CHAPTER VIII : Want

13 0 0
                                    

Rye POV,

TWO WEEKS BEFORE THE PLANNED ACCIDENT AND THE ENCOUNTER OF RYE AND JAKE

"Let's grab some soju?"  aya ko kay Sophie. Busog na busog pa kami. Lumabas kami nang paresan kasi biglang nagsiratingan sina Faye. Sophie find them weird. So, we decided to go.

Agad nagliwanang ang itsura nang baliw ngunit agad din niyang binawi "Busog pa ako e. Ikaw, baka gusto mo. Samahan nalang kita."

"Okay." 

In just one hour I find Sophie laughing and talking nonsense. So, this is what she said she's full? Full of soju baka nga.

"You know what, rye. I--- HAHAHAHAHA" agad kong nilagyan ng fries ang bibig niya. Kanina pa siya, ang ingay-ingay niya.

Napapikit naman ako. Siguro mali ang ginawa kong ayain siya uminom. Nakalimutan ko pala na madaling malasing ang babae na 'to.

Nilagyan ko ng mainit na tubig ang isang maliit na baso "Drink it," I told her.

Napanguso naman siya "Hindi. Gusto ko pa ng soju, r-rye."

"Sophie, may sasabihin ako. Importante 'to kaya makinig ka ng mabuti sa akin."

"Hmm?"  papikit-pikit siyang nakatingin aa akin. Umayos siya ng pagkakaupo pero andun padin sa postura niya na talagang natamaan na siya. Hinay-hinay niyang ininomng mainit na tubig at nilagay ulit yun sa lamesa nang maubos.

Pailing-iling pa siya at hinilamos ang kamay sa mukha bago ako tinignan. Lasing parin siya.

"Rye,"  seryoso niyang tawag sa pangalan ko.

"Hmm?"

"Rye, ang pangit ng lasa ng tubig. Bakit ganun? M-m-mas masarap yung soju HAHAHAHAHAHA"

Napahampas nalang ako sa noo ko. Hindi magandang kausap ang lasing, sa totoo lang.

Malakas siyang uminom sa aming dalawa ngunit siya naman tong mabilis malasing. Jusko, anong gagawin ko sa babaeng 'to?

Wala nga akong nagawa. Inalalayan ko na naman ang babaeng 'to pauwi sa condo niya. Mabuti na nga lang at bago niya maramdamng nasusuka siya nasa loob na kami ng condo niya.

Inantay ko lamang siya sa sala niya nang tawagin niya ako na maliligo raw siya. Hindi na ako sumagot at umupo nalang sa sofa. Magkapareho lang kami porma ng loob ng condo ni Sophie but the differences is kung paano namin nilagay ang mga gamit namin.

I find Sophie very fond of color baby blue. Malinis din si Sophie sa lahat. I even adore her for being an independent kasi ang sarap din niyang magluto. Bali full package na ang baliw na 'to kaya swerti lagi ako kapag nagluluto siya, may para sa akin din.

I wonder is Sophie has also a family waiting for her to come home? Kahit kailan kasi di ko siya nakitang umalis. Lagi lang siya sa hideout o di kaya kasama ako.

Mabilis lang natapos si Sophie at agad din siyang lumabas.

"Bihis lang ako," she said. Nahimasmasan na ata yun, di man siya matulin maglakad para naring bumalik na yung utak niya.

Lie and Kill (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon