CHAPTER SIXTEEN: MISFORTUNE

21 11 0
                                    

RYAN'S POV

Panaginip. Panaginip ko lang pala ang lahat.

Ilang oras akong nakatitig sa kisame ng kwarto. Sobrang sakit ng ulo ko. Nagawa ko pang umuwi nang ganoon ang sitwasyon? Buti hindi ako nakabangga. Seryoso, nakapagmaneho pa 'ko?

Hindi muna ako pumasok nang umagang 'yon. Kinahapunan, sinalubong ako ng maraming tanong. ‘Ayos na ba ako?’ ‘Nahimasmasan na ba ako’ Ready na ba ulit akong magtrabaho?’ Ewan ko. Sa totoo lang ay 'di ko rin alam ang sagot.

Hindi ko nasilayan maski anino ni Allison. Kahit saang sulok ng bawat room, wala. Kung hindi lang ako sinabihan ng adviser niya na magt-transfer out na raw siya, wala rin akong makukuhang balita. Sa panaginip ko nangako siyang 'di na siya aalis, e. Na hindi na niya 'ko iiwan ulit. Sana pala hindi na lang ako nagising.

Pinilit ko pa rin ang sariling ayusin ang trabaho ko. Ngunit kumikirot pa rin ang puso ko sa t'wing naiisip na konektado pa rin ito sa kaniya. Sino ba kasing hunghang ang nakaisip na magturo sa Law School dahil gustong mag-abogado ng greatest love niya? Haha, edi ako.

Gabi-gabi akong lunod sa alak. Buti nga at nakakaya ko ang hangover pagkapasok ko kinaumagahan. Umaasa akong lalabas ulit siya sa panaginip ko. Na kahit sa panaginip, mahalin niya rin ako't balikan. Nagtatanong-tanong din ako minsan kay Dove, kaibigan niya, kung nakakausap pa rin ba nila si Alli. Maski sila'y wala na ring balita sa buhay niya. Mag-iipon na lang siguro ako para makalipad sa kaniya. Naka-follow din naman ako sa lahat ng social media niya kung sakaling mag-post siya sa mga nangyayari sa araw niya. Patutunayan ko sa kaniyang kaya kong maghintay. Kung gusto niyang unahin ang pangarap niyang maging abogado, susuportahan ko siya. Pero sana lang... sana lang huwag niya rin muna akong kalimutan. Ang daya, e. Iiwanan niya ako rito nang walang paalam tapos malalaman kong may iba na pala siya? Huwag. Kaya pa naman siguro 'tong i-shoe glue.

Mahal ko nang sobra si Alli, e. Iyong tipong kaya kong talikuran ang lahat para lang ipaglaban siya. Naiintindihan kong baka hindi ganoon ang pagmamahal niya sa akin. Na pipiliin niyang lumayo para sa amin. Habang ako ang naghahabol. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang palayain siya nang gano'n-gano'n na lang. Ni hindi ko man siya naipaglaban. Tapos ngayon pa ako susuko? Pagsubok lang 'to ni Lord.

Nagdesisyon akong umuwi kay mama ngayong weekend. Baka sakali, umayos kahit papaano ang routine ko't mapigilan ko ang sariling mag-inom. Pero nadatnan ko roon ang pinakakinaaayawan kong tao.

“Ryan! Sakto ang dating mo. Nandito ang papa mo,” bati niya sa akin. Nagmano lang naman ako pagkapasok.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Galit pa rin ako sa gagong 'yan. Kung bakit ba naman hinayaan niyang bumalik ulit 'yan sa buhay namin? Siya rin ang dahilan kung bakit kinailangan kong umalis sa rp noon. Wala siyang idinulot sa buhay namin kundi kamalasan.

“Anak, hijo.” Inakbayan ako ng mokong. Inalis ko lang naman ang braso niya sa balikat ko. Anong karapatan niyang tawagin akong anak?

“Alam mo namang hindi na kita kinikilala bilang tatay. Umalis ka na bago pa mag-init ang ulo ko,” utos ko rito.

Tumawa siya nang malakas. “Mapagmalaki ka na ngayon? Baka nakakalimutan mong negosyo ko ang nagpaaral sa 'yo?”

“Iskolar ako,” mariin kong sagot. “Saka anong negosyo ang ipinagmamalaki mo? Alam mong ilegal 'yan sa gobyerno!” Siya ang founder at CEO ang isang brand ng pabango. Bakit ilegal? Dahil may 'unknown' ingredient ang mga pabangong iyon—marijuana.

“Hijo, ikaw din naman ang magmamana nito...”

“Hinding-hindi ko hahawakan ang negosyo mong 'yan. Itatak mo sa kukote mo.” Umalis na ako't nagkulong sa kwarto.

A Mad Woman, Allison.Where stories live. Discover now