🌹LAST CHAPTER🌹

14 0 0
                                    









SUMANG-AYON si Eunice ngunit tumanggi naman si Alvin ngunit buo na ang desisyon niya mahal na mahal niya si Andrew lahat kaya niyang gawin para sa taong mahal niya.

Tumingin siya sa gawi ni Andrew na kanina pa gustong makawala sa pagkakatali nito tumingin din ito gawi niya at umiiling-iling sa kanya, alam niyang ayaw din ni Andrew na lumaban siya ngunit iyon lang ang paraan.

Pumagitna si Alice sa kanila at ganoon rin si Eunice. Pagkalapit ng pagkalapit ni Eunice ay sinipa agad ito ni Alice ng malakas sa tiyan. Namilipit ito sa sobrang sakit na natamo dahil hindi niya aakalin na malakas pala si Alice.

"Mag-i-ingat ka Eunice, magaling siya sa karate kaya nga ayaw kita payagan na makipaglaban ka sa kanya." sigaw ni Alvin kay Eunice. Napalingon si Eunice kay Alvin dahil sa sinabi nito tungkol kay Alice kaya nagkaroon ulit ng pagkakataon si Alice na sipain ulit si Eunice ngunit sa may binti naman nito, kaya bumagsak si Eunice sa lupa mabuti na lang at sa damuhan ang kanilang kinalalagyan.

Umiiyak si Aneth na nasa loob ng sasakyan gustuhin man niyang sumali at tulungan si Eunice ngunit 'di naman niya puwedeng pabayaan si Ara, na hinanghina na dahil sa sugat na natamo nito dahil sa pagbaril ni Alice dito. Sisipain na sana ulit ni Alice si Eunice ngunit tumalon si Eunice kaya hindi siya nasipa nito. Pagkatayo ni Eunice galing sa pagtalon ay sinuntok naman niya si Alice at nataman ito sa kaliwang panga, hindi niya iyon inaasahan kaya natumba si Alice. Kahit papaano ay may alam din naman siyang self depense dahil noong bata pa ay tinuturuan naman siya ng kanyang ama. Napikon si Alice dahil hindi niya aakalin na may alam din pala ito sa ganoon bagay.

Tumayo siya, ngunit binigyan siya ni Eunice ng isa pangsuntok ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya natumba dahil alam na niyang gagawin ulit ito ni Eunice. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay sisipain din pala siya ni Eunice gamit ang kaliwang paa, hindi niya na laman iyon dahil na kafocus siya sa suntok na binigay nito sa kanya. Tumama ang sipa ni Eunice sa kanyang binti, kaya natumba na naman siya, sa pagkakataon na iyong ay nahuli siya ni Eunice dinaganan siya nito sa kanyang dalawang binti para hindi siya makagalaw at sinuntok siya nito sa sikmura at mukha sanhi para dumugo ang ilong ni Alice. Pinagsusuntokin pa siya ni Eunice hanggang sa mapagod ito.

Tumayo si Eunice sa pagkakadagan niya kay Alice at lumingon siya kay Alvin na may pagaalala ngunit maliwanag na may ngiti sa labi.

Nagulat si Sean dahil nanalo si Eunice sa laban nina Alice. Kaya pinakawalan na nito si Andrew tinanggalan ng tali at busal saka itinulak kay Eunice, inalalayan naman nito si Eunice dahil medyo napuruhan ito ni Alice. Masayang masaya si Andrew nang mahawakan na niya si Eunice at sa wakas ay malaya na siya, ngunit nag-a-alala pa rin siya sa kasamahan niyang si Andria na nasa loob pa ng sasakayan nina Alice. Matapos niyang maipasa si Eunice kay Alvin ay lumingon siya sa gawi ni Sean na inaalalayan si Alice na walang malay.

"Paano naman si Andria kailangan din niyang lumaya sa kamay ni Alice." naghanap ako ng isang pagkakataon na ganito, para makalaya kay Alice.

"Balak sana namin patayin si Andria na isang inosenteng taong. Dahil mahal ko si Alice kaya ko nagagawa ang ganyang mga bagay. Pinamulat ninyo ako sa tunay na kahulugan ng dalawang taong wagas na nagmamahalan at kayo iyon ni Eunice, Andrew. Kaya mabuting nangyari na ito kay si Alice. Ito na ang oras para ako naman ang sundin ni Alice. Kaya sana pakiusap ko hayaan ninyong maging malaya si Alice at ipagkatiwala sa akin at ipinangako ko na tuluyan na niya kayong lulubayan upang maging malaya na kayo at sinisigurado kong hindi na kayo kailanman magugulo ni Alice." sabi naman ni Sean na may ngiti sa labi.

Tumayo si Alice dahil sa narinig na sinabi ni Sean, sa hindi inaasahan ay nakawala si Alice sa pagkakahawak ni Sean at inagaw ang nakasuksok na baril sa tagiliran ni Sean at itinutok sa kanila.

What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon