CHAPTER XIX : Kill

11 0 0
                                    

Rye's POV, (PS. the true Rye)

Nagsisialisan ang mga media sa labas ng venue kung saan ipapakilala si Katerina bilang bagong CEO ng kompanya ni Arthur. Nakita ko kong paano nagsituluan ang mga luha ni Katerina na para bang hindi na niya alam ang gagawin. Tama nga ang hinala siya nga talaga ang anak ni Katherine, kahit ibahin niya ang postura at pananamit niya at hindi talaga maitatago na isa siyang Villanzo

Recently ko lang nalaman na siya si Katerina nang sundan ko siya at makita ang pagpapalit nila ng damit nung babae di kalayuan sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Ay hindi, nagtatrabaho ako ng palihim para may panglaban sa pagbagsak ng hayop na Alvañez na 'yan.


Agad ko siyang nilapitan at nagdadalawang isip kung ibibigay ko ba ang panyo na ito. Ang panyo na simbolo nang pagiging matalik naming pagkaibigang tatlo, ang panyong ito ang dahilan kung bakit nabulag kami sa pagtatraydor ni Jessi


"Ma'am Risha?"  sa huli'y nilapitan ko siya at nilahad ang puting panyo ko "Ayos ka lang po ba? Pasok na ho. Hinahanap ka na po ni Mr. Chairman" pagpapalusot ko ngunit aalis na sana siya ng pigilan ko siya. Wala siya sa tamang pag-iisip, alam ko na susugurin niya si Arthur pero hindi pa ito ang tamang oras. Kung totoo nga ang hinala ko na pinapatay ni Arthur si Katherine pero bakit? Anong dahilan? Hindi naman si Jessi ang pakana nito hindi ba?

"Ano!?" galit niya sigaw. Agad akong napatingin sa mga tap sa loob kung may nakarinig ba sa sigaw niya pero nakahinga ako ng maluwag at di nila narinig at walang nakakita sa itsura niya ngayong patuloy parin ang pag-agos ng luha niya "Sorry," agad niyang pagbawi ngunit hindi ko nalang yun pinansin at kusa ko nang nilagay ang panyo sa mga kamay niya "Ayos lang. Mamaya ka na umiyak. Get yourself up. Kaya natin yan, Miss" iniwan ko agad siya dun at tuluyan ng pumunta sa maraming tao. Umupo ako sa lamesa kung saan nakalagay ang secretaries. Marami kami dun pero hindi na ako nag-abala pang pumansin ng iba. Ang mga mata ko ay nakatuon lamang ngayon kay Katerina na umaakyat sa stage



Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong gabi na ito na para bang may nakamasid sa paligid. Naramdaman ko na ito noon, nung araw na sumabog ang kotse ko.


Katerina's POV,

"Ayos ka lang po ba?"


"Para akong natauhan bigla sa ginawa mo. May plano ka ba talagang mamatay?"



Napangiti sa sinabi niya "Noong una, oo, pero this time I realize gusto ko pa palang mabuhay." bahagya akong napatingin kay Rye dahil bigla siyang nanahimik "Sorry," bigla kong sabi na agad niyang ikinalingon sa akin "Sorry for suspecting you that you're one of those people who wants us dead"




"Can you drop the honorofics? Hindi bagay sayo at mas gusto ko yung parang mas matanda ka sa akin magsalita" natatawa niyang sabi. Agad akong napangiti sa naalala. Kung titignan talagang hindi mo talaga aakalain na si Grace at Rye ay iisa dahil ngayon habang kasama ko siya sa loob ng kotse at katabi ibang awra ang dala niya. Ito pala ang sinasabi nilang totoong Rye. Wala na siyang glasses na suot-suot, wala narin siyang bangs, nakalugay naman yung hair niya pero mas maganda na syang tignan ngayon. Para siyang bida dun sa So Close na namatay.


"Bakit hindi mo masabi-sabi sa akin na ikaw pala si Rye?" Ilang minuto siyang tahimik kaya napatingin na ako sa kaniya


"It's better in that way," maikli niyang sagot. Naintindihan ko ang punto niya at siguro tama narin ang desisyon niya na unti-untiin ako kiysa maderitso at baka mas maguluhan pa ako sa mga nangyayari. Ngayon dalawa nalang ang kailangan kong matapos.
"I'll drop you somewhere. May pupuntahan ako" sabi ko nang pakiramdam kong malayo-layo na kami sa kung saan kami galing nang agad kong napapreno ang kotse ko ng biglang may humarang na itim na SUV sa harapan. Kumunot bigla ang noo ko at tumingin dun sa sasakyan na yun.




Lie and Kill (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon