III

17 2 0
                                    

"ZELENIA! Leuni! Herrera! Zelenia Leuni Herrera! Bestie! Ate! Queenie! Bes! 'Te! Baka gusto mong gumising na! Aba! Kanina pa ko dito at kanina pa tapos ang 1st at 2nd class natin! Hindi ako nakapasok dahil sayo!"

Agad akong napabalikwas nang marinig ang ingay ni Yanki sa labas ng bahay. Tumakbo ako pababa at dumiretso sa gate. Nakapameywang at nakasalubong ang kilay na Yanki ang nakasalubong ko.

"Myghad! Hindi ka pa nag aayos!? Alam mo ba kung anong oras na!?" singhal niya kaagad.

"Malamang, hindi. I just wake up.  Pa'no ko malalaman yung oras?" Sarkastika kong sagot.

"Alas dose na, bish! Do you have any idea we skipped two classes ng dahil lang sa sleeping beauty mo!?" sigaw niya sa'kin.

"Ha!? Alas dose na!?"

"Oo! Alas dose na! Twelve o'clock!"

"Bakit hindi mo ko ginising!?"

"Are you dumb, bish!? Sumisigaw sigaw ako dito kanina tapos hindi kita ginigising sa palagay kong yun!?"

"Argh! Mag aayos na ko!" pagtatapos ko sa sigawan namin.

"Buti naman at naisipan mong gawin 'yon. Sumasakit na lalamunan ko sayo." pairap nitong sambit.

Mas mabilis pa kay Flash akong kumilos dahil mala-late na kami sa 3rd class. 12:20 magsisimula ang 3rd class namin kaya nagdala nalang ako ng ensaymada.

Nagulat ako dahil may dala siyang motor. Itatanong ko sana kung kanino galing ito pero sinabi niya na 'wag ko daw itanong kung kanino galing at para hindi kami malate dahil lang sa pagbabangayan namin ay umangkas na ako sa likod niya.

"Kailan ka pa natutong mag-motor, gago ka!" sigaw ko sakanya.

"Huwag mo nang tanungin! Mastre-stress lang ako!" sigaw niya pabalik. Para hindi na humaba ang usapan ay hindi nalang ako nag-talk.

Nakarating kami sa UP ng 12:15 kaya tumakbo kami papunta sa kanya kanyang klase. Hindi na kami nakapagpaalam sa isa't isa dahil sa natitirang oras namin.

12:19 nang makarating ako sa tapat ng classroom. Hingal na hingal pa ako at magulo kaya inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok ng classroom.

Magkakasama ang apat na estudyante per team or group para sa project. Lumapit ako sa kambal at sa Harrispanget na ngayo'y seryosong pinag uusapan ang tungkol sa project.

Lumapit ako sa grupo ko at ngumiti sa'kin si Alani habang nag-uusap ang dalawang matalino.

E'di kayo na ang matalino.

"Hindi ka naka-attend sa first at second class." bulong sa'kin ni Alani.

"I know. Buti na nga lang ay nandiyan si Yanki para gisingin ako." bulong ko pabalik.

"We will start the project later after class at Sunken Garden. Bring your laptops and things that we need for our project or presentation. Is that clear?" tumango kami kay Bryan at nang dumating na si Sir Daniel Oliver ay umupo kami sa kanya kanyang upuan. Math. Jusko, ayaw ko nito.

——

"Leuni, sinabi ko na sayo. 'Wag na 'wag na 'wag mong tatanungin ang tanong na 'yan dahil mastre-stress lang ako. Tumahimik ka, bwisit."

"Where did you got that motor kasi! Bakit hindi mo nalang sagutin? Saka kailan ka pa marunong mag-drive ng motor?" sunod sunod kong tanong sakanya habang naglalakad kami sa hallway.

Bigla kasing pumasok sa isip ko ang tungkol sa motor na dala niya at mukhang mamahalin pa iyon kaya tinanong ko sakanya kung kanino galing iyon at gaya ng reaksyon niya kanina ay gano'n din ang reaksyon niya ngayon.

"Secret no glue nga." sagot niya.

"Ano ba naman 'tong si Yanki 'e! Dali na!"

"May klase ka pa."

"Wala na kaming klase, ikaw yung may klase."

"Oh kaya kailangan ko nang umalis."

Saka ito tumalikod sa'kin. Napasimangot ako at dumiretso sa Sunken Garden. 5:00 o'clock na at last class na ni Yanki. Dala dala ko ang laptop bag ko habang papunta sa Sunken Garden.

Naabutan ko si Harrispanget doon. Wala pa ang kambal. Naramdaman kol na naman ang puso kong tumitibok ng mabilis. Wala itong tigil sa pagtibok.

Umupo ako sa tabi niya at napagdesisyunang mag-drawing muna. Kinuha ko ang sketch pad ko na nasa loob ng bag ko at ang pencil ko.

Pinagmasdan ko ang araw na palubog at ang tahimik na musika, kasabay nito ang pag ihip ng hangin. Tahimik lang kaming dalawang nagmamasid sa langit.

"About sa project, may mga ideas ka na ba para sa presentation natin?" Pagbasag ko ng katahimikan habang nag d-drawing padin.

"Hmm."

"Putol ba 'yang dila mo nang hindi ka makapagsalita? Ang iikli ng mga sagot mo 'e." Sarkastika kong wika at tinignan siya sa tabi ko at bumalik sa oag ddrawing.

"Why? Do you like my voice so much that you want to hear it?" Gulat ako na patingin sakaniya sa pag biglang salita niya ngunit agad ding nakabawi dahil sa sinabi niya.

"Ang feeling mo naman. Hindi mo manlang kasi sinasabi yung mga informations or ideas na nakuha mo." Irap ko sakanya.

"I have many ideas in my mind."

"E'di ikaw na may utak."

"I read a few books yesterday."

"Hindi ko kailangan ng explanation mo."

"I'm not explaining, I'm just saying the truth."

"Nye-nye-nye, whatever. Kahit sabihin mo pa yung mga impormasyon mo ay wala akong maiintindihan."

"Then why are you asking me to tell you the informations and ideas I got if you don't even understand it?"

"Tsh! Ang dami mong sinasabi! Asan na ba yung kambal na 'yon?"

"Tsh. You're too noisy. They're not coming."

"What!? Pa'no mo naman nasabi at bakit!?"

"Family problems or something."

"Argh! Whatever. Alis na nga ko."

"You can't leave. We need an idea for this topic."

"Kala ko ba may idea ka na? Oh e'di 'yon ang ilagay mo."

"This project is by group not solo so we need to work together."

"Argh! Parang kanina lang ang tahimik mo tapos ngayon ang dami mong sinasabi! Bipolar ka ba?" naiinis kong tanong sakanya.

"No. It's just... Me." natigilan ako sa sinabi niya.

"Ano? Hindi ko gets." nag iwas siya ng tingin.

"You don't have to. You won't understand anything." sabi niya at bumalik na naman ang malamig niyang aura. Tumayo siya at tumalikod sa'kin.

"Ano nga?" tumingin siya sa'kin at nagulat pa ako sa nakikita ko.

Is that sadness I'm seeing?

"Nothing."

——

Credits: yanahlprieto

Love, leuni.

Embracing The Cold Winds (ETR SERIES #1)Where stories live. Discover now