Chapter 11

652 69 31
                                    

ILang buwan pa ang lumipas hanggang ngayon wala padin maalala si andy sa nakaraan niya.Lagi parin sumasagi sa panaginip niya ang isang babae.Gumagawa siya ng mga bracelet ngayon galing sa mga kabibe at perlas. May isang bracelet siyang ginawa na puro perlas.

"lo maganda po ba?" pinakita niya ang ginawa niya sa kanyang lolo

"oo apo kanino mo ba ibibigay yan kay gayle ba?"

"hindi po lo kayo na po bahala kanino niyo ibigay pwede po sa mga suki niyo ginawan ko po si gayle ng isa"

"oh sige apo pano iwan ko muna kayo bantayan mo kapatid mo ah"

"sige lo ingat po"

****

"hulaan mo kung sino ako" tanong nito kay andy habang tinakpan ang mga mata nito gamit kamay niya

"hmm ang hirap naman hulaan kung sino" pabirong sagot nito sakanya

Natawa lang sila pareho sa kalokohan nila.

"anong ginagawa mo dito gayle"

"wala dinadalaw ka bakit ayaw mo ba"

"hindi naman "

"ano yan?" turo nito sa ginagawang bracelet ni andy

"ah eto para sayo ginawa ko, akina kamay mo"

"talaga ang ganda naman thank you" sabay yakap nito sakanya

"nagustuhan mo ba?"

"oo naman lagi koto isusuot" sabi nito habang nakatingin sa suot na bigay ni andy

"ah andy may gusto sana ako sabihin sayo"

"ano yon gayle?"

"ano kase....gusto kita andy....a-ano hindi ko sinasabi na gustuhin mo rin ako ah...s-sinabi ko lang kung ano---------"

hindi na pinatapos ni andy si gayle sa pagsasalita "gusto rin kita gayle" sabi nito sabay ngiti

"ta-talaga andy?"

tumango ito sakanya "oo gusto rin kita".

Sa sobrang tuwa niyakap ni gayle si andy."hindi mo alam gaano moko napasaya"

"matagal na kita gusto kaya lang alam kong mali yon dahil pareho tayong babae kaya masaya nako kahit magkaibigan lang ok na sakin" sabi ni andy

"wala naman masama kung maging tayo importante wala tayong inaapakang tao" ngiti nito sakanya

******

Naglalakad si andy ng mapansin niya ang isang babae na kumukuha ng pictures.Ilang minuto niya itong pinagmasdan nang mapansin niyang lilingon ito sakanya dali dali siyang nag-iwas ng tingin.

"hi babe kanina kapa ba?" tanong ni gayle sakanya

"ah hindi naman tapos kanaba?"

"yap tara na?"

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ulit ang babae.

"kamusta trabaho mo ?" tanong ni andy kay gayle

"ok naman di naman ganon kabusy.Alam mo ba may bagong turista na nagcheck in dito kanina grabe ang ganda niya parang artista lang."

"for sure mas maganda ka don babe "

"asus binola mo pa ko alam ko naman na sakin kalang nagagandahan kasi girlfriend moko" kunyaring tampo nito

"totoo naman maganda ka sa paningin ko "

REMEMBER TO LOVE ME (book 2 ng FIWASG)Where stories live. Discover now