Victoria's Pov
Marami rin ang umoorder saakin ng mga design kong damit may pagkamahalan nga lang dahil sa mga telang gamit ko pero nagustuhan nila ito kaya may naiipundar akong pera para pangtulong sa mga bills dito sa bahay.
Habang binabantayan ko si Thalia nakarinig ako ng notification galing sa phone ko, tiningnan ko muna ito nagulat ako ng makita ko na invited ako para sa runaway collection ng mga damit at isa ako sa napili na maitanghal ang designed clothes ko.
Napasinghap ako ng aking hininga dahil sa pagkagulat kaya lumapit saakin si Yuri at naguguluhang tiningnan ako.
Napayakap naman ako sakaniya kung hindi dahil sa kaniya wala kaming matutuluyan ni Thalia at wala kami ngayon sa posisyon namin.
Niyakap niya naman ako pabalik at humiwalay sa pagkayakap ko sa kaniya at pinunasan ang luha ko hindi ko namalayan na lumapit saamin si Thalia at nagtatakang tiningnan kaming dalawa.
Pumantay ako kay Thalia at niyakap siya ng mahigpit.
"Momy wat's wong po?" tanong niya (mommy what's wrong po?) kahit 3 years old palang ito ay marunong na itong magsalita ng kaunti.
"nothing baby mommy is just happy" sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi sana nagawa ko rin ito dati kay Tristan.
"dady com play with me po" sabi ni thalia kay Yuri (daddy come play with me po) lagi niya itong tinatawag na daddy kasi mas favorite niya ito kaysa saakin.
Tumawa naman si Yuri ng kaunti at lumapit kay Thalia para makipaglaro. Habang nakikipag laro si Yuri kay Thalia inayos ko na rin ang dadamitin ni Yuri sa Work niya pati ang lunch niya.
Lumapit na rin ako kay thalia para paliguan na siya
"hubby nakahanda na pala yung gagamitin mo pati yung susuotin mo nakaayos na papaliguan ko muna si Thalia" saad ko dito tumango naman ito at lumapit saakin at hinalikan ako sa noo.Nakita naman iyon ni thalia kaya nagtampo hinabol naman ito ni Yuri at hinalikan rin natatawa pa nga si Thalia dahil kinikiliti siya ni Yuri.
Kinuha ko na si Thalia para paliguan habang pinapaliguan ko nga ito ang daldal niya rin nahawaan na yata sa kadaldalan ni Yuri.
Pagkatapos ko siyang bihisan bumaba na rin kami mabuti nalang at naabutan pa namin na paalis na si Yuri.
Kinuha ko ang lunch niya at binigay sa kaniya binaba ko kuna si Thalia at inayos ang necktie ni Yuri.
Hinalikan niya naman ako sa pisngi pati narin si Thalia at umalis na.
....
Thank you po sa paghihintay ng update ko, more chapters to come pa po! ❤️
YOU ARE READING
𝐏𝐎𝐋𝐈𝐓𝐈𝐂𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟏 : MAYOR (COMPLETE)
Romance🔞 #1 MAYOR Theodore Wilson Victoria Keira Velasquez 05/28/22 05/19/23