mag-isa.

I have no friends here in our classroom, some are just colleague of mine. Nasa ibang eskuwela ang mga kaibigan ko. Naiiba ako ng strand sa kanila kaya napilitan akong mag-transfer sa ibang school dahil wala roon ang academic track na kinuha ko.

Iniwas ko sa mga ito ang tingin at tumungo sa aking silya. Tahimik akong umupo at nagmumuni-muni, hinayaan ang mga kaklaseng mag-ingay kahit naririndihan ako. Ilang minuto lang ay nanahimik ang buong klase at umalingawngaw ang boses ng aming guro.

“Good morning, STEM students!”

Tumayo kaming lahat at bumati rin sa kaniya.

Nasa second semester na kami sa grade 12. Kinailangan kong makinig at mag-focus sa mga sinasabi ni Ginang Espirita para hindi ako mawala, at hindi rin maalis sa isipan kong maaari siyang magtanong, at ako pa ang mapipiling sumagot. Siya pa naman iyong klase ng guro na mahilig magpatayo, tapos kapag hindi nakasagot ang estudyante, mananatili itong nakatayo hanggang matapos ang klase.

Sumunod ang ikalawang subject namin at natapos nang ’di ko namalayan. The bell rang and that’s the sign that it was already the time to break.

“Okay. That’s all for today. We’ll having a quiz tomorrow. So, you have to read and review what we’ve already discussed!” our instructor reminded us and bade a goodbye, before exiting the room.

Hoy, pupunta kami sa likod ng campus. Sama kayo?”

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko nang magsalita si Maricar, ang isa kong kaklase.

“Anong mayroon doon?” rinig kong tanong pa no’ng kasama niya.

“May tree house, tanga,”

Bumaling sila sa akin kaya lumakas ang kabog ng dibdib ko’t kinabahan.

“Sama ka, Claire?”

Ikinalma ko ang sarili bago ngumiti, at umiling. Gusto ko sanang sumama kaso nahihiya ako, kaya mas mabuti nang mag-isa na lang. Magulo akong mag-isip. Minsan, gusto kong mapag-isa, kadalasan ay gusto kong may kasama dahil parang hindi ko kaya at nahihiya akong mag-isa.

Mag-isa na lang akong lumabas dahil ang iba ay kanina pa sila lumabas. May ilang kaibigan naman ako sa ibang strand pero hindi ako masiyadong sumasama sa kanila. I don’t think I was an introvert; I was between the introvert and extrovert. I can interact with other people if I wanted to. But, most of the time, I prefer to be alone.

Sa mga nagdaang buwan ay nasanay na akong mag-isa. Ngunit minsan ay ’di ko mapigilang isipin at mangulila sa mga kaibigan kong naiwan sa paaralan kung saan ako galing. Minsan na lang kasi kami kumpleto dahil ang iba ay maraming ginagawa, katulad ko. Lalo na ngayong last semester na namin sa high school.

More Than WordsWhere stories live. Discover now