Nakarinig ako ng maingay na nagtatawanan sa sala. Marahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang matandang kasambahay na nagpupunta ng mga litrato na nakasabit sa dingding.
"H-hello po, Sino ho yung nasa baba?" tanong ko rito habag nakatakip pa ang palad sa bibig ko.
"Naku mabuti't gising kana, Nand'yan ang kabanda ni Sir Arthur, Hija" sagot nito.
Tumaas naman ang kilay ko sa narinig. Umiling na lamang ako rito matapos ay tumalikod, papasok na sana ako kwarto ng may biglang lumabas sa kwarto ni Arthur.
"Goodmorning" bati sa akin ni Adie na may maluwang na ngiti sa mukha.
Ngiti lamang ang naging sagot ko bagontuluyang pumasok sa loob. Mabilis akong naghilamos at toothbrush bago bumaba.
Dahan dahan kong inihakbang ang paa ko pababa sa sala nito. Bumungad sa akin ang tindig ni Arthur na naka tingin sa akin.
"Goodmorning Viancé!" bati sa akin ni Zack.
Ngumiti lamang ako at tumungo sa kusina. Agad naman na nakasunod si Arthur sa akin. Na bahagya pang kumuha ng baso malapit sa akin.
"Eat your breakfast" mahinang turan nito.
"Aalis kami mamaya, maiwan ka muna rito" dugtog nito.
Tumango lamang ako saka kumuha ng plato. Marahang Umupo at agad na lumamon, nakita ko naman ang papalapit na si Adie kaya bilis kong nilunok ang pagkaing nginunguya ko pa lamang.
"Wild mo naman kumain" natatawa nitong sabi.
"Ah eh"
"Hindi ka ba sasama MAMAYA?" tanong nito sakin
"Hindi ka ba sasama mamaya?" tanong nito sa 'kin.
"May personal na lakad rin ako e" kunyari kong sagot
"Oh? where?" tanong muli nito.
"Frie-"
"You stay here at hindi mo pwedeng iwan ang bahay!"
Napapitlag ako sa sigaw ni Arthur. Bakit ba pati pagdalaw ko kina Abby ay bawal? Hindi pa nga ako tapos magsalita, sumasabat agad?
Plastikadang ngumiti nalang ako para wala ng sabi sabi. Nagsi-lapitan naman ang iba pang kabanda nito sa amin. Na bahagya pang kumuha ng beer sa refrigerator.
"Instead of coffee, alak agad nilalaklak niyo? Ano kayo mga baranggay donat?" hindi ko napigilan ang sarili ko ng sabihin iyon.
"HAHAHA!" malakas na tawanan nila Zack at Rob. Habang si Adie ay mahinahon lang tumawa at si Arthur ay walang kaidea idea sa sinabi ko.
"So Via, tell us about your life" basag ni Arthur sa amin na nagkakasiyahan.
Ano ba yan kill joy, pero totoo? personal life ko gusto niyang malaman? Well hindi naman maganda naging buhay ko.
"H-huh?"
"Nevermind" bawi nito sa kaniyang sinabi.
Bahagya lang akong natahimik dahil ang totoo ay hindi naman talaga naging maganda ang buhay ko. Kung meron man sigurong magandang mangyayari? lyon ay ang mahanap at makasama ko si Mama na matagal ko ng hindi nakikita.
"Well, she's single since birth" Rob chuckled.
Yumuko lamang ako dahil sa hiya. Pero bakit? dapat nga proud ako.
BINABASA MO ANG
HIS PERSONAL ASSISTANT
Kısa HikayeNaiwan siya sa kaniyang tiyahin na kapatid ng kaniyang ama ngunit hindi maganda ang trato sa kaniya nito para makatakas sa kaniyang malupit na tiyahin,pinili ng dalagang tanggapin ang inalok ng isang sikat na bokalista na si authur elizalde na nakil...