Kabanata 43

104 10 4
                                    

Kakatapos lang ng chemo ko kasama si Eros. Kung dati natatakot ako palagi tuwing dumadating ang oras ng chemo ko. Ngayon hindi na, ngayon mas magaan na. Kasi kasama ko siya, kasama ko si Eros.

"Are you okay? May nararamdaman ka ba?" 

Ramdam ko ang pag- alala sa boses ni Eros habang tinatanong sa akin yon.

I looked at him. I smiled.

"I'm fine. Naisip ko lang, hindi ka ba nagtampo sa akin noong mga panahon na hindi kita sinama sa desisyon ko? Hindi ka ba talaga nakaramdam ng galit sa akin?" I asked.

He smiled. He slowly shook his head.

"I admit, nagtaka ako. Tinanong ko ang sarili ko. Bakit kailangan mo akong baliwalain? Bakit hindi mo ako kayang isama sa mga desisyon mo? Ngayong ilang beses ko na pinatunayan sa'yo na wa akong pakialam kung may sakit ka man o wala. Kasi, ang importante sa akin ay kasama mo akong lumalaban para sa buhay mo," aniya na nagpatahimik sa akin.

"But you know what's funny?" He asked.

I shook my head.

His face softened. "The funny thing is that. Kahit pa anong gawin ko. I know in my heart that my world is where you are. Ikaw pa rin ang tahanan na gusto kong uwian nang paulit- ulit. Ikaw pa rin ang nag- iisang pahinga ko."

Hindi ako nakasagot, hindi ko alam paano mag re- react sa sinabi niya. Pakiramdam ko konting- konti na lang matutunaw na ako dahil sa mga salitang binibitiwan niya sa mga sandaling 'to.

" I don't know what to say," my voice cracked.

His jaw clenched. "You don't need to say anything love, just let me. Hayaan mo lang akong mahalin ka, sapat na 'yon sa akin."

Simula noong nalaman ko ang sakit ko, hindi na ako umasa na may magmamahal pa sa akin katulad kung paano mahalin ni Kuya Lecster si Ate Julia, kung paano mahalin ni Daddy si Mommy. Kaya noong dumating si Eros sa buhay ko. Hindi ko akalain na posible pa rin talaga na maranasan ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Dahil sa kanya, naranasan ko pa rin kahit papaano ang magmahal at mahalin.

"Ang lalim ata ng iniisip mo? Want to play music?"

Agad akong lumingon sa likod ko kung saan nang galing ang boses ni Dylan. Dalawang araw din siyang hindi pumunta rito sa Hospital dahil kinailangan niyang bumalik sa Bukidnon dahil utos ng Lolo niya.

Ngumiti ako. "Kanina ka pa?" I asked.

Tumango siya.

"Medyo, hindi na kita inistorbo, kasi ramdam ko ang lalim ng iniisip mo. May problema ba? Di'ba dapat masaya ka ngayon kasi nandito na si Eros?" He smiled.

I took a deep breathe.

"Masaya naman talaga ako. Natatakot lang--"

"Because?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Natatakot ako kung hanggang kailan ako magiging masaya. Nakakatakot na maging masaya ngayon Dylan. Pakiramdam ko tuwing sumasaya ako, susunod agad ang lungkot."

He sighed.

"Hindi mo kailangan mag isip ng kung ano- ano, Chloe. Maging masaya ka hanggang gusto mo. Wag mo na isipin ang problema, mas malakas ka sa kanya. Remember that."

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

He raised an eyebrow.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" He asked.

I shook my head.

"Wala. Ngayon ko lang nakapansin. Naka pajama ka talaga na pumunta rito sa Hospital ni hindi ka man lang nag bihis sa condo mo? At seriously? Bakit hello kitty ang print ng T- shirt mo?" Pag- iiba ko ng usapan.

Alam kong kung hindi ko pa ibabahin ang usapan namin. Iiyak lang ako ulit. Na siyang pagod na akong mangyari. Paulit- ulit na lang akong umiiyak nakakasawa na.

He smirked. "Nah, tanungin mo na lang si Lecster. He called me when I'm busy cooking for my dinner. Wala ka daw kasama rito ngayon dahil abala sila lahat sa kasal sa Tuesday, including your boyfriend. Kaya, bilang mabuting kaibigan. Pinuntahan agad kita. Kaya hindi na rin ako nagbihis para sabay na tayong mag dinner. And you don't need to worry. Gulay ang niluto ko, good for your body," aniya.

I nodded. "Thank you," I muttered.

"Welcome always, Chloe. Anyway, bakit mo pinasama si Eros sa kanila Lecster ngayong puwede naman siya maiwan dito. Para magkausap pa kayo ng matagal. May tinatago ka sa kanya 'no?" Pabirong tanong niya sa akin.

I sighed. Alam kong biro lang 'yon. Pero, hindi ko maiwasan makaramdan ng kaba dahil alam ko sa sarili ko na tama siya.

He looked at me. Umiling- iling siya.

"May tinatago ka?"

I bit my lower lip. "Nothing, wala. Gusto ko lang talaga siya na sumama roon para masulat ko 'to" paliwanag ko sa kanya. Sabay pakita ko sa kanya ng huling letter na sinulat ko para kay Eros.

"What? I thought tapos kana sa letter? Naka one hundred kana diba?" Taka niyang tanong sa akin.

Tumango- tango ako.

"Yes, but itong sulat na 'to ay ang huling sulat ko para kay Eros. At, dahil nand'yan kana. Can you please. Puwede ba ikaw magbigay nito sa kanya? Kung sakaling may mangyari sa akin? Please..."

Huminga siya ng malalim. Alam ko at ramdam ko ang pagdadalawang- isip niya na tanggapin ang sulat na binigay ko. Pero, kahit ganoon kinuha niya pa rin 'to sa kamay ko at tinago sa bag na dala niya.

"Fine! Itatago ko 'to. Para sa'yo" he said.

Ngumiti ako. "Ang suwerte ng babaeng mamahalin mo, Dy. Napakabuti ng puso mo" I genuinely said to him.

He chuckled. "I don't think so, Chloe. Ni hindi nga niya alam na mahal ko siya" he replied.

My eyes widened.

"You--- Hindi mo sinabi sa kanya ang nararamdaman mo? Ganoon ba?"

He nodded.

"Why?" I asked. "Malay mo-----"

"Kaibigan niya lang ako Chloe. At, kuntento na ako roon. Yes, mahal ko siya. Pero, tanggap ko rin na hanggang kaibigan lang ako. Masaya na akong makita siya, masilayan ang ngiti niya at higit sa lahat. Masaya na akong matulungan siya sa abot ng makakaya ko. Masaya na akong makita siyang masaya, Chloe. Kahit pa hindi ako ang dahilan ng saya na 'yon."

I stopped. Hindi ko alam kung bakit? Pero, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan. Ayoko mag assume, pero, pakiramdam ko sa mga sandaling 'to. Kilala ko ang tinutukoy niya.

Dylan!

Good morning
Angie

My Yesterday's Dream( Yesterday #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon