Chapter 2

294 13 7
                                    

Hesitation

-

Senior A-1 Magic

Under the advisory of
Professor Eudora

"Are you guys sure na dito tayo pupunta?"

Lumingon ako kay Kagura nang magsalita ito. Bakas ang pangamba at pag-aalinlangan sa boses at mukha niya habang diretsong nakatingin sa pinto ng silid at sa nakasulat doon.

"I don't know, sumusunod lang ako sa inyo." Bea said shrugging.

"Me too." Sagot din ni Lunox.

Bumuntong-hininga ako at hinarap silang apat— it includes Bene na kanina pang tahimik. Nakasunod lang kasi sila sa akin at puro pa reklamo on our way here.

Syempre familiar sa kanila ang lugar dahil classroom namin 'to nina Kagura at Lunox... maging ni Vale.

"I'm going to give these to her." Saad ko, pertaining to Prof. Eudora, at pinakita ang hawak kong mga quiz papers. Natapos na kasi iyon lahat ni Vale at ibinigay sa akin kanina.

Sa office dapat ako ni ma'am pupunta pero wala daw siya doon, dalawang lugar lang naman ang pinupuntahan niya palagi. If she's not here, she's at the office naman.

"And isa pa.. wala tayong magagalaang iba dahil hindi kami makakalabas dito sa school unless weekends."

Sumama naman ang mukha nilang lahat dahil sa sinabi ko. Halata ang pagkabagot sa mukha ni Kagura at Lunox sapagkat ngayon ang pang-apat na araw na nakakulong lang kami dito sa Academy. Dorm and school... yan lang ang pwede naming puntahan sa weekdays.

Beatrix and Benedetta aren't studying magic kaya wala silang problema. They're free to come here anytime and kahit kailan lang din aalis. Nakikitulog pa nga sila dito minsan pag trip nila, usually sa dorm ko or kay Lunox. Ayaw nila sa dorm ni Kagura dahil maingay siya pag may kasama sa kwarto.

That pink-haired friend of mine is studying as a scholar in Eruditio. She's smart when it comes to science, possesses an astonishing talent for inventions and technology. Katulad ko, sa Castle Gorge din siya nakatira kaya gusto ni Benedetta na pumunta doon.

I gently knocked on the door of the room, patiently waiting for Professor's permission para makapasok na ako.

"Come in." Her voice full of authority spoke, kinabahan na naman akong muli.

Napalingon ako kay Kagura, asking her to come with me pero agad din siyang umiling.

"Ayoko! Natatakot ako," desididong tanggi niya.

I smiled at her teasingly pero nababakas din doon ang pangamba, "Sabi nga nila diba 'face your fears'."

"Sayo lang gumagana yung phrase na 'yon!"

Pabiro siyang tinulak ni Bea at Lunox pero nagmamatigas talaga siya. Natawa ako, mukha siyang batang takot lumapit sa aso.

"Magkakamatayan man tayong apat pero ayoko talaga!"

I rolled my eyes.

"Coward mo, Kag." Bea teases her, "Bilisan mo na Guin, sa dorm nalang tayo ni Lunox."

I nodded at her and dahan-dahang pinihit ang doorknob para makapasok na. Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng silid at agad din naman siyang nahagip ng mga ito.

She is wearing her usual blue professor outfit. Napunta ang tingin ko to her top's light blue fitted blazer covering her shoulders but not totally her chest. Prente lang siyang nakaupo sa teacher's table at seryosong nakatingin sa papel na nasa harap niya. Pinigilan kong mapatingin sa dibdib nito nang tuluyan akong makalapit, hindi naman iyong gaanong revealed pero kita padin kasi ang cleavage niya.

Captivated (GuinLey) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon