🌹SEVENTEEN 🌹

8 0 0
                                    





NAGALIT si Eunice kay Aneth nang makauwi na siya galing presinto. Sinubukan niyang kausapin si Eunice ngunit abala ito sa earphone niya.Nakarating na siya sa bahay ni Andrew gunit wala ito doon.

Inalis ni Aneth ang earphone sa kanyang mga tainga at pinaharap niya si Eunice sa kanya. "Ano nakita mo ba si Andrew? Wala 'di ba dahil kinidnap nga siya ni Alice, bakit ayaw mo nang paniwalaan sila Alvin. Sa tingin ko naman ay nagsasabi sila nang totoo, si Alice talaga ang masama dito, ginamit lang niya ang mga plano ni Alvin, para sa kanyang plano para makapaghigante kay Andrew." seryosong saad ni Aneth.

"Totoo ba talaga 'yan, baka kasi pag umasa tayo eh, part pa rin iyon ng dalawa?" tanong ni Eunice sa kaibigan na may pag-a-alinlangan. "

"Hindi naman ata magpapakulong si Alvin kong talagang may iba ulit silang plano, kung pumunta ka lang sa kanila kanina makikita mo sa mga mata nila na nagsisisi sila sa mga nagawa nila. Kaya sana maniwala ka na at kailan pa ako na nagkamali ng pagkilatis ng isang tao." pagbibiro ni Aneth sa kanya.

"Ngayon pa lang." nakangusong sagot naman ni Eunice.

"Tsk. Eunice im serious nasa panganib si Andrew na kay Alice siya kagabi pa daw siya nawawala. Kaya nagpasiya si Alvin nasabihin sa iyo, para tulungan kang iligtas si Andrew kay Alice, pero dapat bago 'yon paniwalaan mo muna sila!" si Aneth ulit. Kaya napabuntong hininga ng malalim si Eunice at saka tumango kay Aneth.







Kaya nang araw din iyong ay nagpasiya na si Eunice, napagbigyan ng pagkakataon na mapatunayan ni Alvin na totoong nagsisi na siya sa ginawa nito kay Andrew at sa kanya.
Ngayong ang araw ng pagliligtas kay Andrew. Kaya kinakabahan na na i-excite siyang makita at makausap si Andrew dahil miss na miss na niya ito.

Inutusan niya si Alvin na bilisan pa pagmamaneho nito. Nagmamaneho sila papunta sa bahay ngayon ni Alice. Kalahating oras lang ang tinagal nila sa pagbabiyahe at sa wakad ay nakarating na sila roon.

Nakita nila Alice at Sean na pasakay ng isang pulang Van kaya sinundan nila ito kung saan sila patungo nakatunog siguro sila napupuntahan namin sila kaya nagbalak silang tumakas.

Samantala napalingon si Alice sa paparating nasasakyan na kulay puti, alam niya kung kanino iyon. Kaya inutusan niyang sumakay ng mabilis si Sean, mabuti na lang at nauna na nilang isinakay sina Andrew at Andria.

"Makakatakas na sila, Alvin. Bilisan mo pa ang pagmamaneho, bilis!" natatarantang utos ni Eunice sa binata. Kaya para silang naghahabulan na parang nagkakarera sila ng sasakyan mabuti na lang at malapad ang kalsada na dinadaan nila.

Napalingon naman si Alice sa likod kung nasaan sila Eunice. Tumatawa ito at kumakaway pa sa kanila. Sabay sigaw nito ng malakas; Sige habulin n'yo kami, iligtas mo ang pinakamamahal mong si Andrew. Dadalhin ko kayo sa isang malungkot na lugar kung saan papatayin ko kayong lahat." anito, masaya siyang makita sina Alvin, Ara at lalong lalo na si Eunice. Silang lahat ang nakakaalam ng kanyang lihim na pagkatao kaya lahat sila ay hindi puwedeng mabuhay maliban kay Andrew.

Mahal niya ito kahit noon pa kaya ngayong makakuha na niya ito ay hindi na niya ito palalampasin pa. Pagkakataon na niyang mapasakanya ito kayabhindi na niya ito pakakawalan pa. Kung minahal lang niya ako noon pa 'di sana hindi na hahantong sa ganito ang lahat. Makasarili siya, kaya dapat sa kanya lang si Andrew.

Nagmamaneho pa rin si Sean at gan'on din sila Alvin wala sa kanila ang sumusuko hanggang sa makarating sila sa isang malawak na lupain kung saan tumigil ang kani-kanilang mga sasakyan.

"Ituloy mo lang ang pagmamaneho. Huwag kang hihinto." sinigawan niya si Sean dahil bigla na lang huminto ang kanilang mga sinasakyan, sinubukan nitong paandarin ang sasakyan ngunit hindi na ito gumagana pa. Malapit na sina Alvin kaya na abutan na sila ng mga ito.

Sinubukan ulit nila Alice na patakbuhin ang kanilang sasakyan ngunit hindi na nila ito mapatakbo.
Pagdating nina Eunice ay lumabas silang apat sa sasakyan.

"Lumabas ka na diyan Alice pakawalan mo na Andrew." sigaw ni Alvin kina Alice.

Mabilis na lumabas si Alice sa sasakyan na nakatutok ang baril sa kanilang apat kinatok nito ang pintuan sa backseat ng sasakyan nila at lumabas doon sina Andrew at Andria na nakagapos ang mga kamay habang may nakatutok na baril sa sintido ni Andrew na hawak ni Sean na kasamahan ni Alice.

"Subukan n'yong lumapit, kundi sabog ang bungo nitong pinakamamahal mong si Andrew." sigaw ni Alice na halos nasa 20 kilometro ang layo nito kina Alvin.

Lalapit sana si Alvin ngunit binaril ni Alice si Ara, sa may kaliwang balikat kaya hindi natuloy ang paglapit nito sa kanila kundi dinaluhan na lamang ni Alvin ang kasintahan upang pigilan ang pagdurugo ng sugat nito.

"Bakit mo ginawa ito?" galit na galit na sabi ni Alvin kay Alice.

"Para mag warning shot kung sakaling lumapit kayo sa amin, alam n'yo na ang kaya kong gawin kaya matakot na kayong sige lapit pa at isusunod ko iyang kaibigan mo Eunice."

Kaya napasigaw si Eunice dahil sa takot ng barilin nito si Ara. Wala na lang silang nagawa kaya hindi na sila nagtangka pang lumapit. Dahil wala naman silang dalang baril pero nakatawag na rin naman sila ng mga pulis at pasunod na ito sa kanila.

"Hakbang palapit pa at papatayin ko silang dalawa." babala ni Alice na itinutok ang baril patungo sa kanila.

"Ipasok mo si Ara, Aneth kami na muna bahala ni Eunice dito habang hindi pa dumarating ang mga pulis." si Alvin at pasempling pinapasok sina Aneth at Ara sa sasakyan. Habang inutusan naman ni Alice si Sean na ipasok si Andria na pumipiglas pa rin, kaya si Andrew na lang ang tinututukan ng baril ni Sean sa tagiliran. Balak niyang patayin ang lahat ng sagabal sa pagmamahalan nila ni Andrew, ngunit isang ideya ang sumagi sa kanyang isipan.

Hahamunin niya si Eunice sa isang labanan na walang kahit na anong armas. Para naman may trill ang kanilang sagupaan. Napangisi ng lihim si Alice. Tiyak na magiging masaya ang huling araw nila dito sa mundo.

"Ngayon makinig kayo, ibibigyan ko ang aking baril na hawak kay Sean. Ako at ikaw Eunice lang ang sentro nitong palabas na gagawin ko. Isang laban na walang kahit na anong hawak o armas kung matalo mo ako ay ma-i-u-uwi mo si Andrew at malaya na kayo sa akin. But pag ako ang nanalo sa laban natin papatayin ko kayong lahat at akin pa rin si Andrew. Ano game ka ba, magagawa mo ba ang lahat para manalo sa akin alang-alang sa pinakakamahal mo?" hamon ni Alice kay Eunice na nakatingin ng deritso dito at galit na nakatingin kay Eunice.

"Baliw ka na Alice, pero sige, alang-alang kay Andrew at sa kaligtasan namin ay papayag ako." Kinakabahang pag-sang-ayon niya sa baliw ng si Alice.



ITUTULOY

What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon