Chapter 6

8 5 0
                                    

“Claire, group study tayo!” anyaya sa akin ng isa kong kaklase na si Mary.

Tatlong buwan na mula no’ng magsimula ang klase. At masasabi kong naging mabuti naman ang mga nagdaang buwan sa akin. Kahit napakahirap ang mga inaaral namin, may mga study buddies naman ako na nakatutulong sa akin. Kapag nahihiya naman akong magtanong sa mga klase minsan, kay Alistair ako nagpapaturo.

Umiling sa kaniya at mahinhing ngumiti. “Next time na lang. May pupuntahan pa ako.”

Tumango si Mary. “O, sige! Matalino ka naman kahit hindi na mag-aral,” humalakhak pa siya.

Napangiwi ako. Lumabas ako at dumiretso sa puno ng Balete. Doon, naabutan ko si Alistair na naghihintay. Nagbabasa siya sa libro ng medisina. Nag-angat siya nang tingin nang maramdaman ang aking presensya. Umayos siya ng upo at ibinaba ang kaninang binabasa.

“Done with your classes?” tanong niya.

Tumabi ako sa inuupuan niyang bench.

Tumango ako “Opo. Busy ka ba?”

“Not really. Nagbabasa lang,” tugon niya.

Tumango akong muli at inilapag ang libro sa aming gitna. Napatingin siya roon.

“P’wedeng paturo?” tanong ko.

He answered, with softness in his tone, “Sure. Saang subject ka nahihirapan?” The sides of his lips lifted a bit.

“Maternal,” I answered and asked “Ikaw? Hindi ba ay BS Nursing ang pre-med course mo noon?”

“Yes, why?” he asked.

“Saan ka nahirapan noon?” tanong kong muli.

His eyes squinted a bit, thinking about his past course. He, then, answered simply, “They are all easy.” 

I said, disbelief was evident in my voice, “Wow, ang yabang.” I laughed softly.

Kunot ang kaniyang noong tiningnan ako. “Why? It’s true,” naguguluhan niyang tanong.

Mas lalo akong nagulat. Right. Hindi siya mayabang at kailan man ay hindi siya nagmayabang! Talagang matalino siya.

“E, ’di, ikaw na ang matalino,” nakangusong tugon ko.
Malalim siyang humalakhak siya. “Madadalian ka rin kung aralin mo nang mabuti.”

Sumimangot ako. He watched my expression, amusingly. Mas lalo akong sumimangot. Ano kaya ang nakatutuwa sa mukha ko at tuwang-tuwa siya?

“Ano ‘tong ginagawa ko? Hindi pa ba nag-aaral nang mabuti?” galit kong tanong sa kaniya.

Imbes na mainis, lalo siyang natawa.

“Galit ka na niyan?” natatawang pang-aasar pa niya sa akin.

Lalo lamang ako nagalit. Galit na nga ako, mas lalo pang inasar!

“Ano ba? Nakakainis ka!” naiiyak na sabi ko at hinampas siya.

Napatigil siya nang makitang naiiyak na ako. He muttured curses underneath his breath. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga braso.

“I’m sorry, I’m sorry. Hindi na,” malambing na pagpapatahan niya sa akin.

“Stop crying, please. I didn’t mean to invalidate your hardwork, baby. I’m sorry I made you feel that way, hmm?” pagpapatuloy niya habang hinahaplos ang buhok ko.

“Kumusta ka naman diyan, bunso? Hindi ka naman ba nagugutom?” bungad ni Kuya nang tumawag sila kinagabihan.

“Hindi naman po, Kuya. Huwag po kayong mag-aalala,” nakangiti kong sagot.

“Wala naman diyan ang nagkakagusto sa ‘yo?” istriktong tanong pa niya.

Natigil ako saglit at napunta ang isipan kay Alistair. Sa mga nagdaang araw, lalo kaming napalapit sa isa’t isa. At sa mga araw na ‘yon, inaamin kong… may puwang na siya sa puso ko. Hindi lang ako sigurado kung pareho kami ng nararamdaman. Ang misteryoso niya. Palaging malamig at seryoso ang kaniyang datingan. He looks… rough. Ang lamig ng pakikitungo niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Ngunit kapag sa akin ay marahan.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung gusto na ba niya ako o mabait lang talaga sa akin dahil naawa siya. He looks at me like I’m some sort of a fragile glass. Na parang ang tingin sa akin ay isang mahina at kung hahawakan ay mababasag. Naguguluhan ako sa mga akto niya.

Sa huli, pinili ko na lamang na huwag umasa. Siguro, ang tingin niya sa akin ay bilang isang kaibigan o kung hindi man, bilang isang nakababatang kapatid.

Tumikhim ako. “Wala naman po. Nakakagalaw ako nang maayos sa school,”

“Siguraduhin mo lang,” pagbabanta pa niya.

“Huwag ka ngang praning riyan, Marlione. Parang hindi mo naman kilala iyang kapatid mo. Parang allergic ‘yan sa mga ibang lalaki. Tanging mga malalapit lang sa kaniya ang hindi,” suway naman ni Nanay sa background.

“Kumusta po si Lola?” pag-iiba ko ng usapan.

“Maayos naman siya, anak. Ayun, tulog na siya. Bukambibig ka niya nga lang,” sagot ni Nanay.

Marahan akong tumawa. “Pakisabi po, miss ko na rin siya,”

“O, siya, magpahinga ka na at maaga ka pa bukas.”

“Opo, magpahinga na rin po kayo.” Marahan kong sabi bago ibinaba ang tawag.

Sakto namang tumunog ulit ito. Kumunot ang noo ko sa pag-aakalang tumawag ulit sila sa bahay ngunit napabangon ako nang makita ang pangalan ni Alistair sa screen.

“I called you and you were in another call. Sino ang katawagan mo kanina?” his bedroom voice welcomed me when I answered the call.

“Pamilya ko. Bakit?” marahang tugon ko.

I heard him sigh. “Just asking,”

“Bakit ka nga po pala tumawag, Alistair? May kailangan ka ba?” mahina kong tanong.

Hindi siya nakaimik ng ilang sandali. “I just… I’m just bored…” parang hindi sigurado niyang sagot.

Hindi ako sumagot at humiga ulit. Natahimik kami sandali.

“Hindi ka pa ba inaantok?” basag ko sa katahimikan.

“Nagpapaantok…” paos niyang sagot.

Kinilabutan ako sa kaniyang malamig na boses.

Humikab ako.

“Sleepy?” marahang tanong niya.

Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. “Oo, puwede ko na bang ibaba ang tawag? Inaantok na ako,”

Narinig ko ang kaniyang paggalaw sa kabilang linya.

“You can sleep. Just… don’t end the call,” pigil niya.

Kumunot ang noo ko. “Bakit naman?” nagtataka kong tanong.

“I told you. Nagpapaantok pa ako,”

Kahit pa nagtataka dahil parang wala namang connect iyon sa pagputol ko ng tawag, ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

“Okay, patayin mo na lang ‘pag matutulog ka na, ha?”

Ipinatong ko ang cellphone sa aking gilid.

“Okay. Good night, Marianne.” Marahang sabi niya.

Tumagilid ako ng higa at yumakap sa unan, tinatalikuran ang aking cellphone.

“Good night…” mahina kong tugon.

Unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata at ilang saglit pa, nilamon na ako ng kadiliman.

Kinabukasan, mag-isa akong naglalakad papuntang unibersidad. Walking distance lang iyon dahil malapit sa dorm ko.

Napatalon ako sa kinatatayuan nang may bumusina sa gilid ko. Napabaling ako roon at nakita ang isang hindi pamilyar na sasakyan. Kinabahan ako. Kaya naman agad akong kumaripas ng takbo. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na sumunod ito.

Bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan kaya lalo akong natakot.

“Hey —”

“Huwag po. Wala akong pera!” putol ko ngunit nang mapagtantong pamilyar ang boses, unti-unti akong napatigil sa pagtakbo at lumingon dito.

Inayos ko ang aking salamin. Nakita ko si Alistair na lumabas at kunot-noong naglakad patungo sa akin. Madilim na naman ang mukha. Palagi naman.

“Why are you running again?” nagtatakang tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napaatras siya at itinaas ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko.

“Nanggugulat ka po! Akala ko kidnapper na ‘yong sumusunod sa akin. Ikaw lang pala,” matinis ngunit marahang sabi ko.

Napatitig siya sa akin habang nakaawang ang mga labi.

“Hindi pamilyar ang sasakyan mo. Bakit kasi paiba-iba?” dagdag ko pa.

Mga mayayaman nga naman.

Nang matauhan ay iniwas niya ang kaniyang tingin at napakamot sa kilay.

“I’m sorry. I used my another car,”

Tumingin ako sa pinanggalingan niya na pinanggalingan ko rin at tumingin ulit sa kaniya. Ngayon ay nakatitig na naman ang mala-abo niyang mga mata sa akin. Naiilang ako dahil laging gan’yan siya kung makatingin. Ngunit paunti-unti ay nasasanay naman na ako.

“Galing ka roon. Doon ba ang direksyon ng bahay ninyo?” puna ko.

Nakatingala ako upang makita siya at nakayuko naman siya para makita ako. Ang tangkad niya at… ang liit ko.

He raised his eyebrows and nodded. “Why, are you planning to visit?” mapaglarong tanong niya.

Kumunot ang noo ko. “Huh?!”

He chuckled softly.

“Let’s go to school together,” yaya niya at marahan akong hinila papunta sa sasakyan niya.

“Hindi na. Maglalakad na lang ako,” tanggi ko at hinila ang sarili.

“Ayaw mong sumakay?” nagtatakang tanong niya.

Umiling ako. “Malapit lang naman, ba’t pa ako sasakay? Kaya ang daming nagkakasakit kasi halos isang hakbang lang, kailangan may sasakyan,” inosente kong litanya.

He looked at me in awe. He bit his lower lip then nodded in agreement.

“Let’s go, then,” he said softly and pulled me again. Pero ngayon, hindi sa sasakyan niya kun’di sa daan papuntang eskuwelahan na.

Nagulat ako ro’n. Hinila kong muli ang sarili ko kaya napatigil siya sa paglalakad at kunot-noong lumingon sa akin.

“T-teka, maglalakad ka? Paano ang sasakyan mo?!”

“Don’t worry about my car. Ipapakuha ko na lang sa bahay,” tugon niya.

Halatang naiinis na siya sa akin ngunit kalmado pa rin.

Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko at tinitigan siya. Hindi ako naniniwala. Baka sinabi niya lang ‘yon para makasabay akong maglakad.

Naiinis na dinukot niya ang cellphone sa bulsa at inilapit kaniyang tainga.

“Track the place of my car. Kunin ninyo,” sinabi niya iyon nang nakatitig sa akin.

“Yes, sir,” tugon ng kung sino sa kabilang linya.

Ibinulsa niyang muli ang cellphone at ngumisi nang sarkastiko sa akin.

“Satisfied, baby? Now let’s start walking. Male-late na tayo,” sabi niya at hinilang muli ang pulso ko.

Ngunit sa pagkakataong ito, mas mahigpit na ang hawak sa akin ngunit hindi masakit. Sakto lang para hind ako makawala.

Dahil sa gulat sa nangyari at itinawag niya sa akin, hindi na ako nakapalag at nagpahila na lang hanggang sa nakarating kami sa labas ng classroom ko.

“See you later,” bulong niya at pinatakan ng halik ang noo ko bago tumalikod.

Mas lalo akong natulala roon. Hindi pa nga yata ako natauhan at pumasok sa loob kung hindi ko nakita ang terror na propesor naming naglalakad sa hallway.

More Than WordsWhere stories live. Discover now