Chapter 14

108 6 1
                                    

Azure Lake

-

Four days.

Four days and night na kaming naglalakad sa gitna ng gubat, nakipaglaban sa mga makapangyarihang estranghero, at tinulungan sila sa kanilang pakay- ang palayain ang mga kaibigan nila.

Apat na araw na rin akong pagod at kulang sa tulog. Nagsisimula na akong mapatanong sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko.

But what's important is that, hindi lang ako ang napapatanong.

Ibinalik ko sa paligid ang aking atensiyon at pansamantalang nagmasid-masid. Sakay kami ni Avys ngayon at pinapasok ang teritoryo ng Azure Lake. Malawak pala talaga ang lugar at tunay na kahanga-hanga gaya ng mga naririnig kong usap-usapan sa campus at sa Castle Gorge. 

Gabi na ngunit makikita parin talaga ang ganda ng kapaligiran, may ilan pang kumikinang sa dilim dahil narin sa tulong ng fireflies. Puro vines at mga halaman na ngayon ko lang nakita ang mga nandito. May mga hayop din akong namataan na nagtatago sa ilang mga bulaklak. Ang ikinatatakot ko lang ay kung baka may mga wild animals na biglang susulpot sa harapan namin o 'di kaya ay hahabulin kami.

Nagpatuloy ako sa pagtitingin tingin sa mga halamang nadadaanan namin nang may maalalang isang bagay.

"Nakapunta ka na ba rito dati?" Mahinang tanong ko sa kanya. Mukha kasing pamilyar na siya, hindi tulad ko na manghang mangha pa sa mga nakikita ko.

Sumulyap siya sa akin sandali bago bumuntong hininga.

"Oo." Tipid na saad niya.

Nagpasya nalang akong tumahimik dahil mukhang ayaw niya muna ng kausap. Naiintindihan ko naman yon dahil ganoon na siya noon pa. Unti-unti ko na rin siyang nakikilala dahil sa katarantaduhan kong 'to.

Hindi ko maiwasang macurious kung ano ang iniisip niya sa buong paglalakbay na ginagawa namin. I know she's thinking I'm stupid.

Hindi ko nga lang alam kung tama ba siya o mali.

Maya-maya pa'y tumigil kami sa harap ng isang 'di pamilyar at kakaibang puno. It looks dazzling and enchanted, tila nababalot ito ng mahika pero wala akong maramdaman na nakapalibot dito.

She told me to get down at sumunod din naman siya sa akin sa pagbaba. Hawak-hawak si Avys ay pinagmasdan niya ang ito at hinaplos, pinanood ko lang siya sa ginagawa niya.

Sinuri ko 'yon. It was not just an ordinary tree base sa appearance nito. Kayumanggi nga ngunit parang ginto kung tignan sa malayo dahil sa bahagya nitong pagkinang. May mga bato rin na randomly nakadikit sa kabuuan nito na isa ring dahilan ng bahagya kong pagkasilaw kanina. Nilapitan ko ang mga 'yon at hawakan, totoong crystals nga ang mga ito. Napako ang tingin ko sa mga dahon nitong kumikinang sa pagka-dilaw, parang araw na nga pero hindi gaanong nakasisilaw, ang ganda tignan.

"Tara." Ani Lesley at naglakad tungo sa daan pakanan. Tinignan kong muli ang puno bago tuluyang sumunod sa kasama ko.

"Ngayon ko lang 'yon nakita." Banggit ko nang makalayo na kami. "What color did you see?" 

"Orange." Tumango ako kahit hindi naman niya ako binabalingan ng tingin.

I was right, it was just an illusion. Puno nga ito ngunit wala itong permanenteng kulay. Parang sinasalamin nito ang kulay na mayroon ang isang tao sa oras  na titigan mo ito. Nung una ay yellow ang nakita kong mga dahon ngunit nang tignan ko ulit ay biglang naging purple. Akala ko nga'y namalikmata lang ako sa nakita ko ngunit dahil sa sinagot ni Lesley ay nakurpirma kong tama ang hula ko.

Pinaglaruan ko nalang ang charm ko sa aking kamay habang iniisip kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay na 'yon. Naglabas ako ng maliit ng ball of magic tapos pina-bounce bounce ko sa palad ko. Ganito ang madalas na ginagawa ko pag nab-bored ako sa mga bagay-bagay o 'di kaya pag stress.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Captivated (GuinLey) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon