Chapter XX: FINALE

6 0 0
                                    

Katerina's POV,

Nakatingin ako sa labas ng malaking pintuan papasok sa loob ng factory, alam ko sa oras na pumasok ako dito ay panganib ang haharapin ko.

Hinay-hinay kong binuksan ang pintuan at nang makapasok ay apat na lalaki agad ang napatingin sa akin at nagkatinginan sa isa't-isa na para bang nag-uusap kung anong gagawin


Agad sumigaw ang isa na nagbibigay alerto sa iba pang kasamahan sa loob nito bago silang apat sabay-sabay na sumugod sa akin. Agad kong hinuli ang kamao nang isa at sinipa ang pangalawa sa mukha. Kita ko pa ang pagdugo ng ilong niya ngunit hindi ko na pinansin yun at inikot ang braso ng isang hawak ko patalikod tsaka ako umupo para maiwasan ko ang pagsapol ng baseball bat na hawak ng pangatlo tsaka ko binitawan ang hawak kong isa at sinuntok sa tiyan ang pangatlo tsaka ito binatukan dahilan nang pagkawala niya ng malay habang namimilipit parin sa sakit ang unang lalaking binalian ko ay napatingin ako sa pang-apat na papalapit na. Mabilis kong kinuha ang baseball bat ng walang malay na lalaki nang balak sanang agawin ng ikatatlong lalaki na nagdudugo ang ilong nang maunahan ko siya "Matulog ka muna" tsaka dali ko siyang sinuntok sa sikmura at mabilis na hinampas sa tuhod ang pang-apat rinig ko ang butong nabali dahilan upang mapasigaw siya sa sakit


Tinignan ko ang unang apat na napatumba ko at napabuga nang hangin "Pinagod niyo ako, wala parin pala kayong silbi ting-aapat pa kayo. Tsk."  maglalakad na sana ako nang makakita ako ng baril na nakatutok sa akin at tatlong lalaki. Napakunot ang kilay ko nang mapagtanto kung sino ang nasa gitna nila, the motorcycle man. "Anong ginagawa mo?"



He smirked "Hawakan niyo na baka maunahan pa tayo,"



Galit akong nakatitig sa kaniya. Traydor.




"Wag ka nang lumaban, rye, wala ka parin namang mailalaban at mas ilalagay mo pa sa panganib ang mga kasamahan mo napaka loyal,"


"Traydor ka,"


"Pasensya na, sa may pera talaga ako kakampi kasi dun ako mabubuhay"



Agad akong hinawakan ng dalawang lalaki sa braso, magpupumiglas pa sana ako ng makarinig ako nang pagkasa ng baril. This guy!


"Bago ka pala mamatay ngayon may icoconfess ako sa 'yo. Gusto mo bang malaman? Napaka interesting neto," tsaka siya tumawa na para bang nang-iinis. Tinitigan ko lang siya "I kill him"


"I don't know what you are talking,"


"Yung hinostage mo galing dito, wala na, deads na po siya. Tinulak ko siya sa building tsaka sinunog. Kawawang lalaki nadamay pa at dahil yun sayo" agad nagkuyom ang kamao ko sa narinig. Hayop siya!



"Hindi kayo tao,"



"Huh? E ikaw tao ka ba? Sa pagkakaalam ko may pinatay kang tao 'nong araw na yon, mali ba ako?" nagpanggap pa siyang nag-iisip bago napasinghap "Dalhin niyo na yan"



Pwersahan akong hinila ng dalawang lalaki sa braso kaya tinignan ko sila ng masama ngunit hindi naman sila natinag. Naglakad kami at nakita ko ang lahat nang kasamahan ko sa hideout na nakapaligid sa loob ng pabrika. Dismaya akong napangiti sa nalaman, anrami palang traydor sa loob ng trabaho namin



"Whoa long time no see fake rye!" wait. The counter girl. "You will regret coming here,"




"Sinia" napatingin ako sa boses na iyon. Jessi. "Balik sa pwesto mo,"



Lie and Kill (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon