Special Chapter I

3 0 0
                                    

Rye's POV,

Nakikita ko mula dito ang mga taong abala sa kanilang kaniya-kaniyang gawain. Mga taong nagmamadali, mga sasakyan na hindi makaabante dahil sa traffic, mga taong nasa gilid-gilid at nag-aabang ng malilimosan. Napakaraming tao sa mundo at iba't-iba ang nararanasan at hinaharap araw-araw pero ito kami ngayon gusto naming sumuko na hindi namin iniisip kong gaano naghihirap ang ibang tao para mabuhay sa araw-araw habang kami nasa amin na ang lahat pero kailangan lang namin ay determinasyon na mabuhay at lumaban



"Anong ginagawa mo dito mag-isa?" naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang sumulpot ang lalaking matagal ko ng kaibigan at ang dahilan nang pagsisimula nang gulo "Kumusta na?"


Napangiti ako at napapikit ako nang bahagya dahil sa hangin, "Nahanap mo ako. Bakit? Ano na namang kailangan mo?"




"Nag-aalala lang ako baka isang araw maisipan mong tumalon dito,"



Tumawa naman ako "Ilang beses ko bang natakasan si kamatayan, Harold?" napailing ako at tinignan siya "Hindi na ako ulit lalapit sa kaniya. Ikaw, kumusta ka?"



Bumuga siya nang hininga bago pinagkrus ang mga braso niya "Nailibing ko na siya nang maayos at naging maganda din ang takbo nang negosyo namin. Baka gusto mong mag-invest, magandang ideya yun,"



Napangiti ako at ibinalik ang tingin ko sa harapan namin. Nasa rooftop kami nang condominium ko kung san ako namamalagi, pang-limang buwan na ata ako ngayon dito pero nakapag decide akong umalis sa lugar na ito at tumira sa isang lugar malayo dito at yung bahay ko malapit sa dagat. Yung pwedi akong maligo kung gusto ko, pwedi akong mag jogging kada umaga sa daan na kung saan ligtas ako, yung nalalakad lang ang palengke at lulutuan ko nang fresh na isda ang sarili ko. Gusto kong makalimot sa lahat nang sakit na idinulot nang lugar na ito. Gusto kong makita ang masayang ako





"Sa tingin mo kung hindi ipinanganak si Katerina matatapos kaya ang lahat ng ito? O baka sa oras na ito nailibing na tayo sa ilalim ng lupa na walang pangalan at hindi nabibigyan nang hustisya,"



"Yan ang tanong na ang hirap sagutin, rye." napatango naman ako sa sinabi niya "Sorry for being coward. Hindi ko kayo naipaglaban at naging duwag ako kasi natatakot ako na baka maging worst ang lahat,"


"Mali ka. Lahat nang ito may dahilan at kung nakialam ka siguro magulo ang kahihinatnan. Harold, gusto kong makita mo ang saya diyan sa puso mo. Wag ka nang lumingon sa nakaraan kasi sa oras na umalis ako dito sa kinatatayuan ko hindi ko na hahayaang magkrus pa ang landas natin," nilingon ko siya at hinawakan ang braso niya "Kalimutan na natin ang lahat. Just like how she wants to buried everything behind and leave peacefully, dapat ganun din tayo... Harold, si katherine mahal ka talaga 'non nasa wrong timing lang kayo tsaka si Katerina masaya siya at nakilala ka niya kaya sana purong saya ang itanim mo diyan sa puso mo,"




Bigla siyang yumuko at suminghot. Binitawan ko siya at madaling umalis sa harapan niya. Naririnig ko ang paghagulgol niya, sa pagsara ko nang pintuan sa palabas sa rooftop ay ang pagtulo rin ng luha ko


Maraming salamat sa lahat, kaibigan ko.











Sophie's POV,



"Bagong pagawa 'to?" tanong ko kay Freya tsaka naman siya tumango at may ipinakita pang ibang lay-out nang mga larawan nang mga aspirant models "Do you think he will likes it?"


"Hmm..." nag-iisip na freya "50/50?"


Napataas naman ang dalawa kong kilay para sa pagsang-ayon "Sa tingin ko rin. Sya sige ihanda na yan at ipapakita ko yan sa kaniya pagbalik niya,"



"Kumusta na pala si Ate Rye?" napatingin ako sa kasamahan naming si Dave nang magtanong siya nun


"I don't know. Maybe she has a plan but for now bigyan muna natin siya ng space baka kailangan niya lang nang mahabang pahinga sa lahat nang nangyari" mahaba kong paliwanag. Pati naman kasi ako hindi alam kong ano nga ba ang nasa isip ni Ate Rye. She's a clever and very strategic person. It's all thanks to freya that rye survived the planned accident then but the trauma she's been through all those years I know how it damaged her souls


Babalik na sana ako sa lamesa ko nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking dahilan nang pagkawala namin sa isang ahas

Ngumiti ito at kumaway sa akin, "Hi" napangiti naman ako nang mapabisita siya ulit





~

"Napadaan ka ata dito sa opisina namin?" agad kong tanong nang makaupo na kami sa sofa sa loob nang Guests Room


"The last time I'm here sobrang dim nang kulay dito pero ngayon purong puti na para bang masisilaw ka na. Tsk" tumitingin pa siya sa bawat sulok nang kwarto habang nakangiti. Napangiti naman ako at napailing



"Ano ba kailangan mo? May ipapatrabaho ka ba? Well, hindi pa naman ako retired sa computer literacy kaya——"


"Opisina na ba 'to ngayon hindi na pala hideout kaya tigilan mo na yang panghahack mo,"


Napahawak naman ako sa dibdib ko at umaarteng nagulat "Nag-aakusa ka ba na walang ebidensya? Hoy, Mr. Nathan na mahal padin si Katerina malinis na kami ngayon kaya tumahimik ka"



Tumawa naman siya sa sinabi ko kaya tumawa narin ako


"Ehem" huminto kami sa kakatawa nang biglang may tumikhim at nakita namin ang ulo ni Hilda nakadungaw sa pintuan nang kwarto "Sorry pero ano po gusto nang bisita? Tubig, juice, coffee, soda? Tsaka pakisabi po ng flavor"



"Tubig, hilda. Bigyan mo siya nang tubig lang hindi siya espesyal na bisita atsaka tagal-tagalan mo may pag-uusapan kami. Kumatok bago pumasok,"


"Opo ate" tsaka din naman niya sinarado ang pintuan. Si hilda ang pinakabatang kasama namin dito. Hindi namin siya kasama sa organization noon, purong inosente ang bata na yun nang biglang pumasok at humingi nang trabaho. Mahina namang tumawa si Nathan at napailing

"Di ka nakabihis pulis ngayon ah napaka monday na monday e. May problema ba?" balik ko sa usapan



"Nag resign ako,"



"Whoa! Bakit? Sayang naman"



"May iba akong plano."




Tumango naman ako at napatingin sa picture namin ni Katerina na nasa malaking glass cabinet "Do you miss her?"




"Araw-araw kong iniisip ang kaibigan mo, sophie" tumayo siya at nilapitan ang nakalinya naming mga pictures nina Freya na kasama si Katerina "Gusto ko siyang mahawakan ulit at itanong ang mga bagay na hindi ko man lang naitanong sa kaniya"



Tumayo ako at lumapit din kung san siya nakatayo "Bakit hindi mo gawin?"




"Kaya nga ako nagresign kasi pupuntahan ko siya. Hindi ko na kayang patagalin pa kasi alam kong hindi narin naman siya babalik dito,"




Napangiti ako at inakbayan siya "Salamat at hindi mo kami isinuplong sa mga kasamahan mong pulis,"


"Syempre. Nangako kayong magbabago na kayo 'e at you did keep your promise"



"Kapag naging maganda ang resulta nang plano mo ay tawagan mo kami at lilipad kami"



"Wala parin kaya siyang ibang minamahal ngayon?"


"Sus, ikaw pa. Wag kang mag-alala ikaw lang hinihintay 'nun kahit hindi yun nagsasabi" tinapik ko ang balikat niya "Mag-iingat ka sa byahe mo pa-California. Send my regards to my katerina"


"Thank you, sophie."


Nakarinig kami nang tatlong katok at bumukas ang pintuan at pumasok si Hilda dala ang isang basong tubig. Nagkatinginan kami ni Nathan at tumawa. Isang basong tubig lang ang tagal niyang bumalik, masunurin talaga tong batang 'to

Lie and Kill (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon