Chapter 5

8 5 0
                                    

“Kumusta ang college journey ni’yo, guys?” bungad ni Jheane nang sumali ako sa tawag mula sa Messenger.

Araw ng Sabado ngayon at plano kong bumili ng ilang kakailanganin kong gamit dito sa dorm.

“Ayun, magaganda ang mga kaklase kong babae. May instant inspiration na ’ko,” tugon naman ni Uno.

“Tarantado,” JC muttured.

“Tutorial nga kung paano maka-survive sa kursong ito. Mas mauuna pa yata akong maging pasyente bago maging isang nars,” tugon ko naman sa tanong ni Jheane.

Wala ang iba dahil siguro ay may Saturday class. Kawawa naman ang mga iyon.

Nang sumapit ang alas nueve ay napagpasiyahan kong lumabas na papunta sa isang malapit na mall. Nagdalawang isip pa ako dahil baka maligaw ako ngunit sa huli ay ginawa ko pa rin.

“SM North, po,” sabi ko sa driver ng jeepney at inilahad ang bayad. Nasa pinakagilid ako, malapit lang sa driver.

“Beh, paabot ng bayad ko,” sabi no’ng babae sa akin kaya inabot ko ‘yon.

“Paabot po ng bayad,” sabi naman no’ng isa.

“Bayad ko po!”

Hanggang sa ako na lahat ang nangolekta sa pamasahe ng mga pasahero kaya pagbaba ko, masakit na ang aking kamay dahil sa pangangalay.

Namili lamang ako ng mga kailangan ko sa pagluluto at mga snacks ko para hindi na ako lalabas kung sakaling magugutom ako sa gabi. Paubos na kasi iyong nasa dorm. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog ito. Kaya bago umuwi, kumain muna ako sa isang kainan.

Naghanap ako ng mauupuan ko at napadako ang aking tingin sa lalaking pamilyar. Nakasuot lamang siya ng itim na hoodie at itim ding sweatpants. Nakatalikod sa aking banda ang babaeng kasama niya. Nakaharap naman siya sa akin. Nag-angat siya ng tingin at saktong nagtinginan kami. His lips parted as if he was surprised when saw me.

Ba’t naman siya magugulat? Nagulat siya dahil nakita kong kasama niya ang girlfriend niya? I shrugged it off and sat on the vacant seat.

“Marianne,” he called me hesitatingly. Lumapit pa talaga siya rito.

Hindi ko siya pinansin at sinabi ang order ko sa waiter.

“Right away, ma’am!” masiglang sabi nito.

Ngumiti ako sa waiter kaya napatigil saglit ito at napatitig sa ’kin. Kung hindi lang tumikhim si Alistair ay hindi pa natauhan ang lalaki.

“Marianne,” tawag niya ulit at mas inilapit sa akin ang upuang katabi ko at doon umupo.

Bumaling ako sa kaniya at nagkunwaring nagulat. “Oh, Alistair, nandito ka?”

He bit his lower lip and bowed his head a bit. Nag-angat siya ulit ng tingin at bumuntong-hininga.

“S-she is just my cousin,” he explained, tho I didn’t ask.

“Sino?” Nagkunwari akong wala talaga alam.

He groaned painfully and looked at me with frustrated eyes. “The woman you saw earlier.”

“Ah,” tugon ko at inilibot ang paningin sa loob. This is just so awkward. Hindi ko alam kung bakit. I looked at him when he sighed frustratingly.

“Ba’t ka pa nandito sa upuan ko?” marahang tanong ko sa kaniya.

He whispered in soft voice, “Nandito ka, e.” His eyes were almost pleading, while looking at me.

My brows furrowed. He looked at me in amusement when I did that.

“What?” I asked.  Hindi ko naintindihan! Ba’t kailangan pa kasing bumulong?

“Hindi pa ako kumain,” sabi niya.

Ang isang kamay ay nakatuko sa lamesa, sinasalo ang kaniyang baba. Habang ang isang kamay naman niya ay nasa sandalan ng upuan ko. Para na akong kinukulong.

“E, ano’ng ginawa ni’yo rito no’ng… pinsan mo? Umupo lang?” naiinis na tanong ko pa. And like his usual expression when I’m mad, he looked amuse.

He cleared his throat. “Dito ako minsan nagre-review. Nauna ako rito. I didn’t expect she will order here. Nakita niya ako kaya doon muna siya umupo habang hinihintay ang take-out niya,” mahaba niyang paliwanag. Tumawag siya ng waiter at nag-order din ng pagkain niya.

Napakurap ako habang nakatingin sa kaniya. Nang mapansin niya iyon ay yumuko siya para itago ang kaniyang ngiti. Natauhan ako roon kaya namumula akong iniwas ang paningin.

Inaamin kong sa ilang araw naming magkasama sa eskuwelahan ay bahagyang napalapit na ako sa kaniya. Gusto ko na rin yata siya ngunit hindi ko sasabihin iyon. Parang nabibilisan ako sa attachment ko sa kaniya.

“Here’s your order, ma’am!” sabi ng waiter nang makabalik ito, dala ang in-order ko.

“Thank you, po!” nakangiti kong sabi rito.

“Y-you’re welcome, ma’am,” namumula naman nitong tugon ngunit nang dumako ang tingin nito sa katabi ko, bigla siyang namutla at binilisan ang kilos bago umalis.

Kunot-noo kong binalingan si Alistair na kalmado ang mukha.

“Ano kaya ang nangyari do’n?” nagtataka kong tanong sa kaniya.

“Don’t mind him. Siguro ay natatae siya,” kalmadong tugon naman niya.

Nagkibit-balikat na lang ako. Siguro. Pero siguro din ay nasusungitan sa hitsura ni Alistair. Parang laging galit. Nang matapos akong kumain, tumayo ako para magbayad. Tumayo na rin siya at sumunod sa akin sa cashier.

“Uuwi ka na rin?” tanong ko nang makabalik sa upuan upang kunin ang gamit.

He nodded. “Yes.”

Napatingin ako sa pagkain niyang hindi pa nauubos. Napatingin din siya roon at napakamot ng kilay.

“Busog ka na? Hindi mo naubos ang pagkain mo. Sayang,” puna ko.

Dahan-dahan siyang umupo ulit. “O-okay, I’ll eat.”

His eyes lit up when I sat down, too.  He asked, stuttering, “Y-you’ll wait for… me?”

Umiwas ako ng tingin. “O-oo. Kawawa ka naman kung mag-isa kang kakain.”

“Thank you…” he said sincerely.

Bago kami lumabas, dumaan muna kami sa kaninang inuupuan niya at kinuha ang kaniyang mga libro doon.

“Ihatid na kita,” sabi niya nang makalabas na kami. Napatingin ako sa kaniya. Suminghap siya at yumuko.

“Please, just this once,” dagdag pa niya sa marahang boses.

I stared at him for a while, then nodded. “Sige.”

Mabilis siyang nag-angat ng tingin. “Talaga?!” nakangiti niyang tanong.

Napatitig ako sa kaniya nang ilang saglit. Parang mas gumagwapo siya kapag nakangiti; mas umaaliwalas ang kaniyang mukha. Kapag hindi naman ay ang lamig niyang tignan.

Umiwas ako ng tingin. “Ayaw mo?”

“I love it!” tugon niya at hinila na ako papunta sa kotse niya, habang bitbit ang pinamili ko.

Bahagya pa akong nagulat nang may sarili siyang sasakyan, ngunit hindi gaano dahil base sa tindig at kilos niya, halatang mayaman.

“Do you have errands tomorrow?” tanong niya habang nasa biyahe.

“Wala naman po. Bakit?”

Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Can you come with me, then? Dalawa kasi ang ang nabili kong ticket. Kaya… wala akong kasamang manood.”

“Wala nang ibang puwedeng sasama sa ‘yo? Wala kang kapatid?” tanong ko.

“I’m an only child. Ayaw rin akong samahan ng mga kaibigan ko,” tugon niya.

Naawa naman ko. “Sige. Ano’ng oras ba?”

Lumiwanag ang kaniyang mukha at agad na sumagot. “Ten in the morning!”

Nang makarating kami sa dorm, nagulat pa ako dahil alam niya kung nasaan ito. Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at agad na lumabas. Dumiretso siya sa aking banda upang pagbuksan ako ng pinto. Nauna akong pumasok sa gate at sumunod naman siya.

“Pasok ka muna,” anyaya ko sa kaniya nang mabuksan ko ang pinto ng aking dorm.

“You’re alone here?” tanong niya habang nasa labas pa rin habang ako naman ay nasa pintuan.

“Opo. Pasok ka muna,” anyaya ko ulit ngunit umiling siya.

Pumeke siya ng ubo at nag-iwas ng tingin.

“Uuwi na rin ako. M-magre-review pa ako,” sagot niya.

Natigilan ako saglit. Oo nga pala. Iyon ang rason kung bakit siya nasa restaurant kanina. Nagkataon lang na nakita niya ako at inihatid kaya naantala ang kaniyang pagbabasa.

Nakakaintindi akong tumango. “O, sige. Mag-ingat ka.”

Tumango siya at ngumiti nang bahagya. “Take care, too. Lock the door first before I go.”

Kaya naman napilitan akong saraduhan siya ng pinto at sumilip na lang sa maliit na bintana. Bumusina siya ng tatlong beses bago pinaharurot ang sasakyan.

Tumalikod ako mula sa bintana at sinapo ang dibdib. Ang lakas ng kabog nito na pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko. Nangingiti akong nag-ayos ng mga pinamili ko sa kusina.

“Ano ba?” suway ko sa sarili nang mapagtanto ito.  “Bakit ako nakangiti? Baliw na ba ako?” naiinis na tanong ko pa na parang baliw.

“Can you hold my phone? I’ll just get the popcorn and our water,” ani Alistair, kinabukasan nang nasa sinehan na kami.
Inabot ko ang kaniyang cellphone.

Lumayo siya sa akin nang kaunti para kunin ang pagkain at inumin namin sa counter. Sumunod ako at humawak sa laylayan ng kaniyang polo shirt. Ang dami pa namang tao, baka mawala ako. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa damit niya.

Umiling siya at ngumiti. “Such a baby…”

I pouted.

Romance ang genre ng aming panonoorin. Sa kalagitnaan ng palabas, nakaramdam ako ng lamig. Nakasuot lang ako ng simpleng bestida.

“You’re cold,” puna ni Alistair. Marahil napansin niya iyon.

“Ah, wala kasi akong dalang jacket, e,” nahihiya kong sabi.
“Here,” inabot niya sa ’kin ang hinubad niyang jacket kanina.

“Salamat,” nakangiti kong sabi.

Kinuha ko jacket at isinuot. Napapikit ako sa bango nang maisuot ko ’yon. When I opened my eyes, I saw Alistair smiling in amusement, while looking at me.

Napaayos ako ng upo. “N-nakakaantok kasi ang palabas,” namumula kong rason at pilit itinuon ang atensyon sa harap.

Narinig ko siyang humalakhak. “Okay.”

Mas lalo akong nahiya. Ilang saglit ay naging seryoso na ako sa panonood dahil nasa parte na itong mamamatay ang babae dahil sa isang sakit. Nakakaiyak na makita ang umiiyak na lalaking bida. Ang babaw pa naman ng luha ko.

I was sniffing when I felt Alistair’s hand pulling me to him.

“Hey, don’t cry,” malambing niyang saad at ibinaon ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

“E, kasi naman. Kasalanan ’to ng movie,” humihikbing sabi ko.

“Shhh…” pagpapatahan pa niya sa ‘kin.

“May uhog na yata ako,” nakangusong reklamo ko at pinunasan ang mukha habang nasa dibdib niya pa rin.

Nakakahiya naman kung ipapakita ko sa kaniya ang mukha kong hilam sa luha. Bahagya siyang tumawa at hinaplos ang buhok ko.

“You really are a baby; my baby…”

Mas lalo akong nahiya kaya mas ibinaon ko ang mukha sa dibdib niya. Mas lalo naman siyang tumawa kaya tinampal ko ang braso niyang matigas. Hindi ko alam pero… bakit ako kinikilig?!

More Than WordsWhere stories live. Discover now