CHAPTER SEVEN: CALL ME YOURS

26 10 0
                                    

RYAN'S POV

Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Tila nangangausap ang mga 'yon. Pakiramdam ko'y nag-uutos itong magkaroon kami ng koneksyon. Unti-unti kong pinaglapit ang mga mukha namin at kalauna'y nagkadikit nang tuluyan ang mga labi namin.

Ngayo'y sigurado na ako. Batid ko na kung ano iyong naramdaman ko noong unang beses na nagkadikit ang mga labi namin sa hindi inaasahang pangyayari.

Pagkagusto.

Pagkasabik.

Pagmamahal.

Mahal ko na si Allison.

Hanggang sa tumigil siya't kumawala sa pagkakakapit sa akin. “Bakit?” tanong ko. Nagtataka, naguguluhan.

“Is this what you want? Tiningnan ko lamang siya. Hindi ko maintindihan. Hindi ko siya maintindihan ngayon. “You used my vulnerability, Ryan. Fuck it. Madiin ang mga salita niyang 'yon, ramdam ko ang pagkagalit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

“No. Sorry, hindi ko sinasadya. Akala ko... Sinusubukan kong ipaliwanag sa kaniyang hindi iyon katulad ng iniisip niya. Na hindi ako ganoong klase ng tao. “Akala ko okay lang sa 'yo. I'm sorry. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero binawi niya ito sa akin.

“What do I expect? You're still a man. It's in your nature—taking advantage of girls. Nilagpasan niya ako't naglakad papalayo.

Wala na akong nagawa kung hindi guluhin ang buhok ko. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Inalam ko muna dapat kung ayos lang ba sa kaniyang halikan ko siya. Tiningnan ko muna dapat kung gusto ba niyang halikan ko siya. Tinanong ko muna dapat siya. Hindi ko isinaalang-alang ang nararamdaman niya. Kasalanan ko at deserve ko ito.

Ang gago mo naman kasi, Ryan. Wala kang kwentang lalaki. Tama si Allison, ginamit mo 'yong pagkakataon kung saan siya mahina.

Ilang minuto pa muna akong nagpaikot-ikot sa garden para makapag-isip-isip. Pumasok ako sa klaseng wala na naman sa sarili at nakikiramdam kay Allison. Gayunpaman, hindi ko siya matitigan sa mata dahil sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa bagay na hindi ko dapat ginawa.

Hanggang sa narinig kong pinansin si Allison ng professor namin at tinanong, “Monroe, are you alright? You seem pale.” Nagtungo pa siya rito para hipuin. “Diyos ko, nilalagnat ka!” Doon na niya tuluyang nakuha ang atensyon ko. Nilingon ko ang direksyon niya.

“It's okay, Ma'am. I can manage,” sagot nito na halata namang hindi totoo. Aktong tatayo na siya sa kinauupuan nang mas mabilis pa sa hangin akong kumaripas para alalayan siya. Takang tumingin ito sa akin ngunit hindi ko na ito masyadong pinagtuunan ng pansin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maihatid at mabantayan siya pauwi.

“Ako na po ang maghahatid sa kaniya,” saad ko kay professor nang walang pag-aalinlangan.

Tinanguan lang naman ako nito. “Mag-iingat kayo.”

Kukunin ko na sana ang bag niya nang pigilan niya ako. “I'll call someone,” sabi niya habang nagsimula nang magkalikot ng phone. May tinawagan siya telepono. “Kuya,” aniya. Ramdam kong nahihirapan na siya sa paghinga dulot ng iniinda kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na kuhanin sa kaniya ang telepono.

Tiningnan ko siyang muli bago umimik, nang sa gayon ay alam niyang humihingi ako ng permiso na ako na muna ang magsasalita para sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at ako na ang nagsalita. “Nilalagnat po si Allison, ihahatid ko po siya pauwi.” Tahimik ang kabilang linya.

A Mad Woman, Allison.Where stories live. Discover now