Chapter 2

7 5 0
                                    

Lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang last quarter na pala namin. Sa nagdaang mga araw sa buwang ito ay naging abala ako sa immersion at ito na ang huling araw namin.

Masaya ako dahil malapit na akong makapagtapos ng high school. Subalit hindi ko maiwasang kabahan at mag-isip kung ano ang mangyayari kapag ako ay nasa kolehiyo na. Kung makakaya ko ba o hindi. Dahil kahit isang napakaliit na bagay sa iba, malaki na para sa ’kin.

Madali akong sumuko.

Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko na namalayang dumating na pala ang araw na aming pagtatapos. Hindi ko mapigilan ang umuusbong na saya at kaba sa aking dibdib. Inayos ko ang aking salamin para makita nang maayos ang nasa harapan. Pinilit ako nina Nanay kanina na tanggalin ang aking salamin, at mag-contact lense na lang daw, pero ‘di ako pumayag. Bukod kasi sa hindi ako sanay na magsuot no’n, natatakot ako at hindi pa komportable, kahit pa sinabi naman ni ate Jennie,  na aking pinsan, na walang mangyayaring masama sa mata ko.

“With High Honors, Abreno, Marianne Claire, S.”

Malakas na palakpakan ang narinig ko ngunit mas malakas pa yata ang kabog ng aking dibdib nang banggitin ng aming emcee ang pangalan ko.

Nanginginig ang aking tuhod na tumayo bago lumingon sa banda ni Nanay na nakatayo na rin pala at lumakad paharap habang nakangiti sa’kin. Napansin ko ring namamasa ang kaniyang mata kaya nangilid na rin aking luha, habang naglalakad patungo sa harap.

Nanay and I met half way on the stage. Isinuot niya sa ’kin ang medalya at yumakap sa akin. Yumakap din ako pabalik. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo.

“Congrats, anak. Proud sa ’yo si nanay.” Pumiyok pa siya nang sinabi iyon dahil sa pag-iyak.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking luhang nagbabadya.

Huminga ako nang malalim. “Thank you, Nanay. Para sa inyo po ito.”

Tinanggal ko mula sa aking ulo ang toga at isinuot sa kaniya. Nagulat siya ngunit tumawa lang ako kaya natawa na rin siya. Humarap kami sa photographer at naluluhang ngumiti.

May ngiti ako sa labing umuwi sa bahay. Ngunit nawala iyon nang mapansing sobrang tahimik at madilim ang bahay.

Nagtataka kong nilingon si Nanay. “’Nay, nasaan sila lola?”

Nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakangiti siya habang gulong-gulo ako.

“Halika na lang sa loob,”

Napakapit ako sa braso ni nanay dahil takot ako sa dilim. Magsasalita pa sana ako nang biglang lumiwanag at nagsilabasan ang mga tao habang nakahawak sa larawan ko sa tarpaulin at mga pagkain. Napatalon at napatili ako sa gulat.

“Congratulations!” sabay-sabay na bungad ng miyembro ng pamilya ko.

Napaiyak ako hindi dahil sobra akong nagulat. Umiyak ako dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko. Tumakbo ako sa kanila at isa-isa ko silang niyakap.

“Thank you, po!”

“Wala ito. Basta’t pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo. Ayos na sa amin ’yon.” Ngumiti si tita Cathy sa akin at niyakap.

“O, siya. Tama na ang iyakan at kumain na tayo.” sabi naman ni tito Freddy, asawa ni tita Cathy.

Lumapit sa akin si Kuya habang hawak ang cake. “Blow the candle, bunso!”

“Hindi ko naman po birthday, e!” natatawa kong sabi ngunit hinipan pa rin ang kandila.

“Kainan na!” Sigaw ng mga pinsan ko at nagkaniya-kaniyang kuha na ng mga plato.

Sumandok sila ng mga pagkaing gusto nila. Susubo na sana si Justher nang tapikin ni ate Jennie ang kamay niya habang ang mga mata nito ay nasa banda ni Lola. Agad namang  ibinaba ni Justher ang kutsara at maarteng hinawi ang kunwaring mahabang buhok.

“Sabi ko nga, magp-pray pa,” sambit niya habang na kay Lola rin ang tingin.

We celebrated my achievement happily. Napatingin ako sa mga tita at tito kong masayang nag-uusap, sa mga pinsan kong nagkakatuwaan, at sa mga pamangkin kong anak ng aking mga pinsang masayang naglalaro.

I could feel the warmth in my heart just by seeing my family like this. My heart melted that caused my eyes to heat. I wished to stay like this forever.

Nakahiga ako sa aking maliit na kama habang nagbabasa ng libro. Ngunit natigil ako sa ginagawa nang marinig kong nag-vibrate ang aking cellphone.

Kwek²:
huy anong plano?

Smartkid:
Please, sana hindi na drawing ‘to.

Uno:
may alam ako hehe

Uno:
sa Tabbug falls sa Sta. Ana

Richkid:
may entrance fee ba?

Uno:
meron😓
Richkid:
ako na bahala

Everyone reacted a heart on what Vince messaged. Some even reacted a kissing emoji. Napailing ako. Ibang-iba ito sa mga ibang mayayaman — hindi matapobre at madamot, ganoon din sa mga magulang nito.

“Clara, kakain na!” rinig kong sigaw ni Nanay mula sa labas ng kuwarto ko. My friends and colleagues call me Claire while my family call me Clara.

“Opo,” sagot ko rin pabalik ngunit mahina at marahan pa rin. Mahina talaga ang aking boses. Kapag pinipilit ko namang lakasan ay siguradong pipiyok lang ako.

I let my friends talk about our outing and went to the kitchen. Pagdating ko roon ay nakahain na si Nanay. Nakaupo na rin sina Lola at Kuya. Napatingin silang tatlo sa akin nang tuluyan na akong nakaupo sa puwesto ko. We prayed first before eating.

“Ano’ng plano mo sa kolehiyo, Clara?” tanong sa akin ni Lola habang nasa hapag kami’t kumakain.

Mula sa aking pagkain, umangat ang mga mata ko sa kaniya. I sighed. Ang totoo niyan, wala pa akong gustong kukuning kurso. Hindi pa ako handa at pakiramdam ko nga ay wala talaga akong pangarap. Hindi ko makita ang sariling may propesyon sa hinaharap. Pakiramdam ko ay maikli lang ang buhay ko at hindi pa aabot sa trenta anyos.

But who am I to judge? Sino ako para pangunahan ang plano Niya sa akin? Minsan talaga kapag napapaisip ako, hindi ko makontrol ang sariling isip at napapalalim ito.

“Hindi ko pa po alam,” nakatungong sagot ko. “P-pero naisip ko na po minsan ang pagmemedesina,” bawi ko sa sinabi.

It was true. I thought of becoming a doctor. But, I know it is not suitable for me. Bukod sa problemang pampinansiyal, takot din ako sa dugo at mahina ang loob. Ngunit malalagpasan ko rin naman yata iyon, pagdating ng panahon.

“Kaya ba natin ‘yan?” tanong muli ni Lola.

“Kaya ‘yan. Gagawin natin ang lahat para makapagtapos ’yang si bunso,” si Kuya naman ngayon ang nagsalita.

Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Sobrang babaw lang talaga ng mga nararamdaman ko. Kumikibot ang mga labing umiling kay Kuya. Hindi naman nila kailangang magsakripisyo para lang sa akin.

Kuya chuckled. He stood up and dragged his chair near me. He pinched my chin, lightly. “Cute mo.”

Ngumuso ako at yumakap sa kaniya. Napatingin ako kina Nanay at Lola na pinagmamasdan pala kami habang nakangiti, ngiting abot sa mga mata nila. Sana hindi mawala ang mga iyon.

Masaya naming ipinagpatuloy ang pagkain. Nawala na rin ang mga gumugulo kanina sa isipan ko. I just prayed that God would remain beside me. I need His presence every time. No matter what happens, I will still trust in Him.

More Than WordsWhere stories live. Discover now