"YOU'RE IN LOVE."
"You're inlove."
"You're inlove."
Paulit ulit na ume-echo ang sinabi ni Yanki sa'kin. Tumingin ako sa side table at nakitang alas tres palang ng madaling araw. Napagdesisyunan kong tumayo at lumapit sa bintana. Binuksan ko ito at ang malamig na hangin ang sumalubong sa'kin.
Cold winds...
Naiiyak ako sa 'di malamang dahilan. Nababaliw na yata ako. Kumusa na kaya akong pumunta sa mental? Aaminin kong komportable ako tuwing kasama ko si Harris pero inlove? Never 'yon pumasok sa utak ko. Pa'no naman nasabi ni Yanki na inlove ako? (Gamit ang utak at mouth niya, duh? Ang obob naman).
Shatap, otor. Kita mong namomroblema na ko here? So shatap ka nalang. Kunsabagay, wala ka kasing lablayp kaya nangingialam ka. (Ouch).
Nag ring ang phone ko na nagpakunot ng noo ko. May gising pa sa oras na 'to?
Tumungo ako sa side table at kinuha ang phone ko. Tumibok ang puso ko nang makita ang pangalan ni Harris. Sinagot ko ito at tinapat sa tainga ko.
"H-hello?" Napapikit ako dahil sa utal utal kong pagkasabi no'n. Walang tumugon tanging paghinga niya lang ang naririnig ko. "H-hoy, H-harris. Anong kailangan m-mo? Kung tumawag ka lang--"
"Gising ka pa?"
Nanlambot ako nang marinig ang boses niya. Natauhan ako at umirap.
"Obvious! I-ikaw, bakit gising ka p-pa?"
"Nothing. May iniisip lang."
"Ano?"
"Ikaw."
Napalunok ako.
"Hahaha, bakit mo n-naman ako i-iniisip?" Sunod sunod ang paglunok ko itong sinabi. Namamawis ang kamay ko at kinakabahan sa isasagot niya. Ilang minuto ang lumipas nang bumuntong hininga siya mula sa kabilang linya.
"Goodnight."
In-end niya ang call at iniwan akong nakatulala at nababaliw ang heart. Hoy, heart, tumigil ka nga diyan.
(Bakit? Gusto mo na ba mamatay para tumigil ako sa pagtibok? Pakipot pa 'tong babaeng 'to).
Inamo, heart.
(Whatebah).
Nababaliw na nga yata ako. Pati yung puso ko kinakausap ko. Si brain na kaya next? O kaya yung lungs ko. Anyways, itulog ko nalang 'to. Lutang na talaga ako.
Nakatulog ako pero tatlong oras lang. Mukha akong panda sa laki ng eyebags ko. Yung lakad ko pa papuntang cr ay parang zombie. Panda + zombie = baliw.
Ano na ba ngayon? Miyerkules? Napasa ba namin yung project namin sa Science nakaraan? Napresent ba namin? Lutang na nga talaga ako. Kailangan ko nang maligo para magising ako sa reyalidad.
———
TAXI ang sinakyan ko papuntang UP. Binayaran ko si manong driver pagkatapos ay lumabas ng taxi. Naglakad ako papasok ng school pero napatigil ako nang makita si Harris at yung babae kahapon. Nasa bench ulit sila na inuupuan nilang dalawa kahapon.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa backpack ko. Bakit ngayon ko lang nakilala ang babae na 'yon? Si Brielle. Nanggigigil ako. Pigilan niyo ko. Nako, sinasabi ko sainyo, pigilan niyo ko. Masasabunot ko 'yang babae na 'yan.
Umiwas ako ng tingin nang dumapo ang tingin nilang dalawa sa'kin. Nakita kong napatayo si Harris mula sa periperal kong vision. Nakita ko si Silver na nakangiting kumakaway sa 'kin. Pilit akong ngumiti at tumakbo sakanya. Niyakap ko siya at tahimik na umiyak sa balikat niya.
"Hey, why are you crying?" Nag aalala niyang tanong pero patuloy pa din ako sa pag iyak ng tahimik habang nakayakap sakanya. Niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang buhok ko. Wala kaming pake kung pinagtitinginan kami, gusto ko lang ng comfort niya.
———
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong hinilamos ang mukha ko. Namamaga ang mata ko dahil umiyak ako. Naghintay si Silver sa labas habang nandito ako sa restroom.
Lumabas ako ng restroom habang nagpupunas ng kamay. Nagulat ako pero agad nakabawi dahil pag angat ko ng tingin ko ay nasa harapan ko na si Harris. Napatingin ako sa gilid ng restroom at nakitang wala doon si Silver.
"Bakit ka nandito?" Walang emosyon kong tanong. Nag aalala ang mukha niya habang nakatingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mata namin.
"Leuni." Ignore.
"Zelenia." Snob.
"Herrera." 'wag pansinin yan.
"Babe." Bwisit at hayuf.
Inis ko siyang tinignan. "Ano?" Inis kong angil.
"Are you mad?" Tanong niya at tumawa ako ng sarkastiko.
"Am I? I don't know either. Nababaliw na nga ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko 'e! Aamin ako, Harris. Nagseselos ako pag may kasama kang iba! Gusto ko, ako kasama mo! Gusto ko, ako yung nagpapatawa sayo! Gusto ko, ako yung nagpapangiti sayo! G-gusto ko, a-ako lang." Napahagulgol ako habang tinatanggap niya yung mga palo ko sa dibdib. Hinawakan niya kamay ko at hinila ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Shh shh. I'm sorry. I'm sorry, babe. I'm sorry." Pagpapatahan niya habang humahagulgol ako.
"H-hindi ko na alam nararamdaman ko, H-harris." Hikbi ko.
"Ano ba nararamdaman mo?"
"I-I'm..."
"You're?"
"I-I'm i-inlove."
Napatigil siya at napapikit ako. Dumilat ako nang maramdamang hinalikan niya ako sa noo. Nagtama ang mata namin at mahihimatay yata ako sa sinagot niya.
"I'm effing inlove to you, babe."
———
Credits: yanahlprieto
Love, leuni.
YOU ARE READING
Embracing The Cold Winds (ETR SERIES #1)
Teen FictionZelenia Leuni Herrera met Harris Aragon Hendrickson on a prom night of their school. Years past and they finally got moved on from their past crushes. Destiny let them follow each other's goal to achieve but what they didn't know is that the destiny...