Nine🌹

76 6 0
                                    




Nagbihis ng pormal na damit sina Aneth at Eunice dahil ngayon ang kaarawan ni Andrew.

“Okay lang ba akong ganito?” Tanong niya si Aneth matapos tingnan ang sarili mula sa vanity mirror na nakasabit sa dingding ng kanyang silid-tulugan.

Ngumiti si Aneth kay Eunice at sinagot ang tanong nito sa kanya.

“Ikaw ang pinakamagandang kaibaigan na nakilala ko. Ang iyong kagandahan ay hindi lamang ipinapakita sa iyong mukha ngunit ipinapakita rin ito sa iyong katauhan at alam kong halos perpekto ka na.” Sabi ni Aneth kay Eunice na namumula na ngayon. Having Aneth as a friend, she makes her feel like she is luckily best friends of her friends.

Naputol ang kanyang pag-iisip ng muling magsalita si Aneth, “Makakasira kaya sa relasyon n'yo ni Andrew, kapag sinagot mo na siya at maging opisyal na ang relasyon n'yong dalawa kapag sumama ka na sa daddy mo?” Tanong ni Aneth kay Eunice.

Huminga naman nang husto ito at napaisip bago sinagot ang tanong ng kaibigan niya. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko tungkol doon, saka ko na siguro iisipin 'yon at ayaw ko munang pag-usapan namin ito ni Andrew sa kaarawan niya. Siguro pagkatapos ng gabing ito sa susunod na mga araw ay pag-u-usapan namin ito ng maayos.” Pilit na ngiting saad nito.

Para gumaan ang kalooban ni Eunice ay pinayuhan na lang niya ito. “Ang pagiging masaya mo ay nasa iyong desisyon, sapat na ang iyong edad upang pumili ka ng karapat dapat na lalaki para sa iyong sarili. At tungkol naman sa inyong relasyon ay ang tiwala ang pinakamalakas na mamagitan sa inyo upang tumagal ang pagsasama n'yo, Kung pinagkakatiwalaan mo rin si Andrew nang maayos at pinagkakatiwalaan ka din niya. Ay walang malayong distansya na maaaring humadlang. Dahil kayong dalawa ay magkikita pa naman ngunit hindi na madalas tulad ng dati. Kaya 'wag na 'wag n'yo iwawala ang tiwala sa isa't isa at tiyak na magtatagal kayong dalawa.” mahabang saad ni Aneth sa kaibigan.

“Hindi lahat ito tungkol sa akin, ang tanong si Andrew kaya ay kakayanin na magkalayo kami, kahit isang araw nga lang ako mawala tumatawag na agad para lang sabihin niyang miss na miss na niya ako kahit nagkita palang kami ng hapon. Ako kaya ko na malayi kami,” sabi niya sa kaibigan.

Natawa din si Aneth, dahil tama naman ito ng tinuran.

“Oo nga naman, kaya 'wag ka nang magalinlangan sa kalalabasan ng inyong relasyon.” si Aneth habang nakangiti kay Eunice.

Ngumiti rin si Eunice at hinawakan ang mga kamay ng kaibigan. “Kaibigan ka talagang tunay, Aneth, kaya mahal kita, e.” at pareho silang yumakap sa isa't isa. Tumunog ang telepono nito dahil tumawag ang mama ni Aneth. Kaya nag excuse muna ito kay Eunice at sinagot ang tawag ng mama nito.

“Hello, mama, kumusta ka?” masiglang tanong ni Aneth sa mama niya.

“Okay lang ako, anak. Ikaw?“ mama ni Aneth.

“Okay lang din ako mama, bakit po kayo napatawag?” si Aneth.

“Nasaan ka anak?” tanong ng mama ni Aneth sa kanya.

“Nandito po ako sa bahay ni Eunice, naghahanda kami dahil pupunta kami nang kaarawan ng manliligaw ni Eunice.”

“Sino ang magdiriwang ng kaarawan?” tanong ng mama ni Aneth.

"Isang manliligaw ni Eunice, Ma, si Andrew Harisson.”

“A, okay anak, pero pasensya kana, ngunit kailangan ko ng tulong mo. Kailangan mo nang magmadali. Nilalagnat kasi ako walang bantay ang mga kapatid mo hindi pa sila nakakain.” hinging paumanhin nito.

“Ngunit Mama, nagpapasama si Eunice sa akin at naka, Oo na ako. Nandyan naman si Anne para tulungan ka,” si Aneth.

“Pakiusap anak, kailangan ka ng mama mo, Please! Wala ang kapatid mo umalis naman na walang paalam.”  nagsusumamong saad nito kay Aneth.

“Pero mama, hindi ako puwedeng mag back-out, naka-Oo na ako kay Eunice.” naiirita nang saad ni Aneth sa kanyang ina dahil sa kakulitan nito.

Kaya naki-usap na si Eunice kay Aneth na puntahan at tulungan na lamang ang ina nito. At pagkatapos ay sumunod na lang si Aneth sa kaarawan ni Andrew, para payagan siya ay ipinadala niya ang regalo niya kay Andrew kaya pumayag na rin si Aneth. Madami rin kasi sila magkakapatid kaya 'di magkandaugaga ang nanay nito sa pag aalaga sa mga kapatid nito, lalo na ngayong may sakit ang nanay nito.
















































Sa bahay naman ni Andrew abala sina Andrew, Ara at Alvin sa paglalagay ng mga palamuti sa bahay nang kaibigan. Dahil dito na lang nila gaganapin ang selebrasyon ng kaarawan ni Andrew.

“Andrew, paano mo inanyayahan si Alice sa iyong kaarawan upang ipakita sa kanya na pinatawad mo siya, dahil baka natatakot siya sa iyo?” sabi ni Alvin.

"Pinadalhan ko na lang siya ng mensahi sa kanyang account sa facebook,” casual na sagot lang ni Andrew dito.

“Ano baka hindi niya mabasa agad iyon itinext mo na lang siya para sigurado,” saad ni Alvin.

“Sige na nga,” pagsang-ayon nito sa kaibigan.

"SORRY ALICE, IT CAME TO LATE, BUT I INVITE YOU TO COME TO MY BIRTHDAY PARTY. NGANONG ARAW IYON, SANA MAKAPUNTA KA DAHIL PINAPATAWAD NA KITA. SI ANDREW ITO. SALAMAT.” Tinext na niya si Alice sana bigyan niya ng pansin iyon.

Pagkalipas ng dalawang oras ay natapos din ang kanilang pagpeprepare ng bahay nakalatag na rin ang mga pagkain at inumin sa isang mahabang mesa, pinacater na lang nila ang mga pagkain. Madami dami na rin siyang bisitang dumarating kaya kahit na iinip si Andrew kakahintay niya kay Eunice, kahit papaano ay nag i-enjoy naman siya.

Tumunog ang doorbell ng gate, dahil nagpeprepaire si Andrew ay si Ara ang buksan ang pintuan na umaasang ito ay si Alice ngunit sa kasamaang palad ay si Eunice pala iyon. Isang pekeng ngiti ang isinalubong niya rito at binati, iniumang nito ang kamay kay Eunice at nakipagkamay.

Hindi pa niya nakita si Eunice, kaya nabigla siya at na mangha sa babae, hindi man aminin ni Ara, ay nagagandahan siya kay Eunice para itong isang manikang buhay, kaya pala kinahuhumalingan ito ni Andrew.

Pinapasok niya ang babae matapos niyang makilala ito. Tuwang tuwa naman si Andrew ng makita niya si Eunice. Hinagod ng tingin ni Andrew si Eunice at hinawakan nito ang baywang  at ipinakilala siya sa ilang mga bisita na naroon.

Habang si Ara naman ay nanatiling nakatayo sa pintuan at pinapanood sila. Kalahating oras ang lumipas ay muling nag-ring ang door bell ng gate. at sa oras na ito ay si Alice naman ang dumating kaya naging kumpleto ang kaligayahan ni Ara sa pagdating ni Alice sa okasyon dahil may kakilala siya sa okasiyon na ito hindi na siya mababaliwala.

























ITUTULOY

What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon