"EXCUSE ME po, do you know Lucina Yanki Lopez?"
May lumapit sa aking 2nd year highschool na babae habang papunta ako sa classroom ni Yanki. Actually, malapit na 'ko sa classroom nila.
"Uhh, actually, I'm her bestfriend." pagpapakilala ko. "Kailangan mo ba ng tulong niya?" dagdag ko at tumango siya.
"Yes. Nagkakagulo po sa Section B4! Si Brielle po! Hinahanap niya po si Lucina Lopez! Pinautos niya po ako!" kinakabahang sambit nito.
"Anong kailangan niya sa 'kin?"
Nagulat kaming dalawa ng babae nang biglang sumulpot si Yanki. Or should I say, Lucina.
"H-hinahanap niya po kayo. Inagaw n-niyo daw po si S-shaun." Nanginginig na aniya ng babae.
Ha? Shaun? Kelan pa naging mang aagaw kaibigan ko? Lol.
"Ah, yun ba?" walang emosyon na aniya Lucina.
"O-opo."
"Okay."
Naguguluhan lang akong sumunod kay Lucina habang papunta kami sa classroom ng Section B4. Naabutan namin ang nagkakagulo na mga estudyante at ang nagwawalang si Brielle.
Should I put her in mental?
"Kailangan mo?" Sagot na sabi ni Yanki at naagaw niya ang atensyon ng mga nandoon. Yung iba ay umuwi na dahil ayaw madamay at yung iba naman ay nanatili para may ipagkalat bukas.
"You! You stole Shaun from me, you bitch!" Angil agad ni Brielle at sinampal si Yanki. Napasinghap ang iba mas lalo na ako.
"Wala akong inaagaw sayo. At saka, may pangalan ako. Dalawa. Lucina kapag hindi maipinta ang mukha ko at Yanki pag may ngiti sa labi ko pero walang ngiti sa labi ko, diba? Kaya Lucina." blanko pa din ang ekspresyon na sambit nito.
"You can't fool me. I already know you and Shaun are dating!" napasinghap ako ng malakas sa sinabi ni Brielle.
Wait, what?!
"Meh, naniniwala ka na naman sa mga fake news. Sinasayang lang namin oras namin dito. Tara na, Leuni." aya ni Yanki sa'kin.
Nakanganga lang akong sumunod sakanya habang nauuna siyang maglakad. Geez, hindi ako naniniwala kay Brielle kasi... Si Yanki 'to! Si Lucina Yanki Lopez. Ang babaeng hindi naniniwala sa love. At saka, once she said it, totoo iyon.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwalay ng direksyon. Habang naghihintay ng bus sa waiting shed ay kinakalikot ko ang cellphone ko. Nang biglang may tumabi sa'kin. Hindi ko sana iyon papansinin pero nakilala ko siya mula sa peripheral vision ko.
"Tss." napairap ako nang iyon lang ang nasabi niya nang mapatingin ako sakanya.
"Do have plans about our project?" Tanong ko habang abala padin sa cellphone. Tinitigan niya lang ako ng ilang minuto bago umiwas ng tingin.
"Hmm."
I looked at him in disbelief. "Hmm!?!" Ang haba naman! Sobrang haba ng sinabi niya, sa sobrang haba mapapanganga ka sa mga informations, oo.
Inikot ko nalang ang mata ko sakanya at nagpatugtog nalang sa cellphone ko. Naka-headset ako habang nakikinig sa If You're Not The One.
"Hey, the bus is here." biglang sabi ng katabi ko pagkatapos hilahin yung headset ko. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan ko siya. Tumayo ako at sumakay sa bus.
Umupo ako sa pinakadulo at sa tabi ng bintana. Pinanood ko ang onti onting pagbuhos ng ulan. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit.
Masyado nang maraming nangyayari. Sabay sabay. Project, famil prob, friends, rivals at kung ano ano pa. Anong uunahin ko? Pagsasabay-sabayin ko ba? Ayoko nang may dumagdag. Kung mag karelasyon man ako ay sana walang problema. Sana okay ang lahat. Sana hindi ito dumagdag sa problema ko.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko iyon pinansin. Nakapikit lang ako buong biyahe at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako nang nakasandal sa balikat ng katabi ko at pagmulat ko ng mata ay ang malamig na mga mata ang sumalubong sa mata ko.
Nauna siyang umiwas ng tingin at napaayos naman ako ng upo nang mapagtantong naagaw namin ang atensyon ng ibang nasa bus.
Tumingin ako sa labas ng bintana at napahawak sa bandang dibdib ko. Naramdaman kong tumitibok ng malakas ang puso ko.
Bakit ko 'to nararamdaman?
Agad akong tumayo at lumabas ng bus nang makarating sa kanto. Napahawak ako muli sa dibdib ko at nagtalo ang puso't isip ko.
Tanungin ko na ba si Yanki kung ano ang posibleng nangyayari sa puso ko?
Wala sa sarili akong naglakad pauwi. Hindi ko na nga namalayang nandito na pala ako sa harap ng gate ng bahay. Napabuntong hininga ako saka pumasok ng bahay.
Tinignan ko ang kabuuan nito. Ako lang mag isa dahil nauna na sa Canada si Ate Kath. Minsan ay dito natutulog si Yanki sa hindi malamang dahilan. Alam ko na may rason ang pagtulog niya dito pero tahimik lang siya palagi.
Naghilamos lang ako at nagsuot ng sando at panjama. Agad akong dumiretso sa kama ko at humiga. Nag muni-muni muna ako at pinikit ko ang mata ko at nilagay ang braso sa noo ko saka ako nakatulog.
———
Giving credits and support her stories! yanahlprieto
Love, leuni.
YOU ARE READING
Embracing The Cold Winds (ETR SERIES #1)
Teen FictionZelenia Leuni Herrera met Harris Aragon Hendrickson on a prom night of their school. Years past and they finally got moved on from their past crushes. Destiny let them follow each other's goal to achieve but what they didn't know is that the destiny...