CHAPTER VI : TRUSTED FRIEND

7 0 0
                                    

Rye POV,

Pagkabukas nang pagkabukas ko ng pintuan nang kwarto ko ay agad akong tumalon pahiga sa kama nang nakadapa. Pumikit ako at nagpakawala nang malalim na hininga.

Pagkatapos nang usapan namin kanina nung dalawa. Agad akong umalis ng hideout at umuwi nang condo di naman kalayuan sa hideout. Actually, nalalakad lang siya. I call it a day routine yung paglalakad everyday.

Dahil sa galit ko nung first mission na nagawa ko ay hindi ako nagdalawang isip na i-down lahat nang pera para sa condo na ito. If they said that we deserved those money edi deserve palang iwaldas kahit saan.

Wow. I can't believe it. Ginagawa ko ang pagiging entertainer for almost a three years now. The second time I do it andun parin yung kaba at guilty dahil sa pagnanakaw namin ng pera pero habang tumatagal-tagal naiintindihan ko na kung bakit namin ito ginagawa.

Those bastards really deserve it. Kung nagnanakaw sila nang pera kahit ninuman babawiin din namin yun even in just little things matutulungan din namin ang mga taong naloko nila na bawiin ang perang yun. Na maramdaman din nila ang pait nang maloko.

Alam kong pinagkakatiwalaan na ako ng matandang yun. This is my big mission, so far. Iba 'to sa nakasanayan ko na may kasama. This mission is my own mission. Walang kahit sinuman ang nakakaalam except sa dalawang magkasintahan na yun.

Do you remember kung ano ang sinabi ni Jessi sa akin noon? Na kailangan kong balewalain ang personal feelings ko sa maraming bagay but I'm sorry to say. My heart is so soft until now siguro. Ewan ko, feeling ko lang kasi e ako padin 'to walang nagbabago.  Naghahabol padin nang hustisya para sa mama ko.

For three years, marami na akong naging kaibigan sa hideout. Siguro nga lahat na. Iba yung pakiramdam na may mga taong katulad ko na may pagsubok din sa buhay na kinakaharap. Naiintindihan namin ang isa't-isa.

Napakapa ako sa bulsa ng  pantalon ko nang biglang tumunog ito hudyat nang isang tawag.

I saw the name 'Sophie' into my screen. Sinagot ko din naman.

"Where are you? Do you call it a day na?" bungad niya sa akin. Napangisi naman ako at tumango na para bang nakikita niya ako "Ang saya naman ng life mo now wala ka nang ginagawa. Hmm nakakaselos talaga. Kailan ba ako makaexperience ng field mission?"

"Are you serious?"

"Syempre joke lang. Nasa computer lang ata ako nakadestiny e."

Tumawa naman ako sa sinabi niya. Ang rami pa niyang sinasabi sa akin kahit mga walang kwentang bagay ay pinag-uusapan namin. Not until, we end our call kasi tinawag na siya dun sa hideout.

Sophie is our master technician sa hideout. Siya lahat yung nag cocontrol at nakatingin sa mga on mission. May mga assistant din naman siya pero most of all gusto niya talaga na andun siya para maganda ang daloy ng isang misyon.

Sophie is one of my bestfriend there. I mean, I think she's the only one I can call a bestfriend.

Sa loob nang tatlong taon lagi ko siyang kasama. Well, aside na magkaharap lang ang condo namin ay talagang lagi talaga niyang sinasadya na sabayan ako sa lahat.

I think she has a right to know my mission. Nagtipa agad ako nang text message sa kaniya na mag papares kami sa paborito naming paresan, 7pm.

******

"Naku. hello, hija. Nakabalik ka ata dito sa paresan ko,"

Napangiti naman ako ni Aling Nita, "Long time no see po. Medjo busy lang po sa work."

Lie and Kill (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon