Chapter 4

8 5 0
                                    

“Mag-ingat ka rito, anak, ha? Kung may kailangan ka, ’wag kang magdadalawang isip na tumawag sa amin,” marahang paalala sa ’kin ni Nanay.

Narito kami ngayon sa napili kong dorm malapit sa unibersidad kung saan ako mag-aaral. Kasalukuyang kaming nag-aayos ng mga gamit ko.

“Oo naman po, Nanay. Tatawag ako palagi dahil mami-miss ko kayo. Alam ni’yo naman pong hindi ako sanay na mawalay sa inyo,” tugon ko.

“Ipagluluto muna kita ng tanghalian mo bago ako umuwi,” pahayag ni Nanay at nagtungo sa kusina.

Masikip lang ang dorm dahil mag-isa naman ako. Kaya kita mula sa aking kama ang kusina. Gusto kong dito muna magpalipas ng gabi si Nanay at ipagpabukas na lang sana ang biyahe. Ngunit hindi puwede iyon dahil walang kasama si Lola sa bahay. Nasa trabaho naman si Kuya sa isang mall sa bayan.

“Kumain ka na rin po, ’Nay, bago ka bumiyahe,” sabi ko habang inililigpat ang mga wala nang lamang bagahe dahil naayos ko na sa aking damitan.

Nang matapos magluto si Nanay ay payapa kaming kumain. Ang paborito kong Adobong manok ang nilutong ulam ni Nanay kaya magana akong kumain.

“Kapag may kakatok, huwag mong pagbubuksan hangga’t hindi nagsasalita ’yong tao o kung hindi mo kilala, lalo pa’t malapit ka lang sa kalsada,” muling paalala ni Nanay nang siya ay paalis na.

Nasa loob  ako ng gate na nakabukas habang siya ay nasa labas. Ayaw niyang ihatid ko siya sa terminal ng bus dahil baka kung mapa’no raw ako sa daan pauwi.

“Huwag ka na pong mag-alala, Nanay. Kaya ko naman po ang sarili ko. At saka, mahigpit naman po ang seguridad dito,” nakangiti kong tugon.

Bumuntong-hininga siya at malamlam ang mga matang tinignan ako. “Hindi ko maiwasang mag-alala, anak. Ito pa naman ang unang beses na mahiwalay ka sa amin. O, siya, sige, mag-ingat ka rito ha?”

Niyakap niya ako kaya yumakap din ako pabalik sa kaniya.“Mag-ingat ka rin po sa biyahe.”

Tinanaw ko na lang siyang sumakay sa naparang tricycle at sa pag-alis nito, hanggang lumiit na ang imahe dahil malayo na. Napabuntonghininga ako at sinarado ang gate. Sa pagpasok ko pa lamang sa loob ng dorm, kaagad akong nakaramdam ng lungkot, panlalamig, at pamamahay.

Matamlay akong pumasok sa banyo upang makaligo at nakita ko ang aking repleksiyon sa maliit na salamin na nakasabit sa dingding ng banyo, sa tapat ng pinto. Ang ilong ko ay namumula, ganoon ang mga kong namamasa. Pumikit ako nang mariin at pinigilan ang luhang nagbabadya. Kailangan kong maging matatag dahil walang ibang makatutulong sa akin dito, kung hindi ang sarili ko.

Lunes, unang araw ng pasukan ay maaga akong nagising. Kinakabahan ako dahil sa maraming dahilan. Isa na ’yong pakikipagkilala at pakikipag-usap ko sa mga panibagong tao. Hindi ako sanay no’n. Kailangan pa naman ng communication skills sa programang ito. Sana ay makayanan ko rin ang mga subjects. Ang naririnig po naman sa mga kakilala kong nursing students ay mahirap daw.

“Kaya ko ’to,” bulong ko sa sarili kahit na parang hindi naman. Napangiwi ako.

Pagkapasok ko pa lang sa gate ay nalula na ako sa lawak ng unibersidad at nagkalat na mga estudyante. Halo kasi ang medical school at pre-med. Bahagya akong hiningal nang makarating sa classroom dahil sa lawak ng unibersidad. Muntik pa akong naligaw.

Pagkaupo ko sa upuan  ay siya namang pagpasok ng isang sopistikadang at istriktang babae. Agad na tumahimik ang kaninang nag-uusap na ka-blockmates ko nang mamataan din ito. Sa palagay ko ay nasa 30-anyos na ang babae. Siya na siguro ang aming propesor. Dumiretso siya sa harapan at tinignan kaming seryoso.

“Good day, everyone. I’m Professor Sarah,” seryosong bungad nito. “Welcome to Advanced Pharmacology. This semester, we will examine the mechanisms of drug action and their clinical applications…”

Nagtuloy-tuloy ang discussion at nakinig lamang ako nang mabuti habang nagj-jot down notes. Kailangan ko iyon para may babasahin kung sakaling mang may makalimutan ako. Totoo ang sinabi nilang ibang-iba ang kolehiyo sa high school at elementarya. Kumpara sa noon, mas mahirap ngayon, na parang nangangapa ako sa dilim. Hindi ako sanay.

Pagkatapos ng klase, naglibot ako para maghanap ng magiging spot ko na pupuntahan kapag bakante ko. Mamayang alas diyez pa naman ang susunod kong klase. Nang may mamataan akong malaking puno ng Balete sa bandang likod ay doon na ako pumunta. Hindi ito matatamaan ng init kahit umaga man o tanghali na.
Umupo ako sa bench sa ilalim nito at nagpatugtog.

More Than WordsWhere stories live. Discover now