Thirteen🌹

99 8 0
                                    


Andria Smilt on the top👆👆
And play the vedio before you read😊

Note: there will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your kind consideration and understanding.





“MAY problema ka ba, bakit ka nagpapakalasing?” Tanong ni Alvin kay Andrew ngunit hindi ito nagsasalita parang may malalim itong iniisip kaya 'di siya nito napapansin. Galing siya sa kanyang bar ng tawagan siya ni Andrew na maginuman sila sa bahay nito.

Naguguluhan si Andrew. Ang mga salita ni Eunice ay patuloy niyang naririnig ng paulit-ulit sa kanyang mga tainga. Hindi niya lubos maisip na kaninang umga lang ang kanilang pagiging opisyal bilang mag kasintahan. Masayang masaya pa sila kanina, pero ng hapon din pala na iyon ay matatapos ang relasyon nila. Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya, lubusan na ba kayang mapoot siya sa akin?” naiiyak na siya sa kakaisip.

“Makipag-usap ka nga sa akin, ano bang nangyayari sa iyo?” pangalawang tanong ni Alvin sa lutang na si Andrew ng  sa wakas ay napansin na rin siya nito dahil tinapik niya ito sa balikat.

“Heto, ako'y nagdurusa, sinabi niyang tapos na sa pagitan naming dalawa, kaninang umaga lang ang saya-saya pa namin.” naluluhang sagot niya sa kaibigan.

“Ano? Paano niya nasabi ang ganyan, ano ang naging mali sa pagitan ninyong dalawa?” kunyaring naguguluhan si Alvin sa ibig sabihin ni Andrew, ang totoo niyan ay alam na niya ang pinagkakaganyan ng kaibigan.

“Maaaring hindi ka maniniwala sa akin.  Si Alice may ipinakita kay Eunice ng mga larawan nakuha sa cellphone nito, siya at ako ay nagtatalik sa iisang kama. Pero wala akong matandan ng gabing iyon?” saad ni Andrew na tumigil na sa pagiyak napalitan ng galit ang kaninang lungkot na nararamdaman ng maisip na naman ang mga larawan. Malalagot si Alice sa ginawa niya sa akin, at kilala mo ako hindi ako nakikipagtalik kapag lasing ako. Dahil ayaw ko na wala ako sa huwisyo kapag nakikipagtalik ako. Pero noon lang iyon matagal na akong tumigil at alam mo kong bakit ko tumigil sa ganya.” nakakakuyom ang mga kamao nito sabay ng pag-igting ng kanyang mga panga, dahil sa labis na galit.

"Ano?” kunyaring nagulat siya sa sinabi ni Andrew at tinanguan niya bilang pagsang ayon sa mga sinabi ng kaibigan.

“Sige naniniwala na ako sa iyo, tutulungan kitang mapanagot siya sa mga ginawa niya sa iyo. At tutulungan din kitang kumbinsihin si Eunice na hindi mo alam ang lahat ng nasa larawan.” pagpapagaan ng loob niya kay Andrew.

Napabuntong hininga si Andrew, dahil sa narinig guminhawa ng kaunti ang kanyang bigat na nararamdaman.
“Salamat Alvin, tunay nga kitang kaibigan.”  Kasiyahan niyang maibalik ang pagmamahal sa puso ni Eunice para sa kanya.

“Hindi ko siya pinahihintulutan na iwanan ako, mahal na mahal ko siya. At gagawin ko ang lahat para maibalik siya sa akin.” dagdag pa ni Andrew.

“Huwag kang mag-alala, maayos din ang lahat at maibabalik ang mga bagay-bagay.”  muling tinitiyak ni Alvin kay Andrew.

“Aalis na ako, hayaan mo akong makausap si Eunice at ng maipaliwanag ko sa kanya na wala kang alam sa mga pinaggagawa ni Alice.” anito sa kaibigan na lasing na lasing na bago siya umalis. Itatama ko na ang lahat.” sa isip ni Alvin.







































KINABUKASAN nagising si Andrew na sobrang sakit ng kanyang ulo, kasabay nang pangingirot ng kanyang puso ng bigla na lang mayroong siyang maalala.

"Hindi ko alam na kaya palang gawin ni Alice ang lahat, baliw na talaga nag babaeng iyon.” na iiling na bulong niya bago naghubad ng damit para maligo para mawala ang nararamdaman niyang bigat ng pakiramdam.

Naisip niya kung paano niya mapapaamin si Alice, alam niya kung gaano ito ka baliw sa kanya. Maaari niyang makuha ang gusto niya kahit sa anong paraan siya ay may sakit na Psychopath Deases. Minsan na itong nag karecord sa batas sa kasong pagpatay sa isang taong kina obsessed din nito. Dahil sa ipinagbawal na gamot o droga na nakakasira sa isang tao. Kaya akala niya ay nakalimutan na nito ang pagmamahal niya sa akin, ngunit nagkamali ako.

Napagpasyahan ni Andrew na puntahan sa bahay nito si Alice, kung magdulot ito ng kamatayan sa kanya pagkatapos ay hahayaan niyang mamatay siya dahil sa pag-ibig niya kay Eunice. Alam niya na magiging mapanganib para sa kanya ang pagpunta sa apartment ni Alice, ngunit pipiliin pa rin niya na pumunta para mapaamin niya ito sa lahat ng ginawa niya ng gabing kuhanan niya ako ng larawan na kasama siya. Para may ebedinsiya siyang mapapakita kay Eunice na hindi niya alam iyon. At wala siyang kamalay malay.

Nang hapon ring iyon ay napagpasyahan na niyang pumunta sa bahay ni Alice, para pakiusapan na sabihin nito ang totoo kay Eunice na sinet-up lang siya nito, upang malinis niya ang kanyang sarili kay Eunice. Kumuha siya ng taxi dahil ayaw na niyang magdala pa ng sasakyan. Nakarating siya sa bahay ni Alice sobrang tahimik dito, parang wala man lang tao ang naninirahan dito dahil sarado lahat ng bintana ng buong bahay. Sinubukan niyang buksan ang pintuan nang may lakas, ngunit ang pinto ay hindi pala nakakandado, hindi na lang siya tumawag at deri-deritso na lang siyang pumasok dito.

Isa-isa niyang pinuntahan ang mga silid na tahimik at hindi pinapayagan na marinig ang kanyang mga yabag. Bigla na lang pumasok sa isip niyang 'wag magpasabi na naririto siya na para bang may bumubulong sa akin na pasukin lang ito ng tahimik.

Isang silid na lang ang hindi niya pa napupuntahan iyon ay silid ng mga magulang ni Alice alam niya iyon dahil madalas siya noong tumambay dito kasama si Alvin noon dahil napasok sila ng lihim sa silid na iyon para lang magbuklat ng mga magazine na ang laman ay nag gagandahang mga sexing babae. Noong hindi pa sila nagkasirang tatlo.

Nang malapit na siya ay nakarinig siya ng isang tahimik na pag-iyak galing sa kuwartong iyon, tinig iyon ng isang babae na curious ako kaya dahan-dahan ko itong binuksan upang magulat kong sino ang nandoon. Ang nawawalang si Andria Smilt. Nakatali ito sa kama gamit ang mga lubid.

Si Andria ay kapatid na babae ni Aaron Smilt, na kinahumalingan noon ni Alice. Masuwerte lang siya noon dahil hindi tulad kay Aaron hindi siya nito na kakanti dahil sa mga magulang ko na may utang ang pamilya kasi ni Alice sa mga magulang ko.

Nakita kasi ni Andria nang barilin ni Alice ang kanyang kapatid, kaya pinagbantaan nitong iuulat sa mga pulis si Alice dahil sa pagkakabaril nito sa kanyang kapatid, kaya siguro nawala ito noon. Ang akala ng nakakakilala dito ay nangibang bansa na ito matapos mapakulong si Alice.
Yes! tama kayo ng dinig naipakulong si Alice noon ngunit nakalaya ng magpiyansa ito.

Dahan-dahan siyang pumasok sa kinaroroonan nito at binalaan na 'wag maingay si Andria, kaya tumahimik ito sa pagiyak. Kinalagan niya ito at tinulungan niya si Andria, binigyan niya ito ng damit na nakuha niya sa aparador ng nasabing silid, at ipinabihis niya sa dalaga dahil madungis na ang suot nito.

“May kasama pa ba dito si Alice, nasaan?” kinakabahang tanong ni Andrew kay Andria.

“Lumabas si Sean, 'yong bagong karelasyon ni Alice ngayon.” nanghihinang sagot nito.

“Walang hiyang Alice na 'yon, napariwara na talaga ang buhay,”  may galit sa tinig ni Andrew habang nagmumura. Tahimik silang nakaalis sa silid na iyon hanggang sa makalabas ng bahay ni Alice medyo malayo na sila nang may narinig silang putok ng baril sa 'di kalayuan ay may natakbong lalaki papalapit sa amin, kaya binilisan pa namin ang pagtakbo sakto na mang may dumang taxi kaya hinarangan namin ito at dali-dali kaming dalawa na sumakay kaya hindi kami naabutan ng lalakinh iyon.



Samantala alam ni Andria ang lahat na nangyayari, ipinangako niyang sabihin kay Andrew ang lahat kapag nakatakas siya doon, babalaan din niya si Andrew na mag-ingat sa kanyang kaibigang si Alvin, dahil kasama rin ito sa pagpaplano ng lahat laban kay Andrew. Alam niya ang tungkol sa regular na pagbisita ni Alvin sa bahay ni Alice, dahil nasa sa kabilang silid lang sila nag-u-usap nito kaya nadidinig niya ang pagpaplano ng dalawa.






































ITUTULOY

What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon