XIV

7 2 0
                                    

"OMYGHAD, 'TE! Do not tell me kayo na ni Harris!"

Tumatalon talon si Yanki sa sofa kaya sinamaan ko siya ng tingin at tumigil siya. Masyado siyang energetic dahil nahuli kami ni Yanki, pero hindi kulong. Kaya 'eto siya at may malaking ngiti sa bibig.

"Nah, nanliligaw palang yung tao, at ang bilis naman para dumerecho agad sa jowa." Wika ko at nakipag-apir sakaniya.

"Huh? Gano'n?" Napangiwi siya na parang may naalala. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Huwag mong sabihin na..."

"Excited ang gunggong 'e." Irap niya at napangiwi na din ako. "Wala pa ngang label sweet moments agad kami 'e. No'ng wala pa kaming label ha." Dagdag pa nito.

"Ngek. Bakit ba kayo naka-secret relationship?" Tanong ko sakaniya at sumeryoso siya.

"His mom doesn't like me." Sagot niya at natulala na parang may naalala. "Mommy." Bulong niya pero narinig ko pa din.

"Oo nga pala, natawagan mo na ba si Tita Lani?" Tanong ko at umiwas siya ng tingin.

"W-wala. Aalis na ko." Imik niya at tumayo.

"Huh? Hindi ka dito matutulog?" Umiling lang siya bilang sagot. Sinundan ko siya ng tingin habang palabas siya ng bahay. Narinig ko ang pag alis niya ng motor.

"Weird." Bulong ko sa sarili.

Oh well, magkikita pa naman kami bukas.

———

THURSDAY. Paggising ko ay--anong oras na ba? Pagtingin ko sa side table ay--8:30AM NA!? Halos manlaki ang mata ko at mabilis na bumangon.

"Gagi! Bakit hindi ako ginising ni Yanki!" Singhal ko at mabilis na naligo. Nagbihis ako ng uniform pagkatapos. Paglabas ko ay 8:40am na at may kagat kagat pa kong tinapay.

Lumabas na ko ng bahay at nagulat pa ako dahil nandito si Harris at ang sasakyan niya. Napatayo ito ng maayos at ngumiti sa'kin.

"Bakit ka nandito?" Takang tanong ko sakaniya na may ngiti sa labi.

"Ihahatid ka?" Patanong niyang sagot.

"Ha? 'E ihahatid ako ni Yanki 'e baka sabihin no'n pinaghintay--"

"Nag-text si Shaun at hindi daw papasok kaibigan mo dahil hindi daw maganda pakiramdam niya." Putol niya sa'kin at nagtaka ako.

"Pa'no niya naman nalaman?"

"She's living with him."

Agad nanlaki mata ko sa sinabi ko. Teka, naggri-green minded ako. Green minded activated.

"H-ha? Akala ko naman sa Valenzuela pa din nakatira si Yanki?"

"Nah, hindi ba niya sinabi sayo? She moved to Shaun since last week."

"Baka naman kung anong kabardagulan gawin ng dalawang 'yon." Komento ko.

"Hindi yan. Now, let's go. Mala-late na tayo." Aya niya at hinila ako papasok ng kotse niya. Wala na akong nagawa kun'di sumunod.

Nilabas ko ang cellphone ko at magta-type kaso hindi natuloy dahil nauntog ako sa bintana sa pagmaneho ni Harris. Agad niyang tinigil ang sasakyan habang heto ako at parang maiiyak.

"Oh shit, sorry." Kinakabahang saad niya. Lumapit siya sa 'kin at kinabit niya yung seatbelt.

A-ang bango.

Pagtapos niya ikabit yung seatbelt ay nagmaneho na siya.

Kinuha ko ang cellphone kong nahulog at nag-type. Tinext ko si Yanki at wala pang limang minuto ay nireplyan niya na ako.

Embracing The Cold Winds (ETR SERIES #1)Where stories live. Discover now