XV

15 2 0
                                    

"HAY, buhay!"

Nakangiti akong bumangon mula sa higaan. Ewan ko ba. Pagmulat ko ng mata gan'to na ko. Pero aaminin ko, tama ang sinabi ni Yanki. I'm inlove. May balak na nga akong sagutin siya bukas.

Biyernes ngayon at excited ako para bukas dahil pupunta kaming EK bukas. Sabi ni Harris ay may isasama daw silang dalawang mag-jowa so pumayag naman kami ni Yanki. Sabi pa ni Yanki para "the more, the merrier" daw.

Sheane is not replying to our chats and not answering our calls! This is too much. Onti nalang iispin kong F.O. na kami.

I did my morning routine quickly with a smile but my smile immediately disappeared when I found no car always waiting for me outside my house.

Seriously? Baka naman nakalimutan niyang may pasok kami?

May tumigil na sasakyan sa harap ko ngunit hindi iyon sasakyan ni Harris. Pagbukas ng bintana ay ang nakangiting mukha ni Silver ang nakita ko.

"Hop in." Pilit akong ngumiti sakaniya at sumakay sa sasakyan niya. Tahimik lang ako habang papunta kami sa eskwelahan. Sinulyapan ako ni Silver habang nakatulala ako. "Hey, is something bothering you?"

Natauhan ako at umiling. "May iniisip lang." Binalingan ko siya at pilit ngumiti. Pagharap ko sa bintana ay nawala ang ngiti ko.

"Ano iniisip mo?" Tanong muli ni Silver habang nakatingin lang ako sa daan.

Si Harris.

"Some random things." Sagot ko sakaniya habang nakatingin pa din sa bintana. Nagpaalam na siya sa'kin nang makababa ako.

Naglalakad ako papunta sa klase ngunit napatigil nang makita si Harris. Ngumiti ako ng malaki at kakaway sana pero namataan ko si Brielle na palapit sakaniya na kumakaway. Nang makalapit sakaniya si Brielle ay hinalikan ni Brielle si Harris sa pisngi niya.

Fvck.

Nakita ko si Yanki mula sa periperal kong vision na nakangiti sa'kin at kumakaway. Bumaling ako sa direksyon niya nang humarap sa direksyon ko si Harris. Ngumiti ako ng malaki at kumaway pabalik kay Yanki. Tumakbo ako sakaniya at niyakap na ikinataka niya.

"The heck, miss na miss mo na ba ako kaya ganiyan mo nalang ako kahigpit niyakap?" Natatawang aniya at nakitawa ako.

"Wala lang. Namiss ko lang yakapin yung bestfriend ko. Namiss ko na din na kompleto tayong tatlo." Sinabi ko sakaniya.

"Ako din naman." Nakangiti niyang saad. Nawala ang ngiti niya ngunit agad ding binalik. "Leuni, 'wag na 'wag kang titingin sa likod mo kung ayaw mo masaktan."

"I'm okay, love." Awtomatiko siyang tumingin sa'kin ng nag aalala ng tawagin ko siya sa endearment na yun. Madalas ko siyang tawaging "love" at "mahal" kay Sheane.

"Leuni--"

"Yanki, I'm okay. Pwedeng pumunta nalang tayo sa klase?" Mahinahong sabi ko. Tatanggi sana siya nang magpakaawa ako. "Please, Yanki?" Tinignan niya ako ng nag aalala bago ngumiti ng pilit.

"Sige."

Tahimik kaming pumunta sa classroom. Nag aalala pa din ang mukha ni Yanki. Alam ko naman kung anong nararamdaman niya 'e. Overprotective siya pagdating sa mga taong mahal niya. Ako din naman, kung makita ko si Shaun na hinalikan ng isang babae ay baka nakahandusay na yun sa sahig.

"Ate, nakauwi na daw si Sheane kahapon dito sa Pinas." Pagbagsak niya sa katahimikan naming dalawa at napatingin ako sakaniya. Ngumiti ako ng malaki para gumaan ang loob niya.

"Bago yan ha? Tinatawag mo kong 'Ate'? Anong nakain mo?" Tumawa ako at natawa lang siya ng maikli. "Pero wait, si Sheane? Nakauwi na kahapon? Kaya naman pala hindi nagre-reply o sinasagot tawag natin 'e! May balak tayong isorpresa!"

Embracing The Cold Winds (ETR SERIES #1)Where stories live. Discover now