Note: there will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your kind consideration and understanding.
~~~¤¤¤~~~
(Eunice)
Tiningnan ko ang aking relo kung anong oras na, halos kalahating oras na akong naghihintay, ngunit wala pa ding dumadating na Andrew nag-aalala na ako.
Dumating ako nang maaga hindi pa din ako nag oorder dahil hihintayin ko muna siyang makarating kahit gutom na ako at upang ipakita ko sa kanya na ako ay seryoso na kilalanin siya ng lubos.Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-inom ko ng aking enorder na kape at pag-fafacebook ko online habang wala pa si Andrew. Nagdala pa ng kape para sa akin ang waitress dahil pa ubos na din ang kape na inorder ko kanina, humihigop ako nang kape, nang magpakita na sa akin sa wakas si Andrew. Ang kaninang nararamdaman kong pag kabagot ay napalitan ng tuwa ng masilayan ko ang kanyang mukha na nakangiti. "Ang guwapo naman niya sa mas malapitan kaysa sa noong isang araw. " sigaw ko sa aking isipan
"Hey, Pretty mabuti't nandito ka pa? Sorry, I'm late medyo trapik sa may kaya natagalan ako, " kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito, namula ako sa kanyang ginawi.
"Sorry, talaga kung pinaghintay kita at salamat at napanatili mong maghintay.
"It's okay don't mind me, hindi pa naman din ako tumatagal dito kaya, kere naman, " sagot ko naman sa kanya hindi ko mapigilan na tumingin sa kanya.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa dami-daming babae na nakakasalamuha nito ay isa ako sa lahat ng kababaihan na napansin niya kahit di naman ako kagandahan.Ipinakilala ni Andrew ang kanyang sarili bilang isang may ari ng kompanya na ipinundar nilang magkaibigan, ngunit may sideline siya bilang isang singer sa isang bar na pagmamay-ari naman ng kaibigan niyang kasyoso nito sa kompanya.
Nahihiya siya dito ngunit humahanga din, dahil sa edad 25 anyos lang ay isa na siyang may ari ng isang kompanya.
Samantalang ako ay isang hamak na impleyado lang nang aking mga magulang sa Candelights Restaurant na hindi naman kasikatan, tulad ng ibang sikat na restaurant all over in manila.Pagkatapos naming mag merienda ay niyaya niya akong pumunta sa tabing dagat sa may likod ng Mall of asia o tinatawag ng karamihan na MOA.
Dahil medyo hapon na noon at maaliwalas ang kapaligiran ay iniwan namin ang kanyang sasakyan sa isang parking area at naglakad na lang kami papuntang dagat naglalakad lakad lang kami doon, hanggang sa mapagod kaming dalawa kaya nag yaya si Andrew na kumanta kami sa isa sa kainan doon na may libreng banda.
Siniyasan niya ang isang nagsisilbi doon at may ibinulong at matapos no'n ay tinangunan lang siya ng waiter at umalis naman agad ito.Mayroon siyang matamis na ngiti bago siya umakyat sa isang maliit na stage doon at nag-umpisa na itong kumanta. Maganda at malambing ang kanyang tinig na sobrang nagpapasaya sa akin at lalong nagpakilig sa nararamdaman ko sa kanya kanina pa.
"Salamat at pinaunlakan mo ang aking kahilingan na mag-kita tayo sobrang napasaya mo ako. Sana'y maulit muli ito, " sabi niya matapos niya akong ihatid sa aming restawran doon na lang ako nagpahatid dahil nandoon naman ang aking sasakyan na ginamit ko kanina.
"Salamat din, at napasaya mo rin ako ng sobrang lalo na sa ganda ng boses mo kanina, " sabi ko na may halong papuri at may ngiti sa labi.
Ngumiti siya sa akin kaya nailantad ang kanyang pantay-pantay na puting ngipin na lalong nagpaguwapo sa kanya. "Makakakuha ba ulit ako ng isa pang change para maulit ang magandang araw na ito? " tanong niya sa akin bago ako makababa sa kanyang sasakyan.
"S.. sure. " sabi ko bago ako bumaba ng tuluyan.
Bago ako makapasok sa aking sasakyan ay narinig ko pa ang malakas nitong sigaw.
Yesssss. "Sigaw ni Andrew.
Nasa bahay si Aneth ng makauwi ako sa aking bahay. Lumabas pa talaga ito sa may pintuan at sinalubong ako.
"Hi, best, kamusta ang pagkikita n'yo, " tanong nito.
"Sobrang saya, " sabi ko na nakangiting malapad.
"Sana hindi mo ito ipinakita, "sabay turo nito sa aking baba sa pagitan ng aking mga hita. "Sira, walang ganyang pangyayari. "natatawa kong sabi dito.
"hahaha, Joke lang naman," natatawang utal nito sa akin.
"Pero hulaan ko kinantahan ka ni Andrew noh, siya ay isang singer 'di ba? " tanong ulit ni Aneth sa akin. Paano mo nalaman iyon? "Ano ka ba sikat sabi si Andrew, sabi ko saiyo noong isang araw di ' ba. Sobrang mahal nito ang musika kahit na may kompanya na siyang pinapatakbo. Kaya nga kabi-kabila ang mga babaeng nalilink diyan dahil sikat siya, kaya ikaw mag-iingat ka kaibigan kita at ayaw kitang masaktan dahil lang sa isang lalaki, 'di ko alam ang magagawa ko kapag may isang tao ang saktan ka, baka makapatay ako. "Seryosong saad nito sa akin at mataman niya akong tiningnan sa mata, "Hindi ko alam kong bakit nailang ako sa kanyang tingin.Tumawa ito pagkatapos nitong sabihing " Joke lang "kaya natawa na lang din ako. Para maalis ang pagkailang ko sa kanya.
Samantala
(Alvin)
Nakita kong masayang nagbibihis si Andrew kilala ko ang aking kaibigan na sa tuwing masaya ito ay nangangahulugang mayroong siyang pupuntahan na nagpapaexcited dito.
Lumabas ako ng bahay nito at hindi na tumuloy dahil nakita kong mukhang may lakad ito. Tumago ako sa gilid ng isang halaman na pine tree at nag kubli ako doon, nang makita kong lumabas na si Andrew gamit ang kotse nitong Asul. Sinubaybayan ko ang kanyang sasakyan ng may saktong dumaan sa aking kinatatayuan na taxi pinara ko ito at ginamit ang taxi para sundan si Andrew kung saan ito pupunta. Kahit na alam ko na rin kung saan ito patungo ay gusto ko pa ding kumpermahin ang kutob ko.
Kahit medyo trapik ay hindi niya alintana basta mamatiyagan niya lang si Andrew.
Halos kalahating oras din ang tumagal bago kami nakarating sa pupuntahan ni Andrew hindi niya parin pansin na may sumusunod sa kanya. Bumaba siya sa isang restaurant na malapit sa MOA at pumasok siya doon.Nakita ko siya kasama niya ang magandang si Eunice na mukhang mas maganda pa lalo ito sa personal kaysa sa larawan na kinuha niya sa facebook account nito. Hinintay ko silang matapos sa restaurant.
At sa wakas matapos ang isang oras ay lumabas na sila Andrew at sumakay ito sa kotse ng kanyang kaibigan.
Siguro uuwi na ito at hihahatid na ito sa bahay ng dalaga ngunit hindi pa pala ang mga ito dederitso sa bahay ni Eunice.Halos maglilimang oras din akong nakabantay sa dalawa hindi ko na iisa-isahin ang mga naganap sa dalawa, dahil nasasaktan lang ako sa mga nakita ko sa kanila.
Ang importanti ay matagumpay na alam ko na ang bahay ni Eunice. Ngayon, maisasakatuparan ko na ang aking mga plano ngunit hindi pa sa ngayon. Maaga pa para sa gagawin ko saka na kapag ang dalawa ay nagmamahalan na sa bawat isa.
Alam ko kung ano ang gagawin at kung paano ko makukuha si Eunice kay Andrew. Sisikapin kong mabuti na matupad ang aking mga plano at kailangan ko ng tulong ni Ara at ni Alice.
Napangiti ako sa aking sarili sa naisip kong plano. Habang patuloy kong pinagmasdan ang dalawang babaeng naguusap sa tapat ng pintuan habang nagtatawanan.
To be continue..
A/N
Click the 🌟,Comment and share
Thank you.
YourAmbitiousWriter
BINABASA MO ANG
What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)
Любовные романыPocketbook version feels in wattpad Title : What if I'm Loving YOU (Andrew+Eunice)story Genre: Romance Start Writen: October 05,2019 Finish Written: November 11,2019 Eunice Tailor, isang maganda at inosenteng babae, makakakuha nang atinsyon sa isa...