Note: there will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your kind consideration and understanding.
ANDREW
NAGBIHIS ako para pumunta sa
bahay ni Eunice. Maaaring nasa restawran siya ngayon ng kanyang ina. Pero hindi ako sigurado, kaya kinuha ko ang aking telepono upang alamin kong nasaan siya sa mga oras na ito.“Hello Pretty, where are you?” tanong ko sa kanya.
“Nasa restawran ako, abala ako dito, teka wait lang. . .! Pagpuputol nito sa sasabihin nito sa kanya dahil may tumawag dito boses lalaki iyon magsasalita pa sana ako ng nagpaalam na ito at binabaan ako ng telepono. Dahil sa pangyayari ay sumakay ako sa kotse, pupuntahan ko na lang si Eunice sa restawran nila.
Aftrer 25 minutes ay bumaba ako sa restawran, nakita ko ang isang tao na naglalaro kasama si Eunice sa paraang kinainis ko. Lalapitan ko na sana ito ng makita niya ako at tinawag niya ako upang ipakilala siguro ako sa kanyang bagong kasintahan siguro. Alam kong hindi gagawin ni Eunice na magpaligaw sa iba ngunit ang lalaki ay nakahawak sa kanyang baywang, pinilit kong lumapit ng mahinahaon kahit sa kaloob-looban ko ay nagseselos ako. Dumiretso ako sa kanya at niyakap ko siya, na tinugon naman niya. She turned to face the guy who was frowning already.
“Marlo, si Andrew pala siya ang aking manliligaw at siya naman si Marlo siya naman ay aking kababata,” pagpapakilala nito sa amin.
Nakahinga ako at masaya dahil sa mga sinabi niya na kaibigan lang pala niya ang lalaki kaya nakipagkamay ako kay Marlo ngunit seryoso lang ito.
Tumigil ito sa paglalaro at nakipagkamay rin sa akin. Nagpaalam muna ito saglit sa kanyang kababata at hinawakan niya ang aking mga kamay at dinala ako sa medyo malayo sa restawran nila.
“Andrew bakit napadalaw ka?” masayang tanong nito sa akin. Ngumiti rin ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi.
“I miss you. Na miss kita, kaya kita pinuntahan dito.” sabi ko.
“Huwag mong kalimutan na may utang ka sa akin na magpaliwanag!” Nakasimangot na paalala nito sa akin. Tungkol siguro ito kay Alice.
“Oo, na alala ko, may sinabi ba siya sa iyo tungkol sa akin?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
“Tulad ng ano?” balik tanong rin nito sa akin.
“May mga bagay na nais kong sabihin sa iyo, ngunit hindi pa sa ngayon. Saka ko na sa'yo ipapaliwanag ang tungkol sa amin ni Alice pagkatapos ng kaarawan ko,"“Ano? Bakit mo ako bibitinin sa suspense na iyan.” nakasimagot na tanong nito may kunting sakit din akong nakita sa kanyang mga mata kaya napabuntong hininga ako.
Hinila ko ang kanyang baywang palapit sa akin at nag salita.
“Eunice, kailangan mong magtiwala at maniwala sa akin, sasabihin ko ang tungkol sa nakaraan ko. Ito ay talagang hindi magandang nakaraan, ngunit maniwala ka sa akin. Sasabihin ko lahat-lahat sa'yo pero hindi pa ngayon. Magcecelebrate ako ng aking kaarawan sa darating na linggo at pagkatapos n'on ay sasabihin ko na sa'yo lahat.”
Huminga siya ng malalim bago nagsalita; Okay, maghihintay ako pagkatapos ng kaarawan mo, pangako mo iyan ah?” Ngumiti siya at niyakap ko siya pabalik.
“Maraming salamat!” sabi ko at nakahinga ng maluwag.
BUMISITA ulit ang daddy ni Eunice sa kanila nang araw ding iyon. Ipinakilala ni Eunice sa kanyang ama na si Mr. Eduardo Tailor si Andrew.
Malugod naman itong kinamayan ng daddy ni Eunice.Ipinaliwanag ni Mr. Tailor ang mga bagay sa kanyang asawa, kung paano hindi madali sa una. Kinumbinse ng daddy ni Eunice ang mommy nito para lamang pumayag na muli nilang ibalik ang dati nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Nagpatayo na ang kanyang ama nang sariling bahay sa Taguig at nais na nitong lumipat ang kanyang pamilya doon. Naghanda din ang ama nito ng isang malaking piging para sa kanyang asawa at kay Eunice kong sakaling tatanggapin nitong muli ito sa buhay nilang mag-ina.
Sa mahaba-mahabang pagsusuyo ng ama niya sa kanyang ina ay sa wakas ay nagpasiya na ito na makipagbalikan sa kanyang ama.
After twelve years nang paghihiwalay ng kanyang mga magulang ay sa wakas ay nadinig na ng Panginoon ang kanyang panalangin na sana mabuo na ang kanyang pamilya. Kahit ng magkaroon ang kanyang ama nang ibang pamilya pero ng mamatay sa isang aksindente ang pangalawang asawa nito ay nagbalak na itong makipag-ayos at makisama ulit ang kanyang ama sa kanyang ina. Ngunit tumanggi ito at naging magkaibigan na lang ang dalawa, ngunit sinubukan paring ligawan ng kanyang ama ang kanyang ina hanggang sa nagbunga na nga ang pagsusuyo nito sa dating asawa.
Sa araw ring iyon ay lilipat na sila sa bago nilang tirahan, kahit medyo malayo ang Taguig sa restaurant ng kanyang ina ay okay lang ang importante ay muling pagsasama-sama ang pamilya nilang matagal ng nawasak. Ipinagbigay-alam niya kay Aneth ang tungkol doon kaya labis din ang saya nang kanyang kaibigan. Pati ang tungkol sa darating na kaarawan ni Andrew ay sinabi niya dito.
At sinabi rin ni Eunice ang pagpupursige niyang malaman kung ano talaga ang totoong nangyari sa pagitan nina Andrew at Alice. i
Inaasahan niya na wala itong magiging malaking pinsala sa panliligaw nito sa kanya lalo na sa oras na sinagot na niya ang binata.Nanalangin rin si Eunice na sana hindi siya mahulog sa maling tao dahil malapit na niyang sagutin si Andrew ayaw niyang magkaroon ng problema ang pagiging opisyal na nilang magkasintahan kung saka-sakali.
BINABASA MO ANG
What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)
RomancePocketbook version feels in wattpad Title : What if I'm Loving YOU (Andrew+Eunice)story Genre: Romance Start Writen: October 05,2019 Finish Written: November 11,2019 Eunice Tailor, isang maganda at inosenteng babae, makakakuha nang atinsyon sa isa...