Chapter 17

704 82 4
                                    


ANGEE'S POV

Magkasama kami ni gayle ngayon nandito kami sa mall.Gusto ko sanang kasama si ward kaso busy naman siya sa trabaho kaya si gayle nalang ginulo ko para samahan ako.Mula kasi nung dumating ako dito lagi lang ako sa bahay.

Pumasok kami sa arcade game para maglaro.Halos lahat ng laro tinry na namin.Pumasok din kami sa photo boot yung mga kuha samin matatawa kanalang talaga dahil wala kahit isa na matinong kuha.

Dahil nagsawa na kami sa kakalaro pumasok kami sa isang bilihan ng mga damit.Gusto ko sana bilhan si ward ng damit.

"Gayle tingin mo bagay ba to kay ward?"

"Oo maganda siya mukhang babagay sakanya yan"

"Sige itry mo nga dali"

"Bat ako di naman kami magkasize non"

"Dali na itry mo na ...oh pasok na dali"

Wala na siyang nagawa ilang minuto lang ay lumabas na ito.Napangiti ako dahil mas bumagay sakanya yung napili ko para kay ward.

"Bagay sayo ang ganda mo"

Dahil mas bagay kay gayle yung damit sakanya ko nalang ibibigay yon.Tsaka baka hindi rin magustuhan ni ward ibibigay ko siya kasi yung tipong mapili sa damit hindi basta basta mga sinusuot niya.

"Hmmm para sayo" sabi ko habang inaabot sakanya yung paperbag

"Sakin?diba kay ward mo bibigay yan"

"Nah sayo na iba nalang ibibili ko kay ward"

Nung una ayaw pa niyang tanggapin pero napilit ko din siyang kunin na.Nagpasalamat naman ito.

Dahil napagod kami kakalakad kumain muna kami sa tokyo tokyo.Nag order lang ako ng prawn tempura at honey chiken teriyaki.

Habang kumakain kami at nagkukwentuhan.Nakita ng mga mata ko si ward na may kasamang babae hindi familiar sakin yung babae.Ngayon ko lang siya nakita.Akala ko nasa trabaho siya bakit nandito siya sa mall anong ginagawa niya dito.

"Hoy angee sino ba yung tinitignan mo?"

"Ah para kasing si ward yung nakita ko kanina may kasama siyang babae"

"Baka isa sa mga kaibigan niyo"

"Hinde siya familiar sakin ngayon ko lang siya nakita"

"Gusto mo bang sundan natin?"

"Ah baka makita tayo wag nalang"

"Hindi naman tayo magpapakita eh"

Wala naman siguro masama kung susundan namin sila.Patago kaming sumunod sakanila.Pumasok sila sa may jewelry shop.Nakasilip lang kami hindi namin inaasahan na mapapatingin si ward dito kaya mabilis kami nagtago.Muntikan na yon.

Lumabas na sila ng shop sinundan pa namin kung saan sila pupunta.Pero sa kasamaang palad bigla nalang sila nawala sa paningin namin

"San na sila.nagpunta?" Tanong ko kay gayle

"Ang bagal mo kasi ayan nawala tuloy sila"

Babalik na sana kami nung pagharap namin nagulat kami pareho ni gayle dahil nasa harapan na namin sila.

"What are you doing here" tanong ni ward.Diba dapat ako nagtatanong sakanya ng ganon

"Ah a-ano nainip kasi kami sa bahay kaya gumala muna kami diba gayle"

"A-ah oo "

"Ikaw anong ginagawa mo dito diba dapat nasa work ka?"

"Bakit hindi mo sinabi sakin sa gusto mo pala gumala edi sana sinamahan kita" sabi niya ramdam kong mukhang galit ito sa tono palang ng pananalita niya

REMEMBER TO LOVE ME (book 2 ng FIWASG)Where stories live. Discover now