Chapter 3

8 5 0
                                    

Ang lamig!”

Sigaw at tawa ni JC ang nangingibabaw sa buong lugar habang nakatampisaw sa tubig. Idagdag pa ang halakhakan ng aming barkada. Nasa ilog na ang iba habang kami ay nasa kubo pa, nag-aayos ng mga gamit at nagluluto ng mga pagkain.

“Chelly, paki-abot naman ng upuan diyan.” Dinig kong utos ni Gilyhan kay Chelzsi habang binabaliktad nito ang mga barbeque na niluluto.

Naramdaman ko namang kumilos si Chelzsi upang ibigay ang upuan. “Oh.”

Kasama ko naman sina Cyz at Jheane sa pag-aayos ng mga kakainin namin mamaya sa lamesa, ngunit umalis si Cyz kalaunan upang kumuha ng mga litrato sa paligid.  Nang matapos ay lumabas din ako at umupo sa malaking bato sa gilid ng cottage. Napatitig ako sa umaagos na tubig sa ’di kalayuan at sa mga ilang kaibigang naroon.

Kay gandang pagmasdan ang bumagbagsak na tubig mula sa itaas. Ngayon lang ako nakapunta rito, iyon ay dahil sa mga kaibigan ko. Napatitig ako sa mga ito. Ang gaan sa pakiramdam na nakikita ko silang totoong masaya. Sana hindi iyon mawala. Napabuntong-hininga ako at napatulala sa kawalan.

Masaya ako sa buhay ko ngayon — Mayroon akong mga totoong kaibigan, walang sakit ang pamilya ko, kahit hindi kami kumpleto ay masaya pa rin, at kahit marami ang pagsubok na dumarating sa aming buhay, nakababangon pa rin. Iyon ay dahil hindi kami pinababayaan ng Diyos.

Muli ay napabuntong-hininga ako’t pumikit, dinaramdam ang preskong hangin na tumatama sa aking balat. Sa pagmulat ko ay para akong naestatuwa dahil sa taong nakatitig sa akin sa hindi kalayuan. Hindi ako sigurado kung ako nga ba ang tinitingnan niya ngunit nang lumingon-lingon ako sa aking gilid at likod ay wala namang ibang tao.

Inayos ko muna ang aking salamin at muling sumulyap sa banda ng lalaking iyon ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakatangin. Nagkibit-balikat ako at tumayo, dumiretso sa mga kaibigang nagkakatuwaan sa ilog. Baka nga hindi ako iyon.

“Natulala ka na naman do’n,”

Napatingin ako kay Airel na nakatayo sa ilalim ng puno, hindi kalayuan mula sa akin. Nakahawak siya sa kaniyang DSLR ngunit ang tingin ay nasa akin. Marahil ay kumukuha siya kanina ng litrato. Tumayo ako’t naglakad sa gawi niya at sumilong din.

Umiling ako habang nakangiti, ang tingin ay nasa mga kaibigan sa baba. “Masaya lang ako.”

Narinig ko ang buntong-hininga nito. “Kung may problema ka, nandito lang naman kami.”

“Ayos lang ako —” Uno interrupted our conversation by shouting our names.

“Airel, Claire, halina rin kayo rito!” Iwinagayway pa niya ang kaniyang dalawang kamay habang nasa tubig ang kalahati ng kaniyang katawan.

Niyaya ako ni Airel kaya sumama na rin ako. Inalis ko muna ang salamin ko at ipinatong sa ibabaw ng bato. Ang mga babaeng kaibigan ko ay nakasuot ng bikini, ang iba naman ay naka-shorts at sleeveless. Tanging ako, Chelzsi, at Rebecca lamang ang naka-pajama pants at t-shirt. Napangiwi ang ibang kababaihan.

“Grabe, matutulog ba kayo sa ilalim ng tubig?” sarkastikong tanong ni Mia sabay pasada ng tingin sa aming suot.

“Kakain kami rito,” barumbadong sagot ni Chelzsi.

“Kakainin kita. Rawr,” walang k’wentang dagdag pa ni Rebecca.

Ngumiwi si Mia at gigil na binasa ang dalawa. “Kadiri!”

Lumusong ako sa tubig at agad na nakaramdam ng ginaw. Ngunit dahil tirik ang araw, hindi ko na ininda pa dahil nawala naman na agad. Napatingin kami sa parteng malalim sa sigaw ni Jezreel at tawa ng iba. Minadali niya ang paglangoy patungo sa amin.

“Gagi, may naramdaman ako sa ilalim!” he exclaimed, trembling a bit as if he was so terrified.

“Duwag ka talaga, p’re. Dahon lang ‘yon!” natatawang sabi ni JC at sumunod ang kantiyaw ng ilan.

Nang magutom ay sabay-sabay kaming umahon at naglakad patungo sa kubong aming nirentahan upang kumain.

“Ginutom aketch,” reklamo ni Brix habang maarteng kumakain ng Carbonara.

“What is in the carbonara and why are you enjoying it so much?” Nakangiwi si Nicholle nang nagtanong siya.

“Bakla, ang sarap kaya,” Brix answered while rolling his eyes. Nicholle did the same.

Pareho naman kami ni Cyz na tahimik sa tabi. Sa aming magkakaibigan, siya talaga ang masasabi kong pinakamisteryoso. Tahimik ako pero nailalabas ko naman minsan ang mga ibang hinaing ko o mga bumabagabag sa ’kin. Ngunit siya ay iyong tipo ng taong talagang malihim.
Suminghap si Zei-Zei kaya napatingin kami sa kaniya.

More Than WordsWhere stories live. Discover now