Chapter 11

151 8 9
                                    

Caged

-

"You just gave me a reason to choke you to death!"

Lesley immediately held my shoulder to stop me from attacking Ruby after she explained everything to the group. Her friends weren't surprised by it, instead, they just shake their heads. Marahil sanay na sila sa ganitong ugali ng bata.

Dati pa ba siyang ganito at ginagawa ang mga bagay na ito sa kahit kanino? Why are they tolerating this kind of behavior?

The girl in a red hood smiles apologetically at me and Lesley. She even bowed slightly, "I'm sorry, okay? I was just curious."

Napasinghap ako, "Curious your face-"

I wasn't able to finish my sentence when Lesley tightened her grip on me. Marahan parin 'yon. Hindi ako nasasaktan ngunit sapat na para pigilan ako.

"You gave her a wound just because of your curiosity?" Lesley asked her coldly. Mukha siyang galit talaga base sa tinig niya't malamig na aura, hindi ngalang ako sigurado.

Ruby glanced at my arm, pretending to be shocked of it.

"Hala, sorry. Hindi ko sinasadya."

Bumlanko ang mukha ko at binantaang susugurin siya ulit. Nagkagulo silang tatlo sabay atras niya mula sa akin. Nagpanggap pa siyang takot 'e halos magpatayan na nga kami kanina.

"Hindi sinasadya your ass!" Inis kong bulyaw sa kanya. Mahigpit parin ang pagkakakapit ni Lesley sa balikat ko't braso kaya hindi ko siya masugod sugod which is partly good and not. Baka mapatay ko itong batang 'to.

"Don't believe that kid! She was even smirking the whole battle!"

Miya, the moon elf, shook her head before walking towards Ruby and flicked the latter's forehead. The kid winced in pain while looking at the elf in disbelief.

"What was that for?"

"Malamang sa ginawa mo sa kanilang dalawa." Miya replied.

"Kinakampihan mo sila kaysa sa akin?" Umakto pa siyang tila sobrang nasasaktan, napangiwi ako.

"Oo, ikaw ang mali." Seryosong sagot ni Miya sa kanya na nagpatigil sa mundo niya. Nana chuckled because of it, maging ako ay hindi mapigilang matawa. Kumalma na din ang kaninang umaapoy kong katawan at kaluluwa.

"Kung hindi mo sila sinugot at sinaktan ay marahil hindi din kita pipitikin. I don't tolerate this, Ruby. Ilang beses ko na iyong nabanggit sa iyo. Magpasalamat ka na lamang dahil gabi na at nandito pa sila, kundi napagsabihan na kita't naparusahan."

Kawawang nilalang.

I say, deserve.

Napalingon ako kay Lesley nang alisin niya ang kanyang kamay sa balikat ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Hindi ko 'yon masyadong pinansin kanina dahil sa inis ko kay Ruby ngunit ngayon ay naramdaman ko na nang ito'y kanyang binawi. I don't know why my heart is acting like this again.

Bumaba ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay, nagtatanong kung bakit.

"Nothing." I whispered, enough for her to hear. She looked at me with her questioning eye, unconvinced but eventually nodded her head.

Bakit tila nanghihinayang akong inalis niya ang kanyang pagkakahawak sa akin?

Her hand was soft. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin ngunit marahan din 'yon, naniniguradong hindi ako masasaktan.

Ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa aking harapan, pinanood ang pagbabangayan ng tatlo. Nagkunwaring nagtatampo si Ruby kay Miya habang si Nana naman ay inaasar siya. Wala namang balak manuyo ang isa, which is I find funny yet cute.

Captivated (GuinLey) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon