Two🌹

363 17 2
                                    

Dedicated to redsparrow05

Eunice Tailor on the top👆👆

Note: there will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your kind consideration and understanding.




ALVIN

Pumunta ulit ako sa kaibigan kong si Andrew upang magpalipas ng oras. Iniisip ko ang taong nasa bahay na iniwan ko, sinabi ko sa kanya na lalabas muna ako upang magpahangin.
Pinayagan namam niya ako at parang natuwa pa na aalis ako ang wierd talaga ng babaeng iyon. Iwan ko ba kung bakit minahal ko ang isang kagaya niyang babae.

Ngunit nagpasya akong bumalik sa bahay ni Andrew. Imbis na maglakad-lakad lang ay dumertso ako roon. Habang pabalik ako sa bahay ni Andrew ay naisip ko ang magandang babaeng nasa larawan na ipinakita sa akin ni Andrew kanina na Eunice na ang pangalan.

Napangiti ako ng maimagine ko ang nakangiti nitong mukha. Gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang pag ka-asar ko kay Ara.
Pagod na pagod na ako kay Ara, sa relasyon na meron kami. Pinapahiya niya ako sa mga kaibigan ko at minsan naman sa mataong lugar at minsan ay ipinagmamalaki niya ako sa iba na para bang isang trupeyo na napalanalunan niya sa isang paligsahan.

Kaya minsan iniinisip ko kung minahal ba talaga ako nito o kaya lang niya ako sinagot dahil sa yaman na meron ako.

Alam kong maganda siya, sexy lahat ng lalaki nahuhumaling sa kanya, ngunit may ugali siya na lahat ng bagay ay kaya niyang makuha at para bang napakaperpekto niyang babae.
Pero sawang-sawa na ako sa pagiging isip bata nito at pagiging spoiled brat.

Kailangan ko na siguro ng isang kasintahan na puwede kong ipagmalaki sa lahat. Isang perpektong babae at kuntinto na kong anong meron sa kung kaya ko lang ibigay.
Na maaari kong dalhin siya sa aking mundo na hindi ko iisiping ganito ang babaeng ito at malaya kong maipapagmalaki.
Walang iba kundi si Eunice iyon. Siya ay isang halimbawa nang isang perpektong tao, isang inosenti at panghouse material.

Ngunit ang aking kaibigan na si Andrew ay halatang tinamaan na dito, kaya hindi ito maari. Naka-igting ang aking panga habang iniisip ko kung paano mapapasaakin si Eunice Tailor.

Pag-dating ko sa bahay ni Andrew ay tahimik ang buong baha nito. Kaya nagpasya akong tingnan ito sa kanyang silid pagkarating doon ay agad kung binuksan ang pinto para lamang makita ko sina Andrew at Ara na magkalapit na sa isa't isa.

Alam kong niloloko ako ni Ara simula pa lang pero nagbulagbulagan ako, ngunit hindi ko naisip na si Andrew iyon. Nagpanggap akong wala lang sa akin ang nakita ko bago ako  pumasok sa silid nito at naglakad agad para abalahin ang dalawa. Naghintay ako sa sasabihin ni Andrew at ipaliwanag ang nakita ko kanina.































EUNICE

Masaya ako ng tumawag siya sa akin. Oo, naghihintay ako sa kanyang tawag at ngayon nga ay tumatawag na siya, kaya sobrang saya ko habang kinikilig pa.

Sinabi ko kay Aneth ang tungkol sa aking damdamin para sa bago kong nakilala na si Andrew. Kaya sinabi sa akin ni Aneth na; "Kabago-bago mo palang siyang nakilala, gusto mo na agad. Dapat kinikilala mo muna bago ka kiligin d'yan." nakaingos na utas nito.

"Marahil ay tama ka nga, ngunit madami naman diyan na pagkakita pa lang sa isang tao mahal na nila agad," sagot ko sa kanyang sinabi.

"Basta 'wag ka padalos-dalos sa damdamin mo. Kilalanin mo muna bago ka bumigay.” sabi  ulit nito na may nagbabalang tinig.

Pagkasabi niya iyon sa akin ay kinuha niya ang aking cellphone  at itinaas niya ito, palibhasa matangkad si Aneth na nasa 5'8 ang taas dahil may lahing Australiano kaya mas matangkad ito kaysa sa akin.

What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon