Was it... fear?
_"How do I start?"
Minutes passed and we can't still figure out how to break the cage. I haven't started yet since I might worsen the enchantment- if it is, kung hindi kami mag-iingat. Alarma naman si Irithel sa mga gagawin bamin at nakabantay lang si Miya sa gilid. Hindi pa rin bumabalik ang mga bata mula nung magwalk out si Ruby kani-kanina lang.
"How did you got here in the first place?" Naiinip nang tanong ko sa babaeng elf. She scratched her head and sighed.
"I don't even know. We were just walking as a group and nasa unahan ako ng paglalakad, kami ni Leo. And boom, we stepped on a trigger and this... the final product."
Hinawakan kong muli ang kulungan at sinuri. Simple lang 'yon na bakal pero dahil sa tila may mahika na nakabalot dito ay hindi siya basta bastang masisira. Lesley tried to shot it with her sniper kanina, wala ding epekto.
Sayang dahil hindi ko dala ang libro ko sa enchantments. Professor Eudora told me na hindi mararamdaman ang spell kaya hindi ko alam kung paano 'to sosolusyunan. I only brought my necessities and other things na feel ko magagamit ko, maging healing potion ko nga ay nakalimutan ko pa. Ahh! How stupid!
"Calm down." I heard Lesley whisper behind me. Ayan na naman ang amoy niyang masarap sa ilong. Tinanguan ko lang siya at huminga ng malalim.
Nang kumalma na ako sinubukan kong gamitin ang mahika ko sa cage. I casted my energy wave at pinatamaan 'yon. Agad na umiwas sina Irithel at yung smilodon niya mula sa pag-atake ko dahil nakakaramdam pa rin sila ng impact nito. "Sorry, nasaktan ko ba kayo?"
Umiling siya at nginitian ako, "We're fine." She assured that made me sigh in relief.
"Walang nangyari." Miya said as she scanned the cage after my attack. Nagsisimula na akong manlumo.
"Try it again." Lesley told me. I did what she said and sa pangalawang pagkakataon ay wala paring nagagawa 'yon sa kulungan. Walang gasgas o ano mang senyales na epektibo ang mahika ko. Napapikit ako sa inis.
I tried to do few disabling spells pero wala paring epekto. Nagsimula na kaming mangamba dahil doon. Takot na humawak si Irithel sa kamay ni Miya, the latter comforted her at tumingin sa akin nang nagmamakaawa. Dumating na rin sina Ruby at Nana na may dalang mga prutas. Nagtataka silang napatingin sa amin dahil hanggang ngayon ay hindi parin namin nailalabas sina Irithel at Leo.
"Kumain muna kayo." Miya handed us fruits at ganoon din ang ginawa niya kay Irithel. Umupo kami sandali sa ilalim ng puno kung saan may malalaking ugat para makapagpahinga at kumain. Miya didn't leave Irithel side at nag-usap lang sila for the meantime.
"Lesley." I called her and she hummed in response. I glanced at her, magkatabi lang naman kami pero wala sa akin ang tingin niya. She was watching the birds na nasa itaas ng kaharap naming puno, pinanood ko nalang din 'yon.
"Pretty." I mumbled. I felt her gaze beside me so I turned to face her.
Agad niyang iniwasan ang mga mata ko at ibinalik ang tingin doon sa mga ibon, "Yeah." She replied and smiled a bit.
I felt my face heated but I shrugged off the thoughts. Umupo ako ng maayos at tumingin doon.
"Napapatanong ka rin ba minsan kung tama ba ang mga ginagawa mo?" I asked her. Nakita ko kung paano siya natigilan at napalunok.
"Minsan." Tipid na aniya. Akala ko 'yon lang ang sasabihin niya but she continued, "There are things that I shouldn't be doing pero ginagawa ko. Or when I have goals to reach but I got tired in the process. Napapaisip ako kung tama ba ang desisyon kong habulin 'yon, o kung tama ba ang daang tinatahak ko para mahabol 'yon. I am walking through a path of uncertainty. So how would I know if it is right or worth it?"
BINABASA MO ANG
Captivated (GuinLey) [ON-HOLD]
FanficGuinevere, a well-known mage from a noble tier. People adore her for getting the title as the 'famous' charm user in the Land of Dawn. As she enjoyed the best of her life being the so-called princess of the Magic Academy, she unanticipatedly met he...